Chapter Seventeen

134 0 0
                                    

"The revelation of the past..."

- - - - - - - - - - -

"May mga tanong na gumugulo pa rin sa isipan ng bawat tao. At isa na ko sa mga 'yon. May mga ideas tayong napapatunayan sa araw-araw at mayroon ding mga lihim.. na mabubunyag din sa tamang panahon..," ang sabi ni Ma'am Manumbas.

Klase na ulit. Tapos na ang isang linggong kasiyahan. Marami na rin akong natutunan sa nagdaang mga buwan. Siguro pagka-graduate ko magiging masaya na ang lahat.. si Mama, si Papa, si Lola at ibang family members, pati na rin ang close friends ko.

"Darlene, sabay tayo kumain, huh?," sabi ni Phoebe.

"Sige."

Marami rin akong mami-miss. Siguro iniisip ng iba na makakabasa nito na napakaaga pa para magdrama..

"Ui.. 'wag ka ngang senti. Magki-Christmas na, ganyan ka pa," sabi ni Keith.

Madrama nga ako minsan, at sa kabila noon, marami pa akong gustong alamin... gaya noong nagdaang festival. Nalaman kong may nangyayaring weird sa paligid.. in particular na sa akin, kay Aisac at kay Keith. Mukhang may nalalaman din sina Taylor at Roland.

Nang matapos ang klase at nagka-break, nagpunta si Aisac sa room at naglagay ng letter sa ilalim ng gamit ko. Hindi ko ito napansin n'ung una, pero nakita ko rin. Ganito ang nakalagay:

Darlene,

Bago ka umuwi, puwedeng hintayin mo 'ko sa tapat ng room niyo? Anyway, magkatabi lang naman ang rooms natin.. May sasabihin ako sa iyo..

Aisac

Maikli ang sulat, pero masyado akong napaisip sa maaari niyang sabihin. Kilala ko si Aisac, at kapag ganyan siya, seryoso siya...

Alas-kuwatro ang uwi namin ngayon. May klase pa ang Mulawin. Nagpunta muna ako sa mini park para bumili sandali sa mga stalls doon. Nakita ko sina Taylor at Keith, at pagbalik ko galing ng tindahan, wala na si Taylor.

"Ui, ikaw pala, halika, maupo ka muna," sabi ni Keith.

Malayo pa ako ng ilang metro mula sa kanya. Nakita niya ako na may hawak na tinapay at inumin. Umupo na ako sa tabi niya, sa isang bench na malapit sa estatwa ni Mary Magdalene at di-kalayuan sa H.S building.

"Gusto mo ng tinapay?," pag-aalok ko.

"Hindi, salamat na lang.."

Payapa ang buong park. Sumasabay ang mga halaman sa pag-ihip ng hangin. At sa kabila nito, kinakabahan at mabilis ang tibok ng puso ko. Marahil ay dahil ito sa sulat ni Aisac. Malapit na rin kasi sumapit ang alas-singko ng hapon.

Samantala, napabuntung-hininga si Keith.

"Darlene, tungkol doon sa naitanong ko sa'yo noong festival.."

"Anong tanong?"

Sandali kong inalala ang naitanong nga niya.. hanggang sa naisip ko iyon, ang tanong kung may nagugustuhan ba ako..

"O-oh?"

"Huwag mo na lang pansinin iyon, okay?"

"Eh?? Ahm.. s-sige, pero.. bakit mo ba kasi naitanong 'yon?"

Hindi siya sumagot. Nabalot ng curiosity ko ang paligid. Malamig na rin nang hapong iyon.

Wala siyang sagot sa tanong ko, pero nagkuwento siya..

"Noong first year, may nagustuhan akong babae. Medyo kaugali mo nga eh..,"

"Eh??,"

"Naging kami rin dahil nagustuhan niya rin ako. Pero, may nakilala siyang isa pang lalaki, may gusto rin sa kanya. Nagsawa sa akin ang babae, at nakipag-break siya. Sumama siya kay Ro--.. ahm.. sa lalaki at naging sila. Tapos ngayon, binabalikan niya ako."

"Huh? Eh baliw pala ang babaeng 'yan eh.. si Margaret ba yan?"

Tumango siya na parang ayaw niyang malaman kong gumanon nga siya.

".........----pero, ayoko na sa kanya, may nagugustuhan na 'kong iba. And I think, worth it na mahalin ko siya..."

"Ahh.. eh sino na ba ang nagugustuhan mo?"

Naubos ko na ang pagkain ko at tumayo para itapon ang basura sa malapit na basurahan.

"I---isang kaibigan."

"Oooh... Hindi mo ba masabi sa kanya dahil nato-torpe ka?,"

Napatayo siya na parang nagulat. Humarap siya sa akin, medyo nahihiya.

"Huh??? Hindi ako t-t-to-torpe no!?.."

Habang inaasar ko siya, tinawag ako ni Phoebe mula sa malayo. Hindi ko siya kaagad napansin, at sumigaw na lang kaya ko siya narinig. Hinahanap daw ako ni Aisac.

"Sige, bukas na lang ulit.. Torpe," kutya ko sabay tawa.

Napaupo na lang siya at tumingin sa malayo.

"Promise, wala akong pagsasabihan.."

Nginitian ko siya at umalis na ko mula sa kinatatayuan.

"Si-sige.."

Habang sinasalubong ko si Phoebe, lumingon ako sa lugar kung nasaan si Keith. Nakaupo lang siya at nakatingin sa akin habang ako'y papalayo.

"Ga..gano'n pala ang nangyari sa kanila..," ang nasabi ko na lang sa sarili.

*

Pauwi ako na gulat sa nasabi niya... Hindi ko akalaing ganoon ang nangyari. Malayo sa isipan kong maaaring ganoon...

"Mahal ako ni Aisac??.."

[Novel] High School DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon