Chapter Eight

181 1 0
                                    

"When you admire a person, you start friendship. When you imitate a person, you like him. When you think special of a person, you love him.."

- - - - - - - - - - -

"May topak ka na naman. Sungit!," pagkainis ko.

"Gamitin mo kasi 'yang gamit mo. Hiram ka ng hiram eh," paliwanag ni Keith.

Art class nang hapong iyon, Friday. Nanghihiram ako sa masungit na lalaking iyon ng pambura. Hindi niya ako mapahiram dahil daw bawal sabi ni Sir Bermudez, ang astig na teacher ng Drafting.. :-)

"Grabe. Puwede ka ng award-an ng 'Most Obedient Student...' Sige na kasi.. sandali ko lang naman hihiramin.."

"Sa iba ka na lang manghiram. Magdadala ka kasi ng gamit mo."

"Hay nako! Bahala ka na nga. Napakasungit nito.."

Biglang nagsalita si George. Malapit siya sa amin at mukhang nakikinig sa away naming dalawa.

"Ui... ganyang-ganyan mga napapanood ko sa mga teleserye. Baka magka-inlaban kayo ha? Ayieee.... 'The more you hate, the more you love..'," pang-aasar niya.

"Itong masungit na 'to? Malabo. Hindi ko nga ma-take ugali eh," sabi ko naman.

Natawa na lang si George sa 'kin.

"Huwag kang mag-alala. Pasasalamatan mo rin ako balang araw," pangungutya niya.

"Heh. Hinding-hindi ako magkakagusto diyan!"

"Baka kainin mo mga sinasabi mo ha," sabat ng masungit.

"Bahala nga kayo sa buhay niyo."

Buti na lang wala si Sir noong time na 'yon kundi pati siya pinagtitripan ako.

"Nga pala, Darlene," tawag sa akin ni George.

"Ano?"

"Kakausapin kita mamaya ha."

"Tungkol sa'n?"

"Basta."

Bumalik na siya sa upuan niya.

Masayahing lalaki si George at nakakatuwa ka-kuwentuhan. Pero ang ayoko sa kanya, masyado masikreto.. daig pa mga babae.

Ang Arts Room ay hindi naman ganoon kalaki. Pagpasok mo lang dito, obvious na obvious na Arts Room dahil sa mga drawings at paintings na nakasabit sa dingding at naglalakihang lapis, pambura at compass na karaniwang ginagamit ng isang draftsman.

"Darlene," ang tawag ni Keith.

"Oh ano, sungit?"

Natahimik siya.

"Ahm.."

"?"

"Wala naman."

"Pinagtitripan mo na naman ba ako??"

"Hindi.. Itatanong ko lang kung friend mo nga ba si Phoebe."

"Oo. Bakit? May gusto ka sa kanya no?? Ayiee.. Pho---"

Tinakpan niya ang bibig ko. Bumulong siya..

"Ano ka ba.. Hindi no..."

Binitiwan niya ako.

"Asus... Hindi raw, eh bakit mo ba natanong?"

"Ah... eh.. Ala lang. Para kasing masaya siya maging kaibigan."

"Ganun??"

"Classmates, 5pm na. Nakapagpaalam na ako kay Sir. Pwede na tayong umuwi," sabi ng Class President, si Venus.

"Okay!," sabi ni Keith, nag-iinat pa.

Habang nag-aayos ako ng gamit, nauntog ako sa lamesa sa aking harapan.

"Oh, ayos ka lang? Naalog ba utak mo?," tanong na may kasamang pang-iinis ni Keith.

"(Ouch..) Heh. Tutulong ka na lang, mang-aasar ka pa..,"

Natawa lang siya at nang inalalayan niya ko sa pagtayo, nadulas pa ako. Sinalo niya ako bago maupo sa sahig. Natingin kami sa isa't isa.. medyo matagal. Nakaalis na ang lahat, kami na lang ang nasa loob.

"Uh... sige. A-alis na ko. Pasensya na..," pagkasabi ko'y tumayo ako kaagad at siyang pagdating ni Sir.

"Sige po, goodbye Sir, see you tomorrow," sabay naming paalam sa guro.

"Okay. Sige.."

"Nakakainis... pero....."

Sa labas ng building, sinalubong ako ni George.

"Ui..," pagtawag niya ng pansin.

"Oh.. Tungkol sa'n nga ba pag-uusapan natin??"

"Pahingi na lang ako ng number mo. I-text kita bukas. Ikaw kasi, nagpalit ka pa."

"Gano'n?? Okay..."

"Pagkabigay ko ng number, umuwi na rin kami. Hindi na rin kumikibo si George hanggang maghiwalay na kami sa daan.

"The more you hate.. the more you love..? Haay.. Whatever...."

[Novel] High School DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon