"Desperate people likes B-R-I-D-G-E-S.. especially.. T-E-E-N-A-G-E-R-S.."
- - - - - - - - - -
Sabado ng umaga. Ang sarap ng gising ko. Nanaginip kasi ako tungkol sa future ko. Natatawa pa ako kasi nasa panaginip na iyon si Aisac. Maya-maya nag-text na siya. Malungkot ang nilalaman ng message..:
"Morning..... sino ang maaaring maghilom ng puso kong sawi??!......"
Dramatic, isn't it??
"Ang drama naman nito..aga-aga eh..," text ko sa kanya.
"Bunso.. basted ako. Kalungkot.."
"Basted? Kanino naman?"
Kahit tinanong ko siya kung kanino.. alam ko naman ang magiging sagot...
"Kay Taylor. Hindi niya ako gusto. Ang sakit pala talaga ma-reject!..."
Kapansin-pansin ang mga ellipsis sa text messages niya na nagpapahiwatig ng kalungkutan. Hindi ko alam ang dapat i-reply sa kanya. Humihingi siya ng advices kung paano makalimot. Wala pa naman ako experience sa mga ganito.
"Hayaan mo na lang muna siya. Tingin ko malungkot pa yun dahil sa past niya eh.. I think she's not yet ready to move on.."
Hindi na siya nagreply. Nagmuni-muni siguro.
"Pwede magpalakad?," text message ng isang number.. Hindi ko alam kung sino.
"Eh sino ka ba?," tanong ko.
"Si George ito," reply niya.
"Magpalakad? Kanino naman?"
"Sa friend mo.. si Phoebe."
"Si Phoebe?"
"Oo."
Mukhang seryoso siya sa sinabi niya. Matagal na rin niya nasabi sa akin na gusto niya si Phoebe. Pero ngayon lang siya nagpalakad.
"Kung matatandaan mo.. hiningi ko sa'yo number niya. Masaya ka-text. Nakakaaliw lalo 'pag inaasar ko na eh,"
"Ah... and so?"
"Siya na bago kong crush.. or love? Cute nga niya eh,"
Nagkuwento siya ng mga bagay na tungkol kay Phoebe. Talaga kayang magpapalakad pa siya? Sa bagay, magiging seryoso ba siya kung hindi...
"So.. pumapayag ka na?,"
"Huh? Eh.. bahala na.."
Sa kabilang banda, walang kamalay-malay si Phoebe sa nangyayari. Kasalukuyan ko rin siyang ka-text. Nag-open na ako ng topic na may kinalaman sa pinag-usapan namin ni George.
"Phoebe.. sino crush mo?"
"Crush ko? Ba't bigla mo naitanong?"
"Ah.. wala lang. Sagutin mo na lang.."
"S...Secret."
"Ganoon? Okay. Hindi na kita pilitin.."
"Joke lang. Sasabihin ko na.. pero secret lang ha?"
"Sige."
Napasubo na ko. Magmumukha pa kong tsismosa nito dahil sa ginagawa ko eh.. Siguro pwede ko nga tulungan si George pero 'di ako makikialam sa diskarte niya.. lalo't nalaman ko kung sino ang crush ni Phoebe.
"Si Bernard."
"Oh? Ah.. 'yung katabi ko kapag Math. Hmm.. cute nga... lalo 'pag walang salamin."
"Oo. Kaso parang wala siyang kamalayan sa mundo. Yung parang..... manhid?"
"Talaga? Hindi ko kasi siya gaano ka-close kaya hindi ko alam..."
"Bakit kaya may mga taong manhid no?"
"Aba.. eh ano ba naman malay ko.. pero ayos lang 'yan. Crush lang naman 'yan..."
"Oo nga.."
Crush lang....
May natutunan na naman ako ngayong araw. Dapat ba talaga 'yung taong magugustuhan mo eh walang gusto sa'yo? I mean.. para siyang chain eh. Mahal mo siya, may mahal naman siyang iba. At yung mahal niya, may mahal ding iba. Ang gulo.. pero I think that's the irony of falling in-love...
Tinext ko din sa araw na 'yon si George. Heto ang sabi ko..:
"Matutulungan kita sa balak mo.. pero hindi ako makikialam ha. May mga bagay kasi na sa halip na ipagpilitan.. hinahayaan na lang.. so I'll let things happen on their own..."
BINABASA MO ANG
[Novel] High School Diaries
Fiksi Remaja"What is love for a high school student?" Witness as Darlene and her friends find out.