Chapter Seven

193 0 0
                                    

"Attraction is infatuation. Care and affection mean love.."

- - - - - - - - - -

Nabalitaan ng school ang nangyari sa camping ng seniors. Usap dito, usap doon. Pati ang pagkalunod ko alam na ng buong student body.

"Darlene, balita ko nalunod ka raw? Ayos ka na ba?," tanong ni Mae, dati kong classmate.

"Oo. Okay na 'ko."

"Teka, kung nalunod ka, sino nagligtas sa'yo?," tanong niya.

"Hmm.. hindi ko alam eh, pero sabi nila si Keith. Wala kasi akong malay noon."

Dumating naman si Phoebe at nagkuwento sa ilang nangyari dahil tinanong siya nila.

"Phoebe, kuwento mo nga mga nangyari sa inyo," pamimilit ni Mae.

Dahil pinagkakatiwalaan namin siya, nagkuwento na si Phoebe.

"Ahm.. Ayon. Nalunod nga siya. Iniligtas ni Keith at Marc si Darlene. Dahil 'di siya halos makahinga, C-ni-P.R siya," kuwento ni Phoebe.

"Hindi ko alam 'yon ah. Sino nga-CPR sa 'kin?," tanong ko.

"Si Keith. Hindi ko ba nasabi sa'yo? Pasensya naman."

"Waah! Ayiee..," pang-aasar ni Mae.

"Oh.. ano topak mo? CPR lang eh,"

"Ano ka ba?? Yung CPR na 'yon, para na rin yung kiss no..," paliwanag niya.

"K-Kiss??!"

Tama siya. At ang CPR na 'yon. . . . . . first kiss ko 'yun!

"Ui... blushing.. Yiee..."

"Heh. Sige lang, mang-asar ka pa."

Nang matapos ang klase sa Computer ay siyang pagdating ni Ma'am Baltazar. Seryoso ang mukha niya.

"Sir Cruz, may I excuse Mr. Marc Agustin and Ms. Darlene Tiongson?"

Kinabahan ako.

"Okay. Marc, Darlene.. tawag kayo ni Ma'am."

"Y-Yes, Sir."

Paglabas namin ng Comp. Lab., hindi na siya nagpaliguy-ligoy.

"Marc, may violation ka against your classmate here. I need your statements right after your class, understood?"

"Yes Ma'am."

"Naipatawag ko na rin ang parents niyo. See you.."

At umalis siya.

Kabado ako para kay Marc. Alam kong wala naman talaga siyang kasalanan. Aksidente iyon. B-Baka ma-suspend siya dahil sa 'kin...

"Marc, sorry. Sasabihin kong 'di mo naman talaga siya sinasadya," pag-aalala ko.

"Salamat," ang sabi naman niya.

Kalmado pa rin ang mukha niya, Pero halata sa mata niya ang takot.

Halata ang kaba sa mga mukha namin habang papasok ng office ni Ma'am. Nakita ko sa loob si Mama at ang nanay ni Marc.

Ipinaliwanag namin ang mga totoong nangyari. Sinabi kong hindi iyon sinasadya. Ayokong madiin si Marc dahil sa hindi naman niya alam na hindi ako marunong lumangoy at aksidenteng naitulak niya ako.

After the statements made, napagdesisyunan na gagawa na lamang siya ng promise-sorry note at 1-hour service sa building namin (ex. paglilinis ng corridor).

"Sorry ulit..," sabi ko sa kanya.

"Okay lang. May kasalanan pa rin ako."

Habang pauwi, kinausap ko si Mama.

"Ma, sana hindi kayo galit sa kanya."

"Hindi na, anak. Alam ko ng hindi naman niya talaga sinasadya."

"Haay.. buti't hindi lumala. Akala ko masu-suspend pa siya. Buti na lang talaga..," ang sabi ko sa sarili.

Lingid sa kaalaman ng iba, naging close friends din kami ni Marc. Masaya siya kausap. At ang masasabi ko lang.. prangka siya, pero torpe. Peace!

Pagkatapos ng hapunan, nag-decide na akong matulog na kaagad. Naalala ko ang sinabi ni Mae na 'kiss.'

"Siguro naman.. h-hindi iyon official, 'di ba??," tanong ko sa sarili.. at siyempre, tinatawanan ko lang iyon.

Maya-maya, nag-text si Aisac. Ganito ang sinasabi:

"Gud eve. Darlene, pahinga ka ha. Nabalitaan kong nalunod ka raw sa may ilog malapit sa camping site. Hindi ka ba nasaktan o nagkasugat? Sana hindi. Pasensya na rin sa abala. Sige, gudnyt.:-)"

Napangiti na lang ako. At least, I know that he cares.

Dumeretso na ako sa pagtulog..

- - - - -

next time na po update. How was it?? :)

[Novel] High School DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon