"Have the courage to face the past. As you go along, memories will last."
- - - - - - - - - - - -
Keith's POV
"Makinig kayo," anyaya ng lola niya.
"Larawan ng isang masayang pamilya ang mag-anak namin. Si Wilfredo, ang kanyang ama na aking anak ay isang mahusay na piloto na galing sa aming simpleng pamilya. Mabait siya't mapagbigay. Ang butihin naman niyang asawa na si Cecilia ay nanggaling sa isang prominenteng buhay. Bagaman magkaiba ang estado ng kanilang pamumuhay, nagawa pa rin nilang magsama bilang mag-asawa. Isa namang accountant ang nanay ni Darlene."
"Wow! How romantic! Love really is finding its way," sabi ni Taylor.
"Shh... makinig muna tayo kay Lola," saway ni Aisac. "Eh ano na po ang nangyari?"
"Nang magkapamilya sila, medyo nahirapan ang mag-asawa. Madalas sila mag-away dahil sa mga gastusin. Ngunit kahit ganoon, natuto silang intindihin ang pagkukulang ng isa't isa. Lalo silang naging matatag," kuwento pa niya.
Nahinto ang salaysay ni Lola nang may kumatok sa pintuan. Pumasok ang doktor. Inusisa ang kalagayan ni Darlene, pagkatapos ay tinawag niya ang matanda at sabay lumabas ng kuwarto.
"Lola?"
"Dorotea."
"Ah. Lola Dorotea, tatapatin ko na ho kayo, kakaiba po ang naging kaso ng apo ninyo," aniya.
"Ho? Ano po ba'ng ibig niyong sabihin?" tanong ni Lola.
"Dati pa ho siyang may amnesia, 'di ba?"
"Oo... Bakit po?"
"It seems na nakalimutan niya ang nangyayari ngayon sa kasalukuyan. At posible rin hong pagkagising niya, maalala niya ang nangyari sa nakaraan, y'ung kanyang nakalimutan noon. Para ho siyang alzheimer's disease na kadalasang nangyayari lamang sa matatanda. Buti ho, painumin niyo lagi siya ng gamot na binigay ko sa inyo. Itse-check ko na lang siyang muli bukas." paliwanag ng doktor.
"Sige po. Maraming salamat. Pagalingin niyo po ang aking apo," pakiusap niya.
"Oho. Gagawin po namin ang aming makakaya."
Pumasok muli sa loob si Lola. Hinigpitan niya ang kanyang hawak sa kanyang panyo.
"Lola, okay na raw po ba si Darlene?" tanong ni Phoebe. "Maayos na siya, hindi po ba?"
Malungkot ang anyo niya pero nakangiti niyang sinagot ang tanong ni Phoebe.
"Ayos na siya, iha. Itse-check up na lang daw. Maiba tayo, saan na 'ko nahinto?"
Naupo siya sa tabi ng hinihigan ni Darlene. Kami naman ay nasa gilid lamang at nakikinig pa rin sa kanya.
"Ah. Naging mahirap ang pakikitungo nila sa kanilang mga kamag-anak, lalo sa mga magulang ni Cecilia. Ayaw nila sa anak kong si Wilfrido kaya't hindi nila ito pinakisamahan nang maging mag-asawa sila ni Cecilia, pati kami. Mabuti na lamang at tanggap nila ang kanilang mga apo. Hindi pa nga sila nakabibisita rito. Marahil ay busy sa kanilang negosyo sa bag."
"Sandali lang po. Nasaan po ba ang lolo niya?" tanong ko.
"Si Paciano ay wala na. Maaga niya kaming inulila. Sampung taon na ang nakakaraan nang huli ko siyang masilayan. Inatake siya sa puso na naging sanhi ng kanyang pagkamatay."
"Patawad po."
"Ayos lang, iho." maluha-luhang pag-iintindi niya. "Simula nang nawala siya, namuhay na ako'ng mag-isa... hanggang sa patirahin na ako ni Fred (Wilfredo) sa kanilang tahanan. Limang taon pa lamang si Darlene noon ay ako muna ang nag-alaga sa kanya habang wala ang kanyang mga magulang na nagtatrabaho. Pitong taon naman siya nang magkatrabaho na ng stable ang kanyang ama sa paliparan. Isinilang na rin si Darlo sa panahong ito."
![](https://img.wattpad.com/cover/1059974-288-k546210.jpg)
BINABASA MO ANG
[Novel] High School Diaries
Teen Fiction"What is love for a high school student?" Witness as Darlene and her friends find out.