"Ang anuman ng isip ay makalimutan, puso'y paaalalahanan."
- - - - - - - - - - - -
Darlene's POV
Blangko. 'Yan lang ang masasabi ko. Wala akong maalala tungkol sa inyo. Ang alam ko lang, pinatay nila sina Papa. Wala silang awa. Pitong taon lamang ako nang masaksihan ko ang karumal-dumal na krimen. Binaril nila sa ulo si Papa. Pati si Mama nakatanggap ng bala ng baril sa kanyang tagiliran.
"Anak, bakit ka nandito?" mariing tanong ni Mama.
Malapit siya sa may hagdanan. Ako naman ay nakatago sa ilalim ng lamesang may flower vase malapit sa kuwarto sa itaas. Malapit ito sa may hagdan.
"Mama.." sabay hikbi.
"Napakabata mo pa para makita ito. Bumalik ka d'on!" utos niya.
Tinulak niya ako papunta sa itaas nang lapitan ko siya. Bakas sa kanyang mukha ang sakit na dinadaing ng kanyang tiyan. Kaoopera lang niya mula sa panganganak.
"Pumasok ka na sa kuwarto, Darlene!"
Umakyat ako, gaya ng sabi niya. Pero, bumalik ako sa puwesto ko kanina. Nag-aalala ako na baka mapa'no sila.
"Ku'nin niyo na pati ang asawa niyan," utos ng lider ng mga kriminal.
"Boss, ang mga kapitbahay, nand'yan na."
"Lagyan niyo ng ng tape ang bibig n'ung babae. Umalis na tayo. Buhatin niyo na yan."
Nawalan ng malay si Mama. Bitbit nila pati si Papa. Hindi ako makahingi ng tulong dahil sa takot. Nanginginig ang kalamnan ko. Pito sila. Pitong mga nakaitim...
Nagising ako sa pagkakatulog, mangiyak-ngiyak.
"Nasaan ako?" tanong ko.
"Sa ospital, Darlene."
Tiningnan ko ang lalaki. Hindi ko mamukhaan. Hindi ko siya makilala.
"Pasensya na, pero... kilala ba kita?"
"Oo. Bumisita na ako rito nang minsan. Ah. Ako nga pala si Keith, Keith Valera. Kaklase mo."
"Keith Valera? Keith..."
Bakit ganoon? Hindi ko naman siya kilala pero parang familiar y'ung pangalan niya, y'ung tayo niya saka y'ung boses niya.
"Naalala mo na 'ko?"
"Ah... hindi."
Kami lang ang nasa loob ng puting kuwarto na y'un. Wala si Lola at Darlo.
"Ahm.. nas'an si Lola at ang kapatid ko?"
"Umalis sila eh. Bumili ng mga makakain. Uy, nga pala, heto."
Nag-abot siya ng isang notebook. Sa cover ay may nakasulat na 'Diary'.
"Basahin mo. Sa'yo 'yan." sabi niya.
"Sa 'kin?"
Tumango siya. Binuksan ko na ang kwaderno.
"Lunes, June 13. Sa isang madilim at malungkot na kuwarto, mabubuhay ang mga kuwento.."
Ano y'un? Pero para ngang may isinulat o nabasa akong gan'on. 'Di ko lang maalala kung saan at kailan.
"Sigurado ka'ng akin 'to?" pagtataka ko.
"Oo naman. Sulat mo 'yan. Basahin mo lang. Baka may maalala ka."
Pinilit kong basahin at alalahanin. Wala talaga. Binitiwan ko na lamang ang diary.
"Ayoko na. Wala talaga akong maalala. Sumasakit ang ulo ko."
BINABASA MO ANG
[Novel] High School Diaries
Teen Fiction"What is love for a high school student?" Witness as Darlene and her friends find out.