Chapter Ten

172 0 0
                                    

"There is a different kind of love, where a person.. who doesn't believe in love, falls.. in the world of care and affection."

- - - - - - - - - -

Maaga na naman ako pumasok sa school.. hobby na eh. First subject namin ang Physics. Dumeretso muna 'ko sa room namin para gumawa ng assignment. Medyo mahirap kasi. Isa pa ginabi na 'ko sa paggawa ng website na kailangan ko ipasa kaya ngayong umaga lang ako makapagsisimula sa homework.

Nadatnan ko si Keith na nandoon na at kapansin-pansin ang hirap niya sa pagsagot ng assignment dahil sa pagkamot niya ng ulo at pagkunot ng kanyang noo.

"Hi," bati ko.

Hindi siya sumagot.

"Mukhang seryoso tayo, ha?"

Naka-lock pa pala ang room kaya nasa labas siya. Nakaupo siya sa tabi ng pinto ng room.

Ibinaba ko na ang gamit ko. Naupo naman ako sa harap niya, nakasandal sa may poste.

Tahimik ang paligid. Ginagawa ko na rin ang assignment. At ang nakakapagtaka, makalipas ang humigit-kumulang trenta minutos.. nauna pa akong natapos kaysa sa kanya. Pagkasara ng notebook, nakita kong inilayo niya ang tingin niya sa akin..

Medyo maingay na rin noon. Nagsisidatingan na ang mga tao.

"P-Paturo," pakiusap niya.

Seryoso pa rin. Ayaw mapuknat sa pagsagot.

Nilapitan ko na siya.

"Sa'n ka ba nahihirapan?"

"Computation."

"Ganoon ba? Medyo mahirap nga iyan. Hindi ako sigurado sa sagot ko pero maaari kitang tulungan."

"Sige, s--sa--simulan mo na..."

Haay na 'ko. Kahit kailan talaga. Hindi man lang siya nagpasalamat. At habang tinuturuan ko siya, nagdududa pa. Pero in-fairness, mabilis siya matuto.. kaya nga kasama siya sa top 10 students sa klase. Cute siya talaga kahit lagi niya ako binubuwisit..

Hayan, magsisimula na ang klase. Akalain mo ba naman na mgakasama kami sa room table(RT), katabi ko pa.. Kapag minamalas ka nga naman oh.. Malapit lang din sa 'min ang iba naming friends.

"Ms. Tiongson, Mr. Valera.. occupy the seats on RT5.," ang sabi ni Ma'am Baltazar.

Maayos na ang seat plan sa loob ng Physics Laboratory.

"Hindi talaga tayo mapaghiwalay no? Hindi ka pa ba nagsasawa sa pagmumukha ko? Halos sa lahat 'ata ng subjects katabi kita, Math lang hindi."

"Hindi..... Hindi ka nagkakamali. Tsaka, 'wag ka na nga magreklamo. Ayoko rin na katabi ka no..," pang-aasar niya.

"Ayan na naman kayo. Para kayong aso't pusa. Magka-inlaban kayo eh..," pambubuwisit ni George na di-kalayuan sa upuan namin. Nasa RT4 siya.

"Ayiee," dagdag ni Marc.

"Tumahimik na nga kayo. Magsisimula na ang klase, ang ingay-ingay niyo pa," pagsaway ko.

"Oo nga.," sabi naman ni Keith.

"Naku.. nagkaroon lang kayo ng kiss eh. Remember the CPR? Yiee..," bulyaw pa ni George.

Hindi ko na lang sila pinansin. In fact nag-sign pa nga ako ng "W" sa kanila.. malaman lang na wala akong paki.. pero namumula rin ako, gaya ni Keith.. but still.. wala akong pakialam.. wala...

Nagpatuloy na ang klase.. at nakita kong nakatingin na naman ng 'di mawari si Keith.

"Ano ba 'yan.. Bakit ba siya nakatingin??! Nakakainis na ha..," nasabi ko na lang sa sarili..

At magmula sa araw na 'yon.. nasanay na kong lagi siya kausap. Mas nagiging close kami habang tumatagal. Nakakatuwa siya.. Nasa loob din pala ang kulo nito.

After ng Physics, may kakaibang nangyari sa akin. Sandaling hindi ako makahinga. Napansin agad iyon ng mga ka-RT ko. Binigyan ako nila Ma'am ng gamot para inumin.

"Ayoko na maulit ang dati..," sabi ko sa isip.

Nang mahimasmasan.. nagpunta na kami sa room ni Ma'am Baltazar para ihatid ako sa room namin for the English Class. Sakto, wala pa si Ma'am Ramos. Natural sa mga estudyante ang mag-stay na lang sa loob ng room 'pag wala pang teacher. Hindi rin dumating si Ma'am.. pero nandoon naman ang student-teacher niya.. si Ma'am Flores.

Dahil mukhang walang mangyayaring klase ngayon.. nagdesisyon si Ma'am Flores na maglaro na lang kami.. pero tahimik lang. Pasahan ito ng piso. Kailangang mgakakahawak ng kamay. May consequence na ipapataw sa pair na mahuhuling may hawak pa noon 'pag natapos ang kanta.

Siyempre, ala akong magagawa kundi hawakan ang kamay ni Keith. Malamig ang kamay niya. Baka kinakabahan na magkaroon siya ng consequence. Pero hanggang sa matapos ang laro.. hindi kami ang naparusahan.. pero sadyang malamig ang kamay niya.....

Pagkatapos kumain ng lunch, nagtatalo na ang isip ko. Parang--- para bang--- nagkakagusto ako kay Keith ng 'di ko malaman kung bakit?? Pero mali kasi mas gusto ko pa rin si Aisac.. at ayoko sa mga 'di naniniwala sa love...... It's just that.. parang iba....

"Ui.. guess what... sa Greenbelt Theater at Enchanted Kingdom ang field trip! Sinasabi ko na nga ba..," balita ni Ivan.

"Doon?? Haaay... eh parang last year doon din eh..," sabi naman ni Phoebe.

Habang nagkekuwentuhan ang lahat 'bout the said trip.. malalim pa rin ang iniisip ko.. Nawala ako sa mood.. pero idinaan ko na lang sa pakiki-join sa kanila.. para naman malibang ako kahit konti.

- - - - - - -

ambagal ng net connection.. err. haha.

next time uli update. slamat sa mga readers qng meron man. :D

[Novel] High School DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon