Chapter Sixteen

130 0 0
                                    

"Look after the past and the wrong things you got into, for it's a lesson useful only for you.."

- - - - - - - - - - -
Huling araw na ng festival. Kailangan ko ng pumasok ng maaga dahil ibinigay sa akin ni Venus ang susi ng room. Malamig na ang simoy ng hangin. Pagbukas ko ng pintuan ng room at pagbaba ko ng gamit, lumabas ako at lumanghap ng sariwang hangin sa may corridor. Malinis ang room, nakaayos ng mabuti ang mga upuan.. siyempre, nilinis yata 'to ng class officers. Pagdungaw ko sa quadrangle, nakita kong nagpapraktis mag-toss si Keith.
Tinawag ko siya.

"Oh, nandiyan ka na pala..," sabi niya. "Sandali lang, kukuhanin ko lang ang gamit ko."
Paakyat na siya. Nakatingin lang ako sa mini park ng school. Maraming mga puno at halaman sa paligid. Kapag ganitong wala halos klase, I usually look around. It's very peaceful, yet people pass by like ants in a hurry.. Nakakalma ako.

Nakasuot na kami ng sports gear noon. Umaga kasi ang laro. Pagkalapag ni Keith ng gamit niya, sinamahan niya ako sa labas. Pumasok muna ako sandali para kuhanin ang nakita kong gitara na nakasandal sa haligi ng room.
Umupo ako na pa-indian sit sa corridor. Tumugtog ako ng isang kanta sa gitara. Tumabi naman sa akin si Keith. Habang tinutugtog ko ang "Your Guardian Angel," nagsalita siya.

"Magaling ka pala diyan," puri niya. "Turuan mo naman ako..,"
"Ganoon... 'di nga? Hindi ka sanay?," tanong ko. "Eh.. 'di ba friends mo sina Roland? Ba't 'di ka magpaturo sa kanila?"
Natahimik siya. Marahil ay naalala niya ang pinag-usapan nila few days ago.

"Aa.....ahm... Darlene?,"
"Oh?"
Kahit 'di siya nakatingin sa akin, halatang nahihiya siya sa gusto niya sabihin.
"May gusto sana akong itanong.."
"Sige, ano ba 'yon?"
"May... may nagugustuhan ka na ba?," tanong niya.
Napahinto ako sa pagtugtog. Kinabahan. Namumula. Ganoon din si Keith, habang pinaglalaruan ang I.D niya.
"B-Bakit mo naman naitanong y-yan??"
"W-Wala lang.. kasi-------"
"GOOD MORNINNNG!!"

Nagulat kami. Si Taylor lang pala. Hindi namin namalayan na medyo marami ng tao ang dumating. Tumayo na kami.
"Good m-morning din..," bati namin.
"Ang lamig na 'no?," sabi ni Taylor.

Pumasok na kami sa loob ng room. Ibinaba ko na ang gitara sa dati nitong pinaglagyan samantalang nagsimula na mag-stretching si Keith.
"Pansin ko lang ha.. mukhang nagiging close na kayo ni Keith. Dati para kayong aso't pusa.. Dahil kaya sa CPR 'yon? Joke! Peace tayo!," pagbibiro niya.
"Huh?? Hindi 'no.."
"Ikaw talaga.. biro lang."

Umupo kami sa lugar malapit sa bintana at malayo sa kapulutungan. Tinanong ko siya.
"Tay (Taylor), p-paano mo ba malalaman'pag in-love ka na?"
Napaisip siya.
"Mahirap kasi i-explain eh.. pero para sa akin, weird ang pakiramdam. Halimbawa, masaya ka 'pag lagi kayong magkasama, ayaw mo na naaagaw ang atensyon niya ng iba at higit sa lahat, hindi mo maipaliwanag ang nararamdaman mo for him.."
"Ahh.."
"Bakit mo naitanong? In-love ka na??," tanong niya.
"Ehh... hindi ko alam eh.."
"Ah.. eh alam mo ba meaning ng love?"
"Hindi."
"Okay. Love is based on your experience.. And i'll define love in my own personal opinion.."
"Sige.."


Panalo ang team namin sa volleyball. Gayundin sa ibang laro. Ang sarap maging over-all champion!
Habang nagse-celebrate ang lahat, may nakatawag ng aking pansin, ang babaeng tumatawag kay Roland noong isang araw. Pero iba ang hinahanap niya ngayon..
"Ahm.. Miss?? Puwede magtanong?"
"Sige, ano ba 'yon?"
"Kaklase mo ba si Keith Valera?," tanong niya.
Naka-mini shorts siya, blouse na off-shoulder at slippers. May shades pa siya na nakalagay sa ulo.
"Oo. Bakit?"
"Nandiyan ba siya?"
"Oo. Gusto mo ta-----"
"Margaret!?," sabi ni Keith, gulat.

Nasa likod lang pala namin si Keith nang tinanong ako ng babae. Margaret pala ang pangalan niya, at magkakilala sila huh?
"Hi Keith! I miss you!!," sabi ni Margaret.
Niyakap siya nito, hinawakan ang kamay at niyayang umalis.
"Oh... thank you nga pala. Ako si Margaret Fernandez.. girlfriend ni Keith from Montessori School of Manila..," pagpapakilala niya.
"Wow MSM.. teka, may girlfriend ka pala Keith?"
Nakakapit si Margaret sa braso ni Keith. Pagalit niya itong tinanggal.
"Huh?! Anong girlfriend!?! Matagal na tayong break no?!," sabi niya.
"Hay nako.. Ikaw talaga. Hindi naman official ang break-up natin 'no."
Hinawakan niya ulit si Keith.
"Get off me!!," pagalit na sabi ni Keith.

Pagkaalis nila, naalala ko ang definition ni Taylor about love..
"Ang love ay kusang darating sa kahit anong oras nito gustuhin. Minsan, hindi napipigilan kahit nasasaktan ka na. Pero may mga pagkakataong nawawala rin, sa oras na magkaroon ng kapalit... You let go, and then, you move on.."
Napaisip ako sa mga bagay na narinig ko mula sa kanya.. at na-realize kong... "..oo nga.."

[Novel] High School DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon