RHAILEY'S
Hi, Hello!
Tiff Psychia Rhailey Ziler is the name, 18 years of existence.
Maganda daw ako, SABI NILA. Pandak daw ako, SABI DIN NILA!
Pero hindi kaya, Sakto lang ang height ko no!
Konti lang ang alam ko sa english, yung mga basic sentences lang.
Tapos lagi akong pinag-uusapan dati kung bakit at paano ako naging QUEEN ng Frey High School. E sa pagkaka-alam ko naman kasi wala sa talino yun diba?
Pinaglihi yata ako ni mommy sa labanos sa kaputian. HAHAHAHA! Share ko lang.
Lahat yata namana ko kay mommy.
Her beautiful voice, her kindness, her eyes, her everything.
Sobrang naapektuhan si mommy nung iniwan kami ni daddy habang nagle-labor siya sakin.
Praning din ang daddy ko no?
Kung kailan siya kailangan, saka pa siya mawawala.
Noong una, hindi ko naiintindihan ang lahat, syempre siguro dahil na din sa hindi pa malawak ang pag-iisip ko. Pero nung tumuntong ako ng highschool, saka lang ako naliwanagan.
Kahit wala si daddy, masaya naman kami. Kasi sinusuportahan niya kami hanggang ngayon kahit nasa ibang bansa siya kasama ng bago niyang pamilya.
Magkakasama kami ni Kuya Kayleigh, Kuya Zac, mommy, isama mo na din si Zoe at si Sophie.
Pero nakahiwalay kaming dalawa ni Zoe dahil nagpakuha ako ng unit dito sa Subdivision namin.
Si Kuya Kayleigh naman na feeling pogi? May sarili siyang condo sa Palawan at kahit dito sa Manila.
Gwapo DAW siya at Heartthrob DAW sa school nila.
Napaka-pasaway at ang lakas mang-asar, pero matalino siya ha! Top notcher nga siya sa school nila e
Nakakapagtaka lang kung kapatid ba talaga nila ako. ANG TATALINO KASI NILA KUYA E!
At eto pa!
Si kuya Zac naman?
Nasa Canada na niya pinagpapatuloy ang pag-aaral dun.
Gwapo talaga yon! Matalino pa.
Kung tititigan mo mararamdaman mo yung shivers sa spine mo kasi ang COLD ng presence niya.
May girlfriend siya na nagngangalang Kleir Dessueta at sobrang close kami nun.
Buti nga natiis niya pag-uugali ni kuya Zac e.
I'm just wondering kung pano naging sila. Nai-imagine ko palang kung paano manligaw ang bato sa mamon, natatawa na ako e. HAHAHAHA.
Mahal na mahal kami nun ni Kuya Zac kahit hindi niya pinapahalata.
Lagi niya kaming pinapadalhan ng bagong gamit kahit hindi naman namin kailangan.
Lagi niya din kaming kinakamusta via skype, masiguro niya lang na safe kami.
O diba? Medyo sweet. HAHAHA!
Halos isang linggo na din mula nung umalis kami sa Palawan.
Madaming nakikipag-communicate sakin thru facebook, twitter at kung saan saan pang messenger app.
Nagtatanong kung nasan na daw ako at kung anong dahilan ko bakit umalis ako.
E anong pake ba nila? Nung nandun naman ako, hindi sila nangangamusta! Diba?
BINABASA MO ANG
When Charles Meets Rhailey
Teen FictionTiff Psychia Rhailey Ziler. The only princess from a very powerful and rich family. A girl who owns a tons of secrets. A girl who has a character you want prefer to witness. Kind but fragile. Nice but treat her wrong then you'll burn.