Rhailey's pov
Nagkaklase na kami.
Nakakatuwang makinig sa mga teacher dito, unlike sa Frey high school. Talagang kulang nalang mangalansay ka sa sobrang boring!
"Good morning class." sabi nung bagong dating na teacher.
"Good morning Maam Pyrie." sabi naman nung mga kaklase ko.
"Kindly introduce yourself Miss transferee?" sabi naman ni Maam Pyrie.
Close na close yan ni mommy! Ninang ko yan si Maam e.
Ayoko talaga sa lahat ang introduce yourself, alam na alam yan ni Maam Pyrie, elementary palang ako.
Pumunta na ako sa harapan at tumikhim sandali para matigil yung bulungan ng mga classmate ko.
"My name is Tiff Psychia Rhailey Ziler, but you can call me Rhailey or Psychia if you want. I'm turning 17 on January 8. And I have a secret na di mo gugustuhing malaman pag nakabangga mo ko. Thank you." sabi ko at pilit na ngumiti.
'May secret daw siya'
'Ano kayang secret niya?'
'Napaka-mysterious naman niya'
Bulungan nanaman sa tabi. Ganto ba talaga kaingay sa section na to?
"As you can see, Miss Ziler is the new student here, mind you if you want to be her friend." sabi naman ni Ninang slash Maam Pyrie.
Nagklase lang kami. English teacher pala siya. Grabehan na to bes.
"Give me an example of figure of speech, Miss Ziler." sabi naman ni Maam habang nakatingin sakin.
"Personification." sagot ko sa kanya.
Naalala ko kasi yan yung una niyang tinuro sakin, grade six palang ako.
"Very good Miss Ziler, and you Miss Young?" sabi ni Maam Pyrie at nakatingin sa bestfriend ko.
"Hyperbole." sagot naman ni Zoe.
Idol ko talaga tong si Zoe e! Ang galing kaya niya.
"Very good, Miss Young. So blah blah blah." pagdi-discuss ni Maam.
Lahat ng dini-discuss niya ngayon, na-discuss niya na sakin dati kaya ok lang kahit di ako makinig.
Natapos naman ang time niya at break time na. Dalawa ang recess dito. Isang break time for 30 minutes, at isang lunch time for 1 hour.
Amazing diba! Hahaha.
"Anong secret mo Rhailey?" tanong nung isang babae.
At sunod sunod na silang nagtanong. O diba? feeling Boy Abunda sila.
"Its for all of you to find out." sagot ko at iniwan namin sila ni Zoe ng lutang.
Tawa ng tawa si Zoe habang bumababa kami sa hagdan.
Ano namang dahilan? at napakasaya nitong babaeng to?
"Ang galing mo na mag-english, hanep." sabi ni Zoe.
Bakit? Mali ba yung sinabi ko kanina? E sa hindi naman talaga ako marunong e.
"May masama ba sa sinabi ko?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
When Charles Meets Rhailey
Teen FictionTiff Psychia Rhailey Ziler. The only princess from a very powerful and rich family. A girl who owns a tons of secrets. A girl who has a character you want prefer to witness. Kind but fragile. Nice but treat her wrong then you'll burn.