Part 14 - School Festival Day 1

11 2 0
                                    

Rhailey's pov

Ilang araw na ang nakalipas at lagi akong pagod sa bahay kapag uuwi.

Lagi kasing may practice sa pagrampa para sa pageant sa biyernes!

Isa pa tong si Shawn na todo iwas sakin at hindi ako sinasagot pag tinatanong ko.

Unang araw na ng School Festival ngayon kaya naman pahinga na kami sa pagpa-practice.

Si Jasper at Zoe naman ay naghahanda na para sa mamayang laban nila.

Sa pagkanta si Zoe. Sa pagsayaw naman si Jasper.

Last week may natanggap nanaman akong letter galing sa Zeus na yun.

At ang nakasulat..

'Get ready to feel pain and grief Tiff. Just be happy for a while and we'll get you soon. Happy Valentines! -Zeus.'

Sino ba talaga to? At ano namang pain at grief na sinasabi niyang paghandaan ko?

Magpakasaya daw ako muna at kukunin daw nila ako. Jusko po! May sira na yata sa utak itong Zeus na ito.

Napa-iling na lang ako at naligo na para pumuntang school.
-

Someone's pov

Nanonood ako ng tv sa sala nang dumating si tito.

"Pinapadalhan mo ba siya ng sulat?" tanong niya sakin.

"Yes tito." sagot ko.

"Binabantayan mo ba siya ng maayos?" sunod na tanong ni tito.

"Opo." sagot ko ulit.

Pinatay ko na ang tv dahil naiilang na ako sa presensiya ni tito.

"Kailangan mo siyang bantayan sabay kunin bago natin siya pahirapan para malaman natin kung saan nagtatago si NZ." sabi sakin ni tito.

Tumango na lang ako bago pumunta sa kwarto.

May kung ano sa loob ko na ayaw sundin ang utos ni tito, pero kailangan yun bilang kabayaran sa pagkupkop at pagpapalakas niya sakin.

"Insan! Sino pinapabantayan sayo ni dad?" tanong ni Charles bago ako makapasok sa kwarto.

Siya ang pinsan kong si Charles. Playboy at masungit pero gwapo siya.

 Playboy at masungit pero gwapo siya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
When Charles Meets RhaileyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon