Part 12 - Rhailey's 17th Birthday

7 2 0
                                    

Zoe's pov

Pagpasok palang namin sa mansion nila Rhailey, literal na napanganga ako.

Grabe. Ang ganda ng kinalabasan, ang pagkakaalam ko ay black, silver and white ang theme? pero pink ang naging motif nito.

4:25 na at kailangan na naming magbihis ni Rhailey dahil unti unti nang dumadating ang mga pagkain.

"Zoe! Tara na ditoooo." sigaw ni Rhailey yun, nasa taas na pala siya.

Tumakbo ako paakyat sa kwarto.

Kaya ako nawala kanina sa mall ay bumili ako ng ireregalo sa kanya.

Simpleng bracelet lang yun mula sa Pandora. May kamahalan ang presyo at alam kong afford niya yun pero sana tanggapin at gamitin niya.

Pagpasok ko sa kwarto nakakalat na yung mga gown na susuotin namin.

Nagawi ang tingin ko sa dalawang sapatos na nasa gilid. Kulay maroon at black iyon.

Nagtaka naman ako, dalawang yun ang susuotin ni Rhailey?

"Alam ko iniisip mo Zoe, sayo yan at mahal ang bili ko jan kaya wag ka nang umangal." sabi ni Rhailey.

Napangiti nalang ako. Kaya pala kakulay ng sapatos yung damit ko ay para sakin yun.

"Salamat." sabi ko.

Una siyang nagbihis at tinulungan ko siya sa pagsusuot. Napakahaba at napakagandang gown ang suot niya.

Nang maisuot niya ay tumitig lang siya sa salamin at halatang malalim ang iniisip.

"Pakisuot nung sapatos ko Zoe. Pleaseee?" sabi sakin ni Rhailey habang nagpapa-cute.

Loka loka talaga to. Ang bilis niya yatang magpalit ng expression?

Isinuot ko naman yung sapatos niya at nung tumayo siya, ang ganda niya talaga. Kitang kita ang maputi at makinis niya likod dahil backless ang gown niya.

"Ikaw naman magbihis, tulungan kita." sabi ni Rhailey ng nakangiti.

Ngumiti din ako sa kanya. Naghubad na ako ng damit.

Nahihiya nga ako kasi naka-undies nalang ako pero di naman siya nahiya kanina kaya ok na to.

Isinuot ko ang gown at kinabit niya naman sa likod. Nakatitig lang ako sa repleksyon ko.

Nagpapasalamat ako kay Rhailey dahil hindi ako makakapagsuot ng ganto kung di dahil sa kanya.

Nung natapos na, sinuot niya naman sakin ang sapatos ko. Bagay na bagay nga sa damit ko e. Ang ganda talaga ng taste ni Rhailey.

Nagulat ako ng nilabas niya ang cellphone niya.

"Selfie tayo." sabi niya.

Sabay kaming ngumiti sa cellphone at Kumuha nang litrato.

Agad niyang pinost yun sa facebook na may caption na 'Happiest birthday to me. With my best bestfriend.'

Ang sweet diba?

Saktong 4:55 na kami natapos mag-ayos. Dapat mauna na ako sa baba.

"Baba nako." sabi ko.

When Charles Meets RhaileyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon