Rhailey's pov
Nandito kami ngayon sa patahian ng uniporme ng ZTPRU. Pasadya kasi yun e kaya dito dumederetcho ang mga estudyante pag dun sila nag-aaral.
Sinusukatan kami ngayon ni Zoe. Dalawang oras lang naman ang aantayin namin at tapos ng tahiin ang uniporme namin e, ganun sila kabilis gumawa.
'Balita ko may bago nang papasok sa school'
'Oo nga pre, chicks'
'Maganda kaya?'
'Oo sabi.'
Rinig kong bulungan nung mga lalaki na nagpapagawa din ng uniporme.
"Oy pre si Queen o. Hi Queen!" sabi nung lalaki.
Nginitian ko naman sila. Ilang oras na katahimikan at lumapit samin ang babaeng nagsusukat samin kanina at nagtanong kung anong ilalagay naming pangalan.
"Felicity Santos." sabi ni Zoe.
"Bliss Rae Signia." sagot ko.
Umalis naman ang babae. Humarap naman sakin si Zoe.
"What a beatiful name." sabi niya.
After an hour. May inabot samin ang babae. Tigdalawa kaming uniform ni Zoe. Para pag di nalabhan ang isa, may extra. At di ako sanay ng walang extra, lalo na at nerd ang disguise namin ngayon, di malayong di kami madisgrasya.
"Let's go?" sabi ni Zoe.
Bumaba naman kami at pina-laundry muna ang bagong gawa naming uniform sa may tapat ng bahay namin.
"Babalikan nalang namin, siguro mga 4:00 pm?" sabi ko.
"Ok maam." sabi nung nagbabantay ng laundry.
"Paki-double wash ha?" sabi ko.
Tumango naman ito at nagtungo na kami sa mall. Kasama si Mang Bern syempre, siya driver namin e. Pero nandun lang siya sa kotse. Nag-iikot ka kami ngayon dito sa Forever 21, naghahanap ng damit para may laman na ang kwarto namin.
"Ilan kukunin ko?" tanong ni Zoe.
"Kahit ilan. Basta kuntento ka na, Felicity." sabi ko at natawa naman siya.
"Sabi mo yan e, Bliss." sabi naman niya.
May aparador na kasi kaming bibilhin mamaya. Syempre dun ilalagay yung mga gamit namin.
"Hey pwede na ba to? Puno na tong cart ko. Halo halo na." sabi ni Zoe.
"Sakin din e. Tama na siguro to?" sabi ko.
Nag-deretcho kami sa counter. Nanlaki naman ang mata nung cashier.
"A-ang dami." sabi niya.
"Kaya niyo p-po bilhin yan?" tanong nung cashier.
"Ito? Pupulutin ba namin to, kung hindi?" sabi ni Zoe.
Taray naman nito. Sinimulan nang ayusin nung cashier ang mga pinamili niya, habang yung mga tao ay nagtitinginan samin
BINABASA MO ANG
When Charles Meets Rhailey
Teen FictionTiff Psychia Rhailey Ziler. The only princess from a very powerful and rich family. A girl who owns a tons of secrets. A girl who has a character you want prefer to witness. Kind but fragile. Nice but treat her wrong then you'll burn.