Charles's pov
Nagulat ako ng pumasok sa kwarto ko si Shawn. Usually, pumapasok kasi siya dito pag may problema. Kilalang kilala ko na yan. Pero nalinlang ako, di ko kasi alam yung pagiging MAFIA niya, kaya medyo naiilang ako sa kanya.
"Yow, Insan. Naparito ka?" sabi ko.
Act normal Charles. Wag mong ipapahalatang awkward yung sitwasyon.
"I'm here just to make things clear about Miss Ziler." sabi niya.
Dug dug. Dug dug.
Napatulala ako sa sinabi niya. Ano namang pag-uusapan namin tungkol kay Psychia?
"What about her?" tanong ko.
Prente siyang umupo sa mini couch ko. Ano namang meron kay Psychia? Naliliwanagan na talaga ako sa kanya.
"She's not gonna be someone's second choice. It's either you choose her or you lose her." sabi niya habang nakatingin sa mata ko.
Ano bang pinagsasasabi nito? Second choice? pano naman siya naging second choice ko?
"Alam ko ang iniisip mo Bro. Iniisip mo kung pano siya naging second choice diba? Or more like panakip butas para sayo?" sabi niya habang naka-ngisi.
"WHAT THE! ARE YOU NUTS? NO SHE'S NOT. SHE'S MY FRIEND." sigaw ko habang naka-kwelyo sa kanya.
"Easy Bro. Lalaki din ako, alam ko kung anong nararamdaman mo sa kanya. Pero hindi mo nililinaw kasi naguguluhan ka pa sa past love mo. Annika Teodoro? Hahaha." sabi niya habang kalmadong tumatawa.
Binitawan ko siya sa kwelyo.
Hindi.
Hindi totoo yung sinasabi niya. Hindi ko gusto si Psychia.
Hindi siya panakip butas.
Concern lang ako sa kanya kasi nakagawa ako ng kasalanan. Yun lang yun. No more, no less.
"Magulo na yung buhay nung tao mula ng magpakita ulit si Dave. Wag ka ng makisali Bro." sabi ulit niya.
"Bakit mo ba sinasabi to?" sabi ko.
Naiirita ako sa kanya ha. Sinasabi ko nang walang patutunguhan tong pag-uusap namin e.
Pati ngayon ko lang nakausap tungkol sa mga ganitong bagay si Shawn.
Kasi pinaglalaruan ko lang ang mga babae sa totoo lang, si Anikka, totoong minahal ko siya.
Siya ang dahilan kung bakit ako nagloko sa school, dahil nakipag-break siya at pinagdul-dulan sa harap kong may bago na siyang mahal.
At di lang yon, iniwan niya pa ako dito sa pilipinas. Pumunta siya ng France kasama nung boyfriend niyang mukha namang hilaw! Mas magandang lalaki pa ako dun e.
Dahil sa break up namin, bumalik ako sa dating ako bago pa niya ako makilala at bago pa maging kami. Si Charles na basagulero, si Charles na walang modo, si Charles na walang puso.
BINABASA MO ANG
When Charles Meets Rhailey
Teen FictionTiff Psychia Rhailey Ziler. The only princess from a very powerful and rich family. A girl who owns a tons of secrets. A girl who has a character you want prefer to witness. Kind but fragile. Nice but treat her wrong then you'll burn.