Part 25 - Relations

2 1 0
                                    

Rhailey's pov

Nakapag-usap na din kami ni Dave sa wakas. Ok na yung pakiramdam ko, gumaan na yung bigat sa puso ko. Wala ng stress, wala ng worries.

Ang hindi ko lang maintindihan ay yung kay Charles.

Di ko alam kung bakit ganito? Kung bakit ganito yung nararamdaman ko?

Tama ba ito o mali?

Hayst. Nawala nga ang malaking stress sa buhay ko, pumalit naman tong si Charles?

Pinuntahan ko sa kwarto si Zoe para maglabas ng damdamin. Hindi yung literal na maglabas ng damdamin ha.

"Oh? naparito ka Ley?" sabi niya at pinapasok ako sa loob.

"Zoe, tama ba tong nararamdaman ko? Simula nung i-comfort ako ni Charles, gumaan na yung loob ko sa kanya e. Parang.. paran-

"Parang crush mo na siya ganun?" sabi niya at nakangiti.

Di naman yun pwede. Asungot yung isang yun e!

"H-hindi no." sagot ko.

"Hindi yun yung nakikita ko sa mga mata mo Ley. Pati tingnan mo o? You're blushing." sabi niya at kiniliti ako.

Hay. Ang swerte ko talaga't nandito si Zoe sa tabi ko. Bawas problema din tong bruhang to e.

"Crush ko na ba talaga siya?" sabi ko.

Di kasi matanggap ng kaloob-looban ko. Parang ang loka-loka lang kasi.. argh! di ko ma-explain.

"Oo hahaha. Maligo ka na, papasok na tayo." sabi niya.

"Papasok na tayo para makita mo na yung CRUSH mo." sabi niya.

Aba't nang-asar pa!

Sa relasyong aso't-pusa naming dalawa ni Charles? di ko ma-imagine na crush ko siya. Ang baduy. Pwe!

✌✌✌✌✌✌✌✌

At eto na nga. Nasa school na kami.

Ewan ko kung bakit kinakabahan ako. Eto na ba yun? Yung pag nakita mo siya, lalakas ang tibok ng dear heart mo at parang may nagtatakbuhang horses at daga, isama mo na ang buong kahayupan sa zoo?

Shaks ang corny ko na.

T_______T

"Huy!" sigaw ni Shawn.

May lahi yatang kabute to e! Biruin mo, sumulpot nanaman sa tabi ko. Kung hindi ko lang to kaibigan, napatay ko na to e.

"Usap tayo?" sabi niya.

Magpapaalam sana ako sa kasama kong si Zoe pero mukhang alam naman na niyang may pag-uusapan kami nitong ugok sa tabi ko dahil lumayo na siya sakin at lihim na nakangiti.

Damn you Zoe.
-

Shawn's pov

Matapos kong sabihing pwede ba kaming mag-usap ni Rhailey ay hinigit ko na siya.

When Charles Meets RhaileyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon