Part 5 - Rhailey vs. Alyssa

3 2 0
                                    

Rhailey's pov

Gusto kong matawa!

Pero seryoso ang sitwasyon kaya ipagpapaliban ko muna.

Paano ba naman kase? Nakakita ako ng mga taong coloring book!

"O, Miss Young right? Sino naman yang bitbit mong daga? at nagbalik ka pa talaga sa school na to ha." sabi nung nasa gitnang coloring book habang nakatingin sakin na parang nandidiri.

Duh? Mas mukha nga siyang nakakadiri kesa sakin e.

Tatlo sila.
At siya ang pinaka-makulay sa lahat.

"Tiff Psychia Rhailey Ziler is the name. And bytheway, hindi ako daga." sagot ko.

Ako nalang ang nagsalita. Nawala yata yung dila ni Zoe e.

Mukha ding kinakabahan si Zoe. Bakit naman kaya?

At tyaka, mukha ba akong daga?

"Ha-ha-ha! You're funny! Right girls?" sabi niya ulit at mala-sarcastic ang boses niya at tingin sa mga girls niya daw.

Si funny daw ako? Rhailey nga pangalan ko diba. Ang tanga naman nito, di niya ba narinig pagpapakilala ko kanina?

"So anong dahilan bakit ka lumipat ng school na to?" tanong niya sakin.

'Patay, si Alyssa yun a.'

'Yari na! Nakasalubong ni transferee si Alyssa.'

Yan ang naririnig ko sa mga nakapaligid na students.

"Kasi si Rhailey ang may-ar-

"Kasi sabi ni mommy, maganda daw ang quality ng education dito." sagot ko at pinanlakihan ko ng mata si Zoe.

Napakadaldal talaga ni Zoe! Muntik na siyang madulas na ako ang may-ari ng school.

"A, ganun ba? Alam mo bang bago ka makapasok dito, may rules ako?" sabi naman ulit nung babae.

Rules? Bakit naman? Ano ba siya dito?

"Ano ka ba dito?" tanong ko habang nakataas ang kilay.

Napa 'OOWWW' naman yung mga studyante.

"Shut up stupidents!" sigaw niya sa mga yun.

Stupidents?

Kelan pa nasingit ang 'PI' sa word na students?

Akala ko ako lang hindi marunong sa english e. Siya din pala.

Hehehe! Buti di ako nag-iisa.

"Ako lang naman ang Queen Bee sa paaralang tinatapakan mo ngayon." sagot niya ng naka-smirk.

Ay! Ang ganda ko dun sa smirk ha.

Nagpalakpakan naman yung dalawang kasama niya.

By the way. Anong nakakatuwa dun? Karangalan ba yun na makasalubong ko ang Queen Bee?

When Charles Meets RhaileyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon