Rhailey's pov
Masaya ako at isang linggo bago mag-tapos ang school year ay nakalabas na ako sa hospital.
Ang OA naman kasi ng nangyare.
Imagine? Natamaan lang ako ng bola sa ulo, na-confine na ko for two weeks?
Nakakatawa diba.
Pero eto na nga, nasa school na kami kanina pa. At pasado ako sa lahat ng exam ko. Ang galing diba? Pinapasalamatan ko yung nagpatama sakin ng bola dahil na-exempt ako sa pagte-take ng exam.
Isang linggo nalang kaming magsasama ng section C-1. Nakakalungkot dahil maghihiwa-hiwalay na kami. At the same masaya, dahil bakasyon na at di na ko mai-stress sa mga tasks sa school.
Naiinis ako kasi matapos nung nag-usap kami ni Dave nung nakaraan ay umalis na lang siyang bigla na lumuluha.
Lumuluha. Yun lang yung tugon niya sa dinami dami ng sinabi ko? Halata namang wala siyang pake. Kasi pwedeng pwedeng peke-in ang luha.
May pa-balik balik pa siyang nalalaman tapos may pa-mahal kita mahal kita pa.
Di ko nga alam kung dapat ba ko maging masaya e. Masaya ba ako dahil sa wakas ay mahal na niya ko, o masaya ako dahil sa wakas ay magtatagumpay na ko sa paghihiganti ko.
Paghihiganti. Yun yung huling sinabi ko bago ako magpunta dito sa Manila. Pinangako kong gaganti ako sa ginawa niyang pananakit sakin noon, di ko nga lang alam kung paano. Kaya siguro, eto na yun.
Totoong nasasaktan ako nung araw na nasa hospital kami kasi first time ko siya nakitang umiyak.
Inaamin ko, may konting puwang pa sa puso ko si Dave. Konting pagmamahal pa. Pero yun nalang yung pagiging magkaibigan naming dalawa.
At putcha naman talaga't dumating bigla si Charles. Naudlot tuloy yung pag-uusap namin ni Dave. Napaka-wrong timing niya masyado.
Hayst. Masyado na kong nai-stress sa mga nangyayari sakin.
Baka mamaya sa sobrang pag-iisip ko masagasaan nalang ako ng kotse pag tumawid ako diba.
"Huy, ayus ka lang ba babaita?" tanong nung kolokoy na si Charles.
Oo si Charles nga, simula ng malabas ako sa hospital, siya na yung kasama ko. Nakakapagtaka nga't close sila ni Zoe e.
Tinanguan ko nalang siya at nagpatuloy sa paglalakad pabalik sa classroom.
Natapos ang lunch time ng hindi ako kumakain. Grabe, ang payat ko na nga, papayat pa ko lalo.
Nakakawala kasi ng gana yung mga nangyayari sa paligid e.
"Sige mauna kana. Baka ma-late ka pa." sabi ko kay Charles.
"Ihahatid na kita sa room niyo, mamaya matamaan ka nanaman ng bola, kasalanan ko pa't iniwan kita." sabi niya.
Ok, medyo kinilig ako ha. Dahil syempre, ang sweet niya at ang gentleman.
Pero don't get me wrong ha! di ko siya gusto. As in NO WAY.
"Ako na maghahatid sa kanya bro, classmate ko naman siya e." sulpot ni Shawn sabay akbay sakin.
BINABASA MO ANG
When Charles Meets Rhailey
Teen FictionTiff Psychia Rhailey Ziler. The only princess from a very powerful and rich family. A girl who owns a tons of secrets. A girl who has a character you want prefer to witness. Kind but fragile. Nice but treat her wrong then you'll burn.