Part 27 - Operation

3 1 0
                                    

Rhailey's pov

Three days to go at magbabakasyon na. Three days nalang din at di ko na ulit masisilayan ang gwapong mukha ni Charles.

Hayst. Nakakabaliw talaga pag nai-inlove ka no? Kahit anong iwas ang gawin mo, kailangan mo pa din sundin ang puso mo. Ka-cornyhan shits strikes.

Ngayon na namin gagawin ang Operation number one 'kuno' ni Zoe. Kinakabahan nga ako dahil para kong tanga sa gagawin ko pero hindi naman siguro mahahalata yun dahil lampa naman ako in the first place.

✌✌✌✌✌✌✌✌

"So ready ka na ba?" tanong ni Zoe.

Natatanaw na namin si Charles na dumating sa gate e. Kaya ngayon na siguro sisimulan. Teka, pano bang pagbangga gagawin ko? Paharap ba o pagilid?

OMG I kennat!

"Just act normal." payo ni Zoe.

Normal? E ngayon palang naa-abno na yung puso ko e.

"Go. Kunwari pupunta ka sa library at isosoli mo tong libro." sabi ni Zoe at may binigay siya saking libro tapos pinagtulakan na ako.

Ganyan ba siya ka-suportive? Kailangan ipag-kalulo niya ko? Friend abuse siya ha, sumbong ko siya sa Gabriella.

Nagsimula na akong maglakad papunta sa direksyon niya. This is it pansit na malagkit! Ito na siya, malapit na. Malapit n-

*Booogsssh*

Sa kanya ba ko bumangga?

Nahihilo ako, ang sakit ng impact ha. At nakakapagtaka naman yata dahil medyo malapit palang naman siya nun, imposibleng masyadong mabilis ang oras at voila na nabangga ko aga-

"S-sorry miss. Sorry." sabi nung estudyanteng.. ugh, nakabungguan ko.

Masyado ba akong nag-assume?

At si Charles? ayun, nagtuloy-tuloy lang sa lakad niya. Parang walang Rhailey na kailangan ng tulong dahil bumagsak siya sa lupa.

How dare him! Grabe. Ganun lang yun? Ni hindi niya man lang ako nilapitan para tulungang tumayo?

"Tumayo ka nga jan. Aga aga naglalaro ka sa lupa." sabi nung kupal ko bestfriend.

"Fuck you Shawn." sagot ko at inabot ang kamay niya.

"Welcome, ano bang nangyari?" tanong niya.

Knowing Shawn, alam kong nakita niya yun dahil lagi niyang minamanmanan ang kapaligiran.

"Don't state the obvious Mr. Ray." sagot ko at nagpatuloy sa paglalakad.

Si Zoe kanina pa umalis, tiwalang tiwala na magagawa ko ang operation number one 'kuno' niya kaya hindi na niya ako sinamahan.

"Oh. So binasted ka na ba?" tanong niya.

*Ploooccck* Batukan ko nga. Kung ano ano pinagsasabi e!

"Aray! Bakit ka ba nangba-batok?" tanong niya.

Tumawa naman ako ng tumawa dahil ang cute niyang tingnan.

Nakahawak siya sa batok niya tapos nukhang natatae yung mukha niya na akala mo mauubusan ng dugo. OA naman niya mabatu-

When Charles Meets RhaileyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon