Rhailey' pov
Maaga akong nagising ngayon dahil itu-tour pa ko ni Zoe sa university.
And yes! Ngayon na kami papasok.
Ang saya diba? Hehehehe!
Tapos na kong maligo.
Grabe ibang iba ang schedule dito kesa sa Palawan.
8:00am - 5:00pm kasi ang pasok dito. Sa Palawan 7:00am- 2:00pm lang.
Ang haba ng oras pero sulit!
Maganda din daw ang quality ng education sa school ko.
Matuto kaya ako ng maayos ng english? Sa palawan kasi, kahit basic sentences ok na.
Ganun ka-responsable ang mga nagtuturo dun. *sarcasm tone*
Bag? Check!
Shoes? Check!
Uniform? Check!
Looks? Check!
Hair? Check!Ok na ko. Ang ganda talaga ng genes nila mom at dad kahit kailan!
Phew! Nagpabango muna ako bago bumaba sa dining table.
Wala pa dito si Zoe, umakyat muna ako sa kwarto niya.
"Zoeeee?" sigaw ko habang kumakatok sa pinto niya.
"O, teka Rhailey! inaayos ko pa yung uniform ko." sigaw niya habang nasa loob.
So ganun? Ayaw niya ko papasukin?
Pumunta na ako sa baba. Hinayaan ko nalang siya dun. Nagbibihis naman na siya e.
Habang kumakain ako, iniisip ko pa rin kung anong itatrato sakin nung mga kaibigang faculty members ni mommy.
Bumaba na din si Zoe.
Napansin kong masikip yung ibabang part uniform niya. Dun sa huling dalawang butones.
Yun ba yung problema niya? Sabi ko kasi nung nag-mall kami, bumili na din ng bagong uniform e.
Aayaw ayaw pa kasing nalalaman! May uniform pa naman daw siya.
Ayan tuloy? Hindi na pala kasya sa kanya.
Feeling niya sexy siya forever?
May extra pa naman akong uniform, ibibigay ko nalang sa kanya yung isa.
"Masikip?" sabi ko habang nakatingin sa kanya ng masama.
Tumango naman siya.
"Kuha ka sa closet ko, nakasampay dun ha. Iyo na yun." sagot ko at pinagpatuloy ang pagkain.
Buti nalang lima lahat ng binili ko kahapon.
Kaya lima ang uniform ko, lapitin ako ng dumi. Kaya kada papasok ako, may isang extra uniform sa locker ko.
Bumaba naman siya at mukhang ok na yung suot niya.
"Salamat!" sagot na lang niya at kumain na.
Nauna akong matapos kaya nag-toothbrush na ako.
Habang kumakain siya, nire-retouch ko naman yung mukha ko.
Nabasa kasi ng tubig nung nag-toothbrush ako. Nung matapos na siyang kumain, nag-browse muna ako ng facebook.
At ang dami nanamang nanganga-musta sakin.
Ginawa din ni Zoe yung ginawa ko at kinuha na namin yung bag namin sa sofa.
7:00 na kasi e.
"Dalian mo Rhailey, malaki laki yung school na pagmamay-ari mo. Baka di kita malibot dun ng kalahating oras!" sigaw ni Zoe.
BINABASA MO ANG
When Charles Meets Rhailey
Teen FictionTiff Psychia Rhailey Ziler. The only princess from a very powerful and rich family. A girl who owns a tons of secrets. A girl who has a character you want prefer to witness. Kind but fragile. Nice but treat her wrong then you'll burn.