Lumipas na ang ilang buwan mula ng dumating si jenny. Ni minsan,naisin man niya ay hindi niya magawang pagsilbihan ang ina, sapagkat sa tuwing gigising siya sa umaga, nakahain na ang lahat.
Naghihintay na lang ang kanyang ina sa kanyang pagbangon.Ngunit,iba ang araw na iyon sa mag inang martha at jenny.
Kakatwang bumangon si jenny nagtatakang magigisingan ang ina na nahihimbing pa."Napagod yata si nanay...mabuti at pagkakataon ko na ito para ipagluto siya ng agahan.." Pabulong niyang sabi habang dahan dahan na tumatayo, iniingatang di makagawa ng ingay na magpapagising sa kanyang inay.
Malaya siyang nakakilos sa kusina, nagluto ng agahan, nag init ng tubig para sa kape,.
Nakapaghain na siya,ngunit nakapag tataka na hindi pa bumabangon ang kanyang ina.
Muli niya itong tinungo, himbing pa ito ngunit napuna niyang tila nanginginig ito gayong nakakumot naman at tirik na ang sikat ng araw.
"Nay?" Malambing niyang gising rito,.
Ngunit ang kaninang ngiti niya ay napalitan ng pag aalala nang masipat ang noo ng ina.
Diyos ko! Inaapoy ng lagnat si nanay!
Automatikong lumabas siya ng silid at kumuha ng malinis na bimpo at plangganita na may maligamgam na tubig.
Aligagang pabalik balik si jenny nang makita ni elsa.
"Uy,bes! Bakit? Anyare?"
"Salamat, dumating ka! Hindi ko na alam gagawin ko.. Inaapoy ng lagnat si nanay.." Mangiyak iyak nitong sabi kay elsa.
"Relax lang.. Ok lang yan,.. Ako na bahala sa nanay mo, umupo ka muna dito at baka sa pagka aligaga mo maibuhos mo pa itong hawak mong plangganitang may tubig kay aling martha." Kinuha niya sa kamay ni jenny ang hawak nito.
Ilang minuto bago lumabas ng silid si elsa.
"Kamusta si inay,bes?"
"Ok,na. Napainom ko na ng paracetamol. Bahagya ko na ring napababa ang lagnat niya. Tama na ang pag aalala mo."
"Thank you,bes!" Wika nito,sabay yakap sa kaibigan.
"Wala iyon, oh paano, mauna na ako, linggo ngayon,need magsimba."
"Kain ka muna, sabayan mo na ako.."
"Thank you na lang bes, tapos na ako."
"Sige, salamat ulit."
*******
Ilang minuto pa ay may kumatok habang si jenny ay kumakain ng agahan.
"May nalimutan ka ba,bes?" Tanong niya sa taong inakala niyang si elsa.
Ngunit nang kanyang buksan ang pinto, ibang tao ang naroon.
Isang may kalusugang babae na tila halos kaedad lang ng kanyang ina."Sino po sila?"
"Ay! Goodmorning iha! Ako si elena, ang kasama ng nanay mo sa pangangamuhan sa mga garcia, pinapunta ako ni madam dito para itanong kung makakapaglaba daw ba siya ngayon? Ikaw ba ang anak niya?"
"Ako nga po. Kaso,may lagnat po si nanay ngayon."
"Ganoon ba? Paano ba ito? Darating na kasi sa makalawa ang anak at manugang ni madam... Sige, kung hindi pwede ay ako na bahalang magpaliwanag.. O,siya salamat iha,mauna na ako."
Saglit pa lang na nakakalayo si elena nang muli siyang tawagin ni jenny.
"Ano iyon?"
********
"Yaya,b-bakit narito siya!?" Tensyonadong tanong ni Vince sa yaya nito na kasalukuyang nasa salas at nagpapalit ng mga kurtina katuwang ang isang kasambahay.
"Sino?" Tanong niya ngunit ang mata ay nakatuon sa kanyang ginagawa.
"Y-yaya...ano..si... Basta! Bakit?" Hindi niya maideretso ang tanong dahil hindi naman niya alam kung ano ang pangalan ng tinutukoy niya.
"Sino nga?"
"T-the girl....at the laundry.."
"Ahh,siya ba?" Bumaba ito ng mini ladder at nakangiting hinarap ang alaga.
"Sinasabi ko na nga ba at parang nakita ko na siya kung saan.. Siya yung nasa fb account mo hindi ba?"
"Opo. But my question is,why she's here?"
"Anak ni Martha yun, nakiusap na siya na lang daw ang tatapos ng gawain ng kanyang ina. Sinabi ko na iyan sa mama mo, at pumayag naman si madam." Paliwanag ni Elena habang inilalagay sa clothes basket ang mga kurtinang inalis.
"Bakit naman po niya sasaluhin ang trabaho ni aling Martha?"
"Ang dami mo namang tanong,anak? Trinangkaso kasi kaya ganon.. O,siya. Maiwan na muna kita ihahabol ko lang ito sa kanya."
Palihim siyang sumunod sa yaya niya, upang masilayan ang hinahangaang babae..kita niyang abala itong nagsasalansan ng ilang damit sa washing machine.
"You're so near,yet so far..." Bulong niya sa sarili.
*******
Halos pasado alas syete na ng dumating si jenny,may dala pa itong siopao para sa kaibigang pinakiusapan niya kaninang patungo siya sa bahay ng mga Garcia na magdahilan sa kanyang ina kung sakaling hanapin siya nito."My,gosh! Akala ko'y natabunan ka na ng damit! Muntik na ako maubusan ng dahilan sa nanay mo." Impit ang boses na turan nito kay jenny.
"Sorry talaga! Di ko naman inakala na ganon kadami ang lalabhan at paplantsahin ko.. Eto oh,ibinili kita ng paborito mo.." Lambing ni jenny.
"Naku,ikaw talaga! Alam na alam mo kahinaan ko... O,siya mauna na ako, may 9pm shift pa ako..thank you huh.."
"Thank you din,bes.."
Nang maihatid sa labas ng bahay ang kaibigan,ay tumuloy na ito sa silid nilang mag ina. Nahihimbing ang kanyang ina, sinipat niya ang noo nito at napagaan noon ang alalahanin niya sapagkat normal na muli ang init ni Martha.
Ngunit,ang pakiramdam niyang magbalik ang ina sa mga Garcia, iyon ang nagpapabigat ng loob niya.
Bukod sa narealized niya kung gaanong hirap ang tiniis ng kanyang ina para sa kanya, ay may natanaw pa siyang nagpayamot sa kanya.
Ang binatang sumira ng unang araw niya sa paaralan, anak pala iyon ng taong pinagsisilbihan ng kanyang ina at kung bakit may scholarship siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/97807409-288-k168137.jpg)
BINABASA MO ANG
Destined To Love You
RomanceVince Garcia, a happy go lucky bachelor yet responsible man, who found her so called "destiny" But, this girl who she claimed as her future Mrs. Garcia was very hard to get. Idagdag pa ang kapatid niyang spoiled brat,. Makuha pa kaya ni vince ang ti...