Nalaman ni jenny ang pagbuhat sa kanya ni Vince patungo ng kanyang silid.
Alas nueve pasado na siya nagising at Hindi na rin niya inabutan si Elsa na may out of town project sa Bacolod. Day off niya and pinayagan siya ng kanyang boss na magleave for two days kaya masarap ang tulog niya, nasira lang nang malaman niya mula sa Ina,nang tanungin niya ito kung paano siya nakarating sa kanyang Kama."Nanay naman eh!?" Himutok niyang sabi sa Ina.
"...bakit ninyo naman po hinayaang buhatin ako ng lalaking iyon!?" Nagmamaktol itong tila bata na napaupo sa single sofa ng sala."At sino ang gusto mong bumuhat sayo? Ako? Ang mga sunog baga diyan sa kanto?! Aba! Mas nanaisin ko pa na buhatin ka ni Vincent, mas tiwala naman ako sa batang iyon kaysa sa iba riyan!" Pagtatanggol ni Martha sa binata.
"E, di Sana po ginising nio na lang po ako!"
"Ikaw?! Gigisingin ko? Ikaw na nuknukan ng lalim matulog,tinalo pa ang mantikang tulog!"
Napabuntong hininga na lamang siya sa tinuran ng Ina, kahit anong gawin niya ay walang bisa sa Ina.
Masasayang lang ang paghihimutok niya kung makikipag argumento pa siya sa Ina, sayang ang two days leave niya kung mapupuno lang ng negative vibes."OK, fine...wala na po akong sinabi,,"
"Halika na sa kusina at saluhan mo na lang ako sa pagkain..." Aya ni Martha sa anak.
A few weeks after umalis ng mag asawang Dela cotta sa mansion,mas napapadalas na ang pagdalaw ni Vince sa kanyang Ina.
"Good morning mom!" masiglang bati ni Vince sa Ina,isang umagang dalawin niya ito.
Nasa lanai ang kanyang Ina at abala sa pagrereview ng ilang business papers,
"Good morning,son.. Your in a good mood,am I right?"
"Yes mom,more than a good mood.."
Hinubad ni Mercedes ang suot na antipara at nagbigay ng interes sa anak, tila higit pa sa magandang umaga ang dala nitong balita.
"Oh,well..let me here from my son,what makes his day right?"
"Remember aling Martha? Martha Ferrer.."
Saglit nag isip ang matanda..
"..oh yes! Why what about her?""May only daughter siya, si Jenny, remember the architect? Since college mom, I have a feeling for her.. akala ko, it was just infatuation or something..but when I saw her again at the party...seriously mom... It wasn't only crush or something...she is the one I want to be till the rest of my life!"
Dama ni Mercedes sa anak ang sinserong pakiramdam habang nagkukuwento ito.
"Well,what would I say.. your grown up now,and as your mom, all I can say is good luck and hope you win her heart."
Sa mga lumipas na araw,linggo,buwan at taon, Hindi pumapalya si Vince sa pagbibigay ng regalo kay jenny, bulaklak o chocolate man, sa opisina into, halos every other day naman kung umakyat ito ng ligaw,pero,laging si Martha ang naaabutan ng binata.
Sinasadya ni jenny talagang iwasan ang binata, para na rin sa ikatatahimik nilang mag Ina., sariwa pa sa kanya ang insidenteng iyon sa pagitan ni camia at siya.
"Wala na naman po ba siya? May tour po ba ulit?" Malungkot na tanong ni Vince isang gabing dumalaw siya muli.
"Pasensya ka na iho,kung laging hindi mo siya naaabutan, halika muna sa loob at nang makapagkuwentuhan."
Hinatagan niya ng bagong gawa niyang puto ang binata, sideline ito ni Martha simula nang lisanin niya ang mga Garcia. Binigyan niya rin ito ng mainit na tsokolate.

BINABASA MO ANG
Destined To Love You
RomansaVince Garcia, a happy go lucky bachelor yet responsible man, who found her so called "destiny" But, this girl who she claimed as her future Mrs. Garcia was very hard to get. Idagdag pa ang kapatid niyang spoiled brat,. Makuha pa kaya ni vince ang ti...