chapter 15(my jenny)

4 0 0
                                    

Patuloy sa panliligaw si Vince kay jenny, halos araw araw kung magsend siya ng flowers sa dalaga, breakfast meals naman every morning sa office nito including jenny's officemates.

"I think,you should better know that guy once and for all. " suhestyon ni Greta habang umiinom ng kapeng dala ng delivery man kani kanina lang.

"True! Dapat,alam mo kung sino ang nasa likod ng mga padala na iyan, para may idea ka kung sasagutin mo ba xa o hindi." Singit ni bubbles, isa sa close friend ni jenny na minsan na niyang nakasama sa isang site along makati area.

"How? Ni walang clue kung sino siya,kung anong identity niya,. Except by the name ,mysterious guy.." Tugon ni jenny.

"I had a feeling sis, that mysterious guy who brought you stuff like that and a guy on our college days is just the same." Wika ni Elsa sa kanila.

"Don't tell me, your referring to...." Naputol ang sasabihin ni jenny nang kapwa sumagot sila Greta at bubbles,

"Sino?" In a voice of excitement of jenny and bubbles..

"Duet pa kayo ah!, well.. It was just my wild imaginations lang naman, pero malay ba natin kung totoo,.."

"Sino nga?!" Kapwa sabi nina bubbles at Greta.

"Its, Mr. Vince Garcia."

"Vince Garcia? The son of madam Mercedes? The... "

"Absolutely, yes,ms. Greta!"

"Elsa, tumigil ka nga! Nakakahiya sa makakarinig,.." May magkahalong inis at hiyang sabi ni jenny na halos takpan na ng hawak na blue print ang mukha sa hiya.

"Oh.. Its okey, tayo lang naman ang narito, and besides, walang masama kung siya nga si mysterious guy. Maganda ka,gwapo xa, mayaman xa, at ikaw naman ay....pwede na.." Wika ni greta.

"Is that an insult,or a compliment?" Sagot ni jenny.

"What I'm trying to say is, no matter what your status in life, it doesn't matter as long as you have that same feelings.. Bakit di mo alamin mismo, kung siya nga ba o ibang tao yang si mysterious guy na yan.."

Hindi na pinahaba ni jenny ang diskusyon. Inaya na lamang niya ang mga kausap na bumalik sa kanya kanyang trabaho. Focus man siya sa ginagawa, hindi rin maiwasang hindi sumagi sa kanyang isip ang posibilidad na paano kung iisa nga lang si mysterious guy today at before? Pilit niyang iwinaksi sa isip iyon at nagfocus na muli sa trabaho.

*******
Pasado alas syete na ng Gabi, at si jenny ay nanatili pa rin sa kanyang pwesto at abalang tinatapos ang blue print. Tapos na ang office hour kaya sila Greta at iba pa ay nagsiuwian na.

"I'm done! Tara na, uwi na tayo." Aya ni Elsa sa kaibigan.
"Mauna ka na, I need to flourish my blue print bago ipasa Kay ms. Greta.." walang tingin sa kausap na iniabot nito sa kaibigan ang Susi ng owner niya para ito na ang magmamaneho pauwe.
"Sure ka? Pwede naman ipagpabukas yan, sa makalawa pa nmn ang starting ng construction.."
"No. I had to..mahirap na.. Get my keys and magtataxi na lang ako pauwe." wika niya muli dito but this time ay nakatingin na sa kausap.
"Alright..if you insist, ako na bahalang magsabi sa nanay mo."
"Sige, ingat."

After a few minutes, habang nakafocus si jenny sa ginagawa, tumunog ang kanyang phone, she pick it up without looking who's on the line..

"Hello?"
"Hi,are you still in your office?"
"Yah,who's this? I'm busy." Natigilan siya nang tila parang pamilyar sa kanya ang boses na iyon.
"I'm sorry, its me.. Vince---"
Naputol bigla ang linya.. At Hindi na muli pang makontak ni Vince ang dalaga.

"Kapal huh!?" Himutok ni jenny habang muling isinilid sa bag ang phone at tinuloy ang ginagawa.

Almost 12am. Finally, she made it. Ready na siyang umuwe. Sa front door ng office matiyaga xang naghintay ng taxi na masasakyan. Until, an sports car pass on and stop in front of her. Bumukas ang tinted door nito at lumabas ang nakasemi formal wear na binata. Si Vince.

"Come on,I'll get you home.." Prisinta nito sa dalaga.
"No thanks."
"Please,I insist..sinadya ko talaga na hintayin ka dito coz I'm sure na mahirap dumaan ang mga cabs dito."
"Pagod ako at wala akong panahon sa kayabangan mo!" Singhal nito sa binata.
"Pasensya kung mayabang ang asta ko sayo, I'm only just concerned. Masyado ng malalim ang Gabi at delikado para sa isang tulad mo ang manatili pa rito ng matagal.."
On the other hand, may point naman ito, madilim ang paligid, iilang streetlights lang ang bukas,at may iilang istambay rin siyang nakikitang palakad lakad, naisip niyang mainam na sumakay na lang sa kotse ng lalaking kinaiinisan niya,kaysa mapahamak sa kamay ng iba.
Walang kibo na sumakay ito sa kanina pa nakaopen na pinto ng passenger's seat.
Gusto niyang makakwentuhan ang dalaga,pero pinili na lang niyang manahimik. Habang sa katagalan ay nakatulog na si jenny marahil sa pagod, nataon pa na traffic dahil sa isang road accident sa gawing unahan nila.
Marahan niyang ibinaba ang level ng car seat upang komportableng makapahinga ang dalaga, kinuha ang mini blanket niya sa likod ng upuan at ikinumot sa dalagang nahihimbing.
Doon lang niya nasilayan ang mukha ni jenny ng malapitan, ng personal at hindi sa larawan lang.
Ang matangos nitong ilong,mapupungay na mata, mapupulang labi at pisngi..

Nasa malalim pa rin na pagkakatulog si jenny nang marating ni Vince ang bahay nito, naroon si aling Martha at matiyagang naghihintay sa dalagang anak ngunit nagulat siya nang isang kotse ang huminto sa kanyang tapat.

"Magandang Gabi po,aling Martha.." Magalang na pagbati ni Vince nang makababa siya ng kotse.
"V-vincent? Ikaw nga ba iyan?" Sorpresang reaksyon ng matanda.
"Opo.,ako nga po. Inihatid ko lang po si jenny. Kaso po napalalim ata ang tulog, inabot po kami ng traffic sa pasig."
Agad binuksan ni Martha ang pinto ng bahay, at dagling nakisuyo sa binata na kung maari ay buhatin si jenny papasok sa silid nito.
Dagling namula si Vince sa pakiusap na iyon ng matanda,.
"Pero.."
"Pakiusap,iho..may ugali ang anak ko na kahit kalogin mo pa ay hirap siyang gisingin, mana siya sa kanyang ama, tulog-mantika."
"S-sige po..." Kabado at naiilang man ay sinunod niya ang pakiusap ni Martha,sa loob niya, tila newly weds sila..

Nang maiayos na sa kama ang dalaga ay inaya na ni Martha si Vince na magkape muna sa salas.
"Salamat sa paghatid sa anak ko,iho. Magkatrabaho ba kayo?"
"Hindi po. Pero, ang resort na pinadesign ko sa company nila, siya po ang gumawa.."
"Talaga ba? Kita mo nga naman ang pagkakataon ano?" Wika ni Martha habang iniaabot ang tasa ng kapeng tinimpla niya.

"Mabuti naman po at naging maayos ang buhay ninyo sa kabila ng ginawang eskandalo ng ate ko.." May lungkot niyang turan.
"Wala naman sa akin yun. Tapos na yun. Nakalipas na, malaki pa nga ang utang na loob ko sa mama mo, kahit umalis na kami ay pinagpatuloy pa rin niya ang suporta sa scholarship ni jenny, tapos siya pa ang tumubos sa nakasanlang bangka ng yumao Kong asawa, na ngayon ay malaking tulong sa hipag ko para sa kabuhayan nila at sa amin na rin dito. Salamat din sa mama mo,at sa huling sweldong ibinigay niya, sumapat para makapagnegosyo ako ng kahit maliit. Tumatanggap ako ng orders sa ilang okasyon nagluluto ng puto at ilang kakanin,dagdag tulong kaya napagtapos ko si jenny.. "
"Masaya po akong malaman na naging maayos kayo, hayaan nio po at makakarating ang pasasalamat ninyo kay mama."
Matapos ang mahabang kwentuhan, nagpaalam na si vince, pasado alas tres na din kaya umuwe na xa..

Destined To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon