chapter 19

1 0 0
                                    

Gabi na, pero hindi pa rin natutulog si jenny. Nakaupo lang ito habang nakapangalumbaba sa kanyang desk top habang pinagmamasdan ang hawak niyang kwintas.

Knock!knock!

"Pasok po,.."wika niya nang hindi naaalis ang tingin sa hawak na kwintas.

Si martha ang kumatok,may dala itong isang baso ng warm milk para sa anak. Inilapag niya iyon sa desk top.

"Ano't ganyan ka makatingin sa hawak mo?"

Ibinalik na ni jenny sa case nito ang kwintas at itinago sa kanyang drawer na may lock.

"Napakaganda po kasi,napakamahal at parang nakakatakot ipang araw araw.. Nagtataka lang po ako,kasi,bago lang naging kami ni vincent, pero bakit ibinigay sa akin ang bahagi ng kanilang tradisyon? Bakit po sa akin? Paano po kung hindi naman kami magtagal?"

"At bakit naman iyan agad ang nasa isip mo? Ikaw talagang bata ka.."

"Kasi po..."

"Alam kong may pagtingin ka na kay vince,galit ka lang kaya di mo nakita,.itinadhana kayo at gaya ko yun din marahil ang nakita ni madam..alam mo ba na si mysterious guy na laging may padalang kung ano sa iyo ay si vincent pala?! Inamin niya sa akin noong mga panahong binabantayan niya ako sa ospital."

"May kutob na po ako noon pa,.hindi ko lang po napapansin.."

"Oh,siya..tama na  iyang pag iisip mo,matulog ka na pagkaubos mo niyang dala ko,ako na maghihintay kay elsa."

"Matulog na po kayo, tumawag po si elsa kanina,bukas na daw po siya uuwe, may meeting pa daw po siya."

"Sige. Tulog na ah?"

"Opo."





A few weeks after maging official ang relasyon ng dalawa, nakarating na rin sa staff ng resort ni vince  ang balita. And they are happy about the news,.

Kasabay noon,dumating na rin si alfie galing ibang bansa,. Para asikasuhin ang kasal nila ni elsa. Kaya naman,nagkaroon ng isang family gathering sa tahanan ng mga ferrer.

"Bilib din ako sa tyaga mo dito sa pinsan ko! Alam mo bang elementary days pa lang namin ay marami na ang nagtangkang manligaw riyan.. Pero lahat sila,taob! Supalpal dito!" sabay akbay sa pinsan niyang si jenny at ginulo pa ang buhok nito na parang mga bata.

Biglang palag si jenny,at maagap na inayus ang nagulong buhok.

"Kuya naman eh!? Alam mo naman,pag aaral ang priority ko.. Kaya sorry na lang sila!" pagmamalaki ni jenny.

"Actually bro,totoo yan. Ilang beses din akong nasupalpal ng pinsan mong ito, pero,wala eh,ganoon talaga siguro kapag tinamaan ka na.." wika ni vince.

"Dahil riyan,.." itinaas ni alfie ang hawak na basong may alak sabay sigaw ng "..kampay sa tagumpay!"

Siyang dating naman ni elsa kasama si martha at ester,may dala silang prutas at ilang pulutan.

"Eto na pala ang future misis ferrer.. " sabi ni alfie..

"Vince.. Eto oh, para sayo at sa mama mo,, sana makadalo kayo.. pasensya na preparado na ang lahat bago naging kayo kaya hindi ikaw ang makakapartner ni jenny sa wedding march.." paliwanag ni elsa habang iniaabot ang dalawang invitation card.

"Ok lang yun,walang kaso.. Makakapareha ko pa rin naman siya hanggang sa pagtanda.." hirit ni vince na nagpakilig sa mga nakarinig.

"Aba't talagang naisingit mo pa yang hugot mo ah!?" natatawang sabi ni jenny.

"Kinilig ka naman diba? mukhang may sunod pa tayong paghahandaan martha pagkatapos nitong si alfie ko,." biglang sabi ni ester.

"Tyang,..matagal pa po yun!" agad na salag ni jenny.










****
Isang beach wedding ang ginanap, sa kagustuhan na rin ng bride. Sa halip na trahe de boda, pinili ng bride magsuot ng white satin dress match with pink and white stargazer bouqet.  May nakaipit pang puting rosal sa kanyang buhok malapit sa tenga.

Habang ang groom naman ay naka pina cloth chinese cut katerno ng soft cloth white slacks. A solemn wedding,.
Habang nagsusumpaan sa harap ng pari ang ikinakasal,hindi naman maiwasan ni vince na mapatingin sa gawing kanan niya kung saan nakaupo ang kanyang nobya.

Your so beautiful..i promise,i'll give you the most precious life i'ved dreaming of since i've met you...

Bulong ng isip ni vince, naramdaman naman ni jenny ang malagkit na tingin ng nobyo, kaya tiningnan niya rin ito sabay ganti ng matamis na ngiti.

Pakiwari ni vince sa tuwing ngingitian siya ng nobya,natutunaw ang puso niya sa tuwa.

After ceremony,diretso sila sa isang pinareserve na bahagi ng resort, fiesta inspired ang reception, this time,magkatabi na sa isang mesa sina vince at jenny.

Masayang pinanonood sa wide screen ang pre nuptial ng dalawang bagong kasal..

"Alright,.nakita na natin ang sweet prenup ng newly wed.. Now, may i call on the groom.." sabi ng kinuha nilang magsisilbing emcee na si ms.greta..

"...the floor is yours"

"Thank you, miss.. First of all, maraming salamat muna sa mga dumalo at nakawitness ng pag iisang dibdib naming dalawa..sa aming pamilya.. At kaanak,kaibigan,katrabaho,thank you all... Alam ninyo,nagsimula ang aming love story nun araw na dumating ako galing probinsya, alam ninyo naman na magkaibigan ang aking pinsan at ang aking misis,,kaya kung my promotor man dito,si jenny yun.." biro nito sa pinsan. Na nagpangiti lang kay jenny habang nakikinig sa speech ng kuya..

"Doon pala nagsimula.." mahinang sabi ni vince.

"Ano yun?" tanong ni jenny.

"The third time i saw you..with him,i thought,he is your boyfriend.."

"Ano!?" pigil ang tawa ni jenny sa sinabing iyon ni vince.. At muling nakinig sa speech ng pinsan.

"...mahal ko, kahit gaano ka pa kasuplada,kahit sinabi mo na tumigil na ako kasi di tayo bagay.. Hindi ako masunurin kaya pasensya ka na.. Mahal tlg kita eh.." sabay lapit kay elsa at mainit itong niyakap sabay kalembang ng mga baso,humihiling ng isang matamis na halik mula sa mag asawa..
Na pina unlakan naman nila.




















*****
Three months after the wedding,muling nagbalik sa ibang bansa si Alfie,but this time kasama na niya si Elsa.
Nagresign si Elsa at nag apply sa company na pinapasukan ng asawa upang di sila maging " long distance love affair" couple.

At dahil matagal na naman ang contract ng anak, pinagpasyahan ng mag inang Martha at jenny na kunin na si Esther at sa kanila manirahan. Lalo at naipasa Kay jenny ang mga naiwang work ni Elsa.

Ibinenta ni ester ang bangka ng kapatid, ang ama ni jenny upang ipangpundar sa negosyong kainan malapit sa hospital, isang libangan para sa gaya nila na may mga anak na may sarili ng mundong binubuo.

"Kamusta ang mga nanay KO?" Bating bungad ni jenny nang dalawin nito ang Ina at tiyahin isang umaga.

Maraming kumakain na mga interns at ilang nurses,.

"Mabuti anak, eto nga at halos kauupo KO lang.." Sabi ni Martha.

" baka naman po masobrahan kayo huh,alalahanin ninyo,.."

"Alam KO anak...ikaw talaga."

"Anak, halika rito, ipinaghanda kita ng paborito mo bago ka pumasok sa trabaho." Sabi ni ester Kay jenny habang iniaayos ang kakainin ng pamangkin sa isang bahagi ng karinderia.

"Wow! Pritong daing na bangus,sinangag at itlog na maalat!" Agad naupo ito at sinimulan ang Kain.

"Kain po tayo!" Aya niya.
"Ay, tapos na kami. Bukas pala anak, sumaglit ka rito ah, may mag aaply ng serbidora, gusto KO ikaw ang kumilatis. Kumuha na ako para di masyadong mapagod itong nanay mo. " sabi ni ester.

"Ito naman si ester oh, kaya KO pa naman.."

"Tama po si tyang,nanay.. Wag na po kayo kumontra. Magkahera na lang po kayo.. Bukas po tyang,pupunta po ako."

"Oh,siya. Ubusin mo na yan at baka mahuli ka sa trabaho mo."

Destined To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon