chapter 9(the past)

13 0 0
                                    

Sakay ng SUV,sa halip na tumungo si camia sa party,nagtungo ito sa isang first class hotel sa makati.

She ordered a lot of liquor, to forget everything. Drowned herself with liquor.
Crying,blaming people.

"Pare pareho kayong lahat!! Vlad, and even you Dad!! You both accusing me!! I hate you!!" Sigaw niya sa hangin habang nakasalampak sa carpet floor.

Itinapon sa concrete wall ang boteng hawak,
Isa,
Dalawa,
Lahat ng madampot ng kanyang kamay ay ibinabato sa dingding. Pakiwari niya ay gumagaan ang loob niya sa ginagawa niyang iyon.

Sa pagwawala ni camia,naalarma ang security ng hotel. Pilit binuksan ng spare key ang kwarto pero nakadouble lock iyon.

"Ma'am,please open the door!" Pakiusap ng general manager.

"I'll pay all my damages here,just go and leave me alone!!" Sigaw nito sabay bato ng bote alak sa pinto.

"Anong gagawin natin ma'am? Sisirain na po ba namin ang pinto?" Tanong ng may edad ng security guard.

"Sandali,." Nagdial ito at tumawag sa lobby.

"Anong pangalan ng nakacheck in sa room 321-A?....dela cotta? Camia dela cotta?...alright. Contact her relative,. Find Mr. Vladimir dela cotta on directory, and tell what happened here! Asap!"

*******
Halos masira ni camia ang buong silid, napagod na siya kaya't napahiga na lang sa sahig. Habang unti unting pumipikit ang kanyang mata bumalik sa kanyang gunita ang nakaraan...

CAMIA'S POV

"Kuya,can you teach me how to swim?" Si camia wearing her kids swimsuit.
Kinukulit ang kuya niyang si France.

"Baby...next time na...kuya's not feeling well.." Wika nito sa kanya sa nanghihinang tono dulot ng trangkaso nito.

"But you promised!!" She started her tantrums.

Narinig sila ng kanilang ama na kauuwi lang galing sa business trip.

"Camia! You heard you're kuya! Go upstairs and change your clothes!! Now!" Hasik ng kanyang ama.

Mangiyak iyak siyang sumunod rito..matalim ang mga tingin sa ama.

Ngunit nang malingat ang ama at dulot na rin ng kabataan,. Ginawa nito ang nais..

"Tulong!!!! Si camia nalulunod!!!!" Sigaw ng katulong.

Nagkataon,wala ang ama..muli kasi itong umalis. Tanging si France ang pilit tumungo ng pool,at kahit na may dinaramdam nilundag niya ang pool maligtas lang ang nalulunod ng kapatid.

"France!!!" Sigaw ng kanilang ina na humahangos lumapit sa pinangyarihan.

Maayos na naiangat nito ang kapatid. Agad nmn na kapwa sinuotan ng katulong at ni mercedes ang mga anak ng bathrobe.

Kinagabihan, kitang kita ni camia mula sa pagsilip sa kwarto ng kapatid, habol ang paghinga ng knyang kuya,hanggang sa pumalahaw n lng ng iyak ang knyang mama.

Ang kanyang kuya,wala na.
Narinig niyang sinabi ng kanilang family doctor na lumala ang pulmonya ni France.

Umiiyak siyang bumalik sa kwarto. Nasa gitna siya ng pagluluksa nang pabalibag na bumukas ang pinto.

Mabilis ang kaganapan, isang malutong na sampal ang inabot niya mula sa ama.

"Graciano!! Stop that!!"

"Umalis ka riyan,mercedes! Papatayin ko ang halimaw na yan!"

"Ano ba!? It was an accident!!!!"

Destined To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon