chapter 1 (beginning)

24 0 0
                                    

Nakahinga ng maluwag si jenny nang marating ang karagatan at walang ano ano ay napaluhod sa baybayin nito, pigil na pinawawalan ang luhang nais ng pumatak sa kanyang mga mata.

Sa tuwing sumasapit ang kanyang kaarawan,hindi lumilipas ang araw na Hindi mababanggit ng kanyang tita ang tungkol sa kanyang mama na isang dekada ng naninilbihan sa isang byudang negosyante sa maynila.

Napilitan ang kanyang ina na iwan siya sa zambales,sa kapatid ng kanyang yumaong ama,upang mangamuhan. Upang makatulong para sa gastusin at sa kanyang pag aaral. Masakit man,dahil walong taon pa lamang siya non,wala siyang magagawa upang pigilan ang ina.

Sa bawat kaarawan,may padalang regalo ang kanyang ina, ngunit hindi ang mga regalong iyon ang nais niyang matanggap, nais niya ay ang kanyang ina mismo.

Mabait ang kanyang tita ester.,pati ang only son nitong si Alfie. Tatlong taon lang ang agwat ng magpinsan,pero kung magturingan ay parang magkapatid.

"Sinasabi ko na nga ba at narito ka lang.." Wika ni Alfie,na di namalayan ni jenny na sumunod pala sa kanya. Naupo ito sa buhanginan habang hinahampas ng alon ang kanyang mga paa,gaya ni jenny na patuloy sa pagluha ang mata..

"..nagulat naman kami ni inang sa pagtakbo mo?,.."

"Pasensiya na po kuya, di ko lang kinaya ang emosyon ko habang nagkukuwento ng sakripisyo ni nanay si tita ester.."

"Nauunawaan namin yun, kaya nga agad akong pinapunta ni inang rito para ibigay ito.."

Isang sobreng bukas ang iniabot ni Alfie,. Nagtatakang inabot ni jenny ang nasabing sulat.

"..pasensya ka na at nauna ng binasa ni inang,.. Akala niya ay kung ano lang daw.. "

Tumango lang ito at binuksan ang liham..

Mahal Kong anak,
Alam Kong ito ang matagal mo ng gusto na mabasa sa lahat ng pinadadala Kong sulat sayo. Nabanggit sa akin ng tita ester mo na consistent honor student ka raw, at qualified palagi sa scholarship,. Ang amo ko ay nais ka na maging bahagi ng kanilang scholars.. Kaya naman, dagli akong nagpadala ng ticket Jan,para makaluwas ka na rito, sobrang miss na miss na kita anak! Aantayin ko ang pagdating mo,.
Love,
Nanay.

Destined To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon