Nagmamadaling umuwi si Martha, sabik sa bisitang kanina pa naghihintay "daw" sa kanya.
Habol ang paghinga, nakita niya si Elsa, sa labas ng kanyang bahay at kausap ang dalagang nakatalikod sa kanya.
Hindi pa man humaharap ang babae, alam niya, dama niya, ito ay ang kanyang jenny.
"A-anak?"
"Oh,narito na pala siya,.." Sabi ni Elsa.
Lumingon si jenny,abot abot ang kaba,halong tuwa at pananabik na sinalubong nito ang ina. Dagli ay nabitawan ni martha ang kahong dala upang mayakap ng mahigpit ang pinanabikang anak.Walang pagsidlang tuwa ang kanila kapwa na nadarama.
Maging si Elsa ay hindi napigil ang maluha sa tagpong iyon. Dama niya ang tagpong iyon sapagkat ulila na siya sa magulang, solo niyang binubuhay ang sarili sa pamamagitan ng pagiging part time server sa isang bar sa gabi habang nag aaral sa umaga.
Nagpasya siya na iwan na muna ang mag ina.**********
Mabilis na lumipas ang mga araw, naging matalik na magkaibigan sina jenny at Elsa. Lalo pa at parehong paaralan lang ang papasukan nila sa susunod na semester.Kapwa sila kumukuha ng kursong architecture,. May tatlong taon pang bubunuin at gagraduate na sila. Kaya naman,todo sikap ang magkaibigan.
First day of class..
Patungo ang magkaibigan sa kanilang next class bago ang lunch break, nang mula sa likuran ay may tumakbong binata sadyang sinagi ang kanyang balikat ,magrason para matapon ang hawak niyang libro at ma off balance pa.
Huminto ang lalaki,agad tinulungang tumayo si Jenny.
"Ano ka ba?! Di ka ba tumitingin sa dinaraanan mo?" Iritableng sabi ni Elsa.
Habang si jenny, tahimik lang na dinampot ang mga nahulog na gamit ngunit ang mukha ay nakasimangot.
"Miss, I'm really sorry..." Bulalas ng gwapong binata.
Tiningnan lamang ni jenny ng matalim ang binata, sa isip niya ay, gwapo nga ito, matikas at halatang anak mayaman, tanga naman.
Kaswal na tumayo si Jenny, inayos ang bahagyang nagusot na uniporme, tiningnan muli ang binata na tila sinusuri niya ito mula ulo hanggang paa.
Tila nakadama naman ng pagka ilang ang gwapong binata.
"Anong sinisipat mo, bes?" Pabulong na sabi ni Elsa kay jenny.
"I'm Vince.." Lakas loob na pakilala ng binata.
Tumaas ang kaliwang kilay ni Jenny,
Hindi lang pala tanga,may pagka arogante pa!
"Tara na,bes." Sabay aya kay Elsa, ni hindi ginantihan ng kahit kaunting ngiti ang binatang nagpakilala.
Nang makalayo ang magkaibigan, lumabas na sa kanya kanyang pinagtataguan ang ilang tropa ni Vince. Panay ang kantiyaw.
Isa lamang palang palabas ang naganap. Isang hamon na ibinigay ng tropa kay Vince upang malaman kung ito pa rin ang undisputed chick magnet ng tropa. Ang biktima. Si jenny. Ang transferee.
"Oh,paano ba yan? Panalo ako! Ang allowance ninyo akina!" Kantyaw ng isa sa apat niyang katropa.
Napapakamot lang na iniabot nila rito ang kalahati ng allowance na meron sila sa kanilang wallet.
"Hoy!" Sabi ng nanalong tropa kay Vince na hindi pa naalis ang tingin sa lugar kung saan nagtungo si jenny.
"Huh? Ahh---eto na!" Sabi ni Vince sabay abot ng allowance.
"Uy! Na love at first sight ata c Mr.chick magnet!" Kantyaw nitong muli. Sabay akbay kay Vince.
Nangiti lang si Vince, at tinabig ang braso ng katropa. Pero totoo ang tinuran ng mga ito. Love at first sight. Tamang salita sa nadarama niya sa Sandaling iyon.
Isang maganda, mala-anghel sa kaputian, pisikal na katangiang nakikita at tiyak hahangaan ng sinumang kalalakihan,. Subalit iba ang nakita niya, higit pa roon .
Nakita niya ang kinabukasan,sa babaeng mula sa probinsya. Pangseryosohan at hindi pangdisplay lang.******
"Mabuti at Hindi ka nagpatalo sa lokong iyon.." Sabi ni Elsa habang itinuturo sa tindera ang order niyang putahe,Lunch break na at nasa canteen sila.
"Hindi ako lumuwas ng maynila para lang lumandi. Hindi ang mga tipo niya ang dapat pinag aaksayahan ng panahon."
"Masasabi mo pa kaya iyan kung ayan na siya at parang sa atin ang punta?" Wika ni Elsa nang makita si Vince na gaya nila ay may dala ring tray na may lamang lunch nito.
Hindi pinapansin ang ilang dalaga na umaalok ng kanilang upuan.
Walang pakialam na tinungo ni Jenny ang available seat kasama si Elsa.
"May I share a seat with you guys?"
Sa inis ay tumayo si Jenny, matabang na ngumiti.
"Sure!"
"Really?"
Kampanteng naupo si Vince, pero laking gulat niya nang kahit hindi pa tapos kumain sina jenny at Elsa ay umalis na ito.
"Hey! Wait!"
"What?" Kaswal na tanong ni Jenny.
"I thought.... Are you still mad about what happen earlier? I'm sorry, please , give me a chance to proved that I'm really sorry, I didn't mean it. It was an accident." Paliwanag nito.
Buntong hininga na lumapit muli si Jenny,. Walang paki sa kung sino ang makakarinig sa sasabihin niya.
"Fine. Claimed it as an accident. If that's what you believed. But please,, could you just leave me alone? Face your own life. Alam ko iyang mga karakas mo, ng gaya mo! Probinsyana ako,alam ko iyon, pero hindi ako tanga para di malaman ang mga pakulo ng tulad mo!"
Natulala lang si Vince sa tinuran ng dalagang nililiyag. Walang paki kung natatawa ang ilan sa eksenang naganap.
"Okey ka lang?" Sabi ni Elsa nang makalayo na sila sa canteen.
"Oo. Nakakainis na kasi! "
"Mabuti na iyon,at least alam niya na hindi lahat ng babae makukuha niya."
********
"Heto, magmeryenda ka na muna.." Wika ni Elena sa alagang si Vince na kauuwi lang mula school ay ang internet agad ang hinarap. Inilapag ni Elena ang dalang juice at sandwich sa side table katabi ng laptop na ginagamit ngayon ni Vince."Thanks,yaya Elena.." Sagot niya ngunit ang mata ay di naaalis ang tingin sa monitor.
"Lalabas na ako, magbihis ka na muna ng pambahay bago yang laro mo,."
"Opo.."
Halos si Elena na ang nagpalaki kay Vince walong taon lang ito ng alagaan siya ni Elena,mula ng mabyuda si Mrs. Garcia pinasan na nito ang pagiging ama at ina sa pamilya.
Palabas na si Elena nang muli siyang mapatingin sa monitor na tinititigan ng alaga, akala niya ay online game ang sinisipat nito, pero hindi pala, kundi mga stolen shots ng isang dalaga na naka tag sa fb account ng alaga.
"Wow! Kagandang babae..." May paghangang bulalas ni Elena.
"Talaga ba,yaya?"
"Oo naman! Kelan ba naman ako nagsinungaling sayo? Eh,sino ba yan?"
Biglang napahalukipkip ng braso si Elena at taas kilay na tiningnan ang alaga.
"Huwag mong sabihin na bago mong "biktima"?
"Biktima? Better called her my future."
Napahagalpak ng tawa si Elena. Akala ay nagbibiro ang alaga,.. Kilala niya ito na babaero,.
"Sige,future mo na xa kung ganon,.. Lalabas na ako at baka kabagin pa ako sa biro mong bata ka!"
Lumabas ito na patuloy lang sa pagtawa, napapailing lang si Vince na muling ibinaling ang tingin sa mga stolen shots ng barkada niya sa babaeng natipuhan niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/97807409-288-k168137.jpg)
BINABASA MO ANG
Destined To Love You
RomansaVince Garcia, a happy go lucky bachelor yet responsible man, who found her so called "destiny" But, this girl who she claimed as her future Mrs. Garcia was very hard to get. Idagdag pa ang kapatid niyang spoiled brat,. Makuha pa kaya ni vince ang ti...