Sumunod na araw,labis ang paghingi ni vince ng sorry sa naganap. Sinadya pa niyang abangan sa school grounds si jenny para lang makahingi ng tawad.
"Wala ka na bang ibang gagawin sa buhay mo,kundi ang magsorry sa akin? You think,mababangon ng sorry mo,ang tinapakang dignidad ng nanay ko,dahil sa ate mong mababaw pa sa isang patak ng tubig ang ugali?" Galit niyang singhal dito,
Walang pakialam kung kasama nito ang ilang katropa niya."Please naman,Jenny.. Wala namn akong kinalaman sa nangyari, huwag namang pati sa akin,magalit ka?"
"Tama na! Lubayan mo na lang ako! Kung may pera lang akong gaya ninyong mayayaman,matagal na akong lumipat ng school,nang hindi ko na nakikita ang pagmumukha mo!"
Walang lingon likod na umalis si jenny, iniwan ang pobreng binata,na hindi magawang kantyawan ng tropa dahil bakas sa mukha nito ang galit.
Hindi dahil sa mga binitawang salita ni jenny, kundi sa ginawa ng kanyang ate.
Kahit kailan,tuwing narito ka,..nasisira ang buhay ko! Bakit ikaw pa ang naging kapatid ko! Bakit?!
*******
Patuloy pa ring umuukilkil sa isip ni camia ang nangyari, pati ang mga binitawang salita ni Jenny ay hindi niya malimot. Nanggagalaiti siya sa galit, kung ipis lang marahil ang mag ina,baka nagkadurog durog na."Ahhhh!!!" Sigaw niya sabay bato ng hawak niyang wine glass na kamuntik pang matamaan ang kapapasok lang ng asawa.
"Hey! You almost hit me!"
Sa halip na humingi ng tawad ay nagawa pa nitong kumuha ng isa pang baso at muling nagsalin ng alak saka ininom.
"Hindi ba parang napaka agang almusal naman iyang alak mo?"
"Wala kang paki,naiinis ako!"
"The party is over,can you just move on?"
Matalim na tumingin ito sa asawa.
"Move on?" Tumayo ito at pinakita kay Vlad ang mga pasa at gasgas na natamo.
"...see? Then you telling me to just move on??"
"Its your fault. It was just a misunderstanding, human error, tao lang nagkakamali,. Why don't you,just come upstairs, change your clothes and forget anything?"
"Ipinahiya niya ako! At ang tinapunan niya,ng tangang maid na iyon,worth half a million!"
"My gosh,camia! Its only a dress! Yung ginawa mo sa pobreng tao, kulang pa sa halaga ng gown mo ang pagkataong tinapakan mo! Magkaroon ka naman ng puso sa iba,hindi yung puro na lang ikaw!"
"Sino ba ang asawa mo? Hindi ba ako? Why you defending them?"
Napapailing na tinalikuran nito ang asawa. Suko na siya. Wala na itong pinakikinggan.
Sa tingin niya ay wala na din siyang magagawa pa para sa ugaling meron ito.Lingid sa kaalaman ni Vlad,bukod sa nangyari ay may iba pang pinaghuhugutan si camia, yun ay ang muling makita si jenny kaya naalala niya kung bakit siya muling nagbalik sa maynila.
A few weeks before they came,nakita ni camia sa naiwang bukas na messenger ni vlad ang mga messages ng kapatid..
Ipinakikilala nito ang nasa larawan which is jenny na kanyang "destined to be mrs.garcia"
BINABASA MO ANG
Destined To Love You
RomanceVince Garcia, a happy go lucky bachelor yet responsible man, who found her so called "destiny" But, this girl who she claimed as her future Mrs. Garcia was very hard to get. Idagdag pa ang kapatid niyang spoiled brat,. Makuha pa kaya ni vince ang ti...