chapter 4(homecoming)

8 0 0
                                    

"Naku po! May trabaho pa pala ako!" Aligagang bumangon si Martha isang umaga at naghanda para sa pag alis.

"Nanay? Saan po ang punta ninyo?" Wika ni jenny na tila naalimpungatan sa biglang pagbangon ng ina.

Parang hindi ito trinangkaso ng buong araw,nagmamadaling magbihis at hindi nakalimutang ayusin ang uniporme ng anak, hindi magkandatuto sa pagmamadali.

"Nay," pigil ni jenny sa ina sa pamamagitan ng paghawak sa braso nito.

"Pasensya ka na anak, di na ako nakapagluto ng almusal mo,"

"Maupo nga po muna kayo. Karerecover nio lang po diba? Magpahinga na lang po kayo rito."

"Pero----"

"Please po.. Malaki na po ako,hayaan nio naman po akong pagsilbihan kayo.."

Maraming salamat,anak. Pero kung may nais man ako,walang iba iyon kundi ang makatapos ka,titiisin ko ang lahat mapagtapos lang kita ng pag aaral,wala akong materyal na bagay na maipapamana sayo kundi ang edukasyon.."

Naluluhang sapo ni Martha ang mukha ng anak. Haplos ang maamong mukha ng anak.

Dama naman ni jenny ang sinasabi ng ina. Naipangako niya tuloy sa sarili na pipilitin niyang maipagtapos ang sarili upang maiahon sa hirap ang ina.

*********

Habang patungo ng school ang magkaibigan,nagring ang phone ni jenny na nasa kanyang bag. Kinuha niya iyon, nakarehistro ang nagngangalang Alfie kaya naman nagbiro si Elsa.

"Uy! Boyfriend mo?"

"Kuya ko po,.." Sinenyasan niya ito na manahimik at saka inopen ang phone.

"Hello,kuya?"

"Narito ako sa terminal ngayon,naghihintay ng bus na luluwas pamaynila, nasabi mo na ba kay tita Martha na diyan muna ako tutuloy sa inyo?"

"Talaga po,kuya!" Bakas ang tuwa sa labi ni jenny.

"..hindi pa pero mamaya pag uwi ko galing school sasabihin ko...sige po kuya,antayin ka po namin."

Masayang masaya ang aura nito habang kumakaway ng jeep para masakyan.

"Wow...ang saya saya niya...baka gusto mong I share?"

"Sorry bes, darating ang pinsan ko, papakilala kita pag dating niya.." Sabi nito sabay hatak upang di sila maunahan sa dami ng pasahero.

******

Samantala, hindi pa rin nagpaawat si Martha sa pagpunta sa mga Garcia. Laking pagtataka niya nang siya ay dumating. Abala ang ilang kasambahay,kanya kanya ng ginagawa, naglilinis ng hardin, nagpapalit ng ilang sapin sa salas, at may caterer pang naroon at nag assemble ng mga mesa,.

"Oh,Martha! I'm glad you're here!" Sabi ni Mercedes nang makita siya nito.

"Madam, anong okasyon po?"

"Magkakaroon lang ng kaunting handaan para sa homecoming ni camia."

Naging matabang ang ngiti ni Martha sa balitang narinig. Pakiwari niya ay isang delubyo ang darating.

"....I expect you would help us here?..."

"O-opo naman,madam!" Wika niya na tila galing sa ilong ang pag sangayon.

*******

"Its almost been a decade,and now, I'm back!" Bumaba si camia ng eroplano,kasunod ang phil-france na si Vladimir dela cotta.

Kung sila ay pagmamasdan, they we're such a perfect couple. A handsome guy,with a beautiful wife. But not quite as people see, sapagkat ang ugali nila ay magkaibang magkaiba.

Si Vladimir, sa kabila ng yaman,popularidad at karangyaan, naroon pa rin ang mabuting puso para sa mas nakakababa sa kanya. Marahil dahil pilipina ang kanyang ina at nagmula rin sa hirap kaya ganun ang ipinamulat sa kanya.

Malayong malayo sa ugaling mayroon ang kanyang asawa.
Maganda lang ito sa panlabas.

"Good day,mang Tonio!" Masiglang bati ni Vlad sa may edad ng family driver ng pamilya Garcia.

"Welcome back po, madam,sir.."
Agad binuksan nito ang pinto ng kotse. Unang pumasok si camia, ni walang ngiti o pagbati man lang. Sumunod ay si Vladimir. Nag aapurang inilagak ni Tonio ang bagahe ng mag asawa sa compartment at nagsimula ng painitin ang makina ng kotse.

"Kamusta na po kayo? Sila yaya Elena?" Patuloy na tanong ni Vlad na kahit may pagkaislang ay patuloy sa pagtatanong habang naghahanda si Tonio sa kanilang pag alis.

"Can we just go? Hindi kami nagpasundo para makipagkwentuhan sa isang hamak na driver!"Nakairap na wika ni camia.

"Opo,madam. Pasensya na po."

Napapailing na lang si Vlad na napabuntong hininga sa ugali ng kanyang asawa.

******

"How's the trip?" Tanong ni Mercedes nang masayang salubungin ang anak na siyam na taon niyang hindi nakita.

"Hi,mom.. So tiring days!" Malamyang tugon nito sa ina.

"Hello,mama Mercedes.."

"Glad to see you again,Vlad.." Bati nito sa manugang na once a year since ikasal sila ng anak niyang si camia ay dinadalaw sila.

Habang tinatahak nila ang salas patungo ng staircase, napuna ni camia ang ilang mata na nakatingin, as usual,hindi nakaligtas sa pagpapahiya ang mga ito.

"What are you looking at?!" Singhal nito sa ilang staff ng inupahang caterer.

"Camia,relax. I pay them for your party.."

"Party?" Agad nangislap ang mga mata nito. Umaliwalas ang itsura at nakangiting inakyat ang staircase upang makapagpahinga na.

"Hindi ba,yun ang endorser at isa sa may ari ng sikat na perfume galing Paris? Eh, kasama naman pala ng ugali!" Mahinang sabi ng isang staff sa kapwa niya staff na hindi nakaligtas sa pandinig ni Vlad, ngunit pinili niyang hindi na patulan pa para sa ikatatahimik ng lahat.
After all totoo naman ang sinabi ng mga ito.

*******

Sa kusina,papuslit na sumisilip si Elena sa salas,tanaw niya ang kaganapan.

"Uy! Elena!" Tawag ni Martha habang inilalabas sa ref ang ilang sangkap.

"Ay! Dragon!" Bulalas nito nang sa ikalawang tawag ni Martha ay may kasama ng tapik sa balikat.

"Dragon?"

"Ay,hindi pala..ibig Kong sabihin, si madam camia nariyan na."

"Ano!? Ang aga naman ata? Baka magalit iyon at wala pa tayong nasisimulan.." Aligagang sabi ni Martha.

"Relax..mamaya pang gabi ang okasyon, may time pa tayo. Isa pa,magbebeauty rest pa yun, parang di mo kilala.."

******

"...by the way,where's Vince?" Palinga linga ito mula sa veranda ng kanyang silid at pinagmamasdang tila langgam ang mga tao sa ibaba na abalang naghahanda ng kanyang homecoming.

"By this time nasa school pa yun. Anyway, do you want anything? Magpapahanda ako kay elena.."

"No need mama, kumain naman kami sa airplane.." Sagot ni Vlad habang nakaupo sa single couch.

"Well then.. See you later.. I'll just check the preparation."

Destined To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon