Lumipas ang ilang araw,walang nalaman na kahit ano si jenny mula sa sinapit ng ina nung mga panahong wala siya.
Muling umakyat ng ligaw si Vincent sa dalaga,this time..naabutan niya rin ito sa bahay.
"Hindi ka ba talaga titigil?" Iritableng wika ni jenny sa bisita.
"Hindi ako ganoon kadaling sumuko..isa pa dumaan lang ako dito para imbitahan sana kitang lumabas,I have a ticket.."
"I told you,I don't -----"
"...hindi naman ngayon..next week pa,. Sinabi kasi ni na---- aling Martha paborito mo raw si ogie alcasid.."
"And you think since paborito ko siya,mapapapayag mo na ako sa gusto mo?!" Isang mapait na ngiti ang itinapon ni jenny sa umaasang binata.
"I just hope you'd come..."
After iabot ang reserved ticket,ay nagpaalam na ito..
Napapailing na isinara muli ni jenny ang pinto, bahagya pa siyang nagulat nang makitang nakatayo pala sa likuran niya ang Ina.
"Kanina pa po ba kayo riyan?"
Tumango lang ito.
"OK,tell me I'm rude..but i was only telling what's on my mind.."
"Anak,alam ko ayaw mo dahil sariwa pa sayo ang nangyari,pero Sana naman anak, huwag mong tingnan yung tao base sa dugong dumadaloy sa kanya, tingnan mo siya base sa nakikita ng puso mo.."
Bahagyang naguluhan si jenny sa sinabi ng kanyang ina.
"...anak, kahit manlang sana-----"
Pinili ni martha na wag ng ipaalam pa, kung anong nangyare.
Akma na sanang tatalikod ang Ina ngunit pinigil siya ni jenny."Ano pong ibig ninyong sabihin? May nangyare po ba habang wala ako?" Abot ang kabang bigla'y dumaloy sa loob ni jenny.
"Wala,anak." At tuluyan ng tumalikod at umalis si aling Martha.
Naguguluhang lumabas ng bahay si jenny, maaga pa naman para matulog,medyo maalinsangan ang panahon kaya't naupo muna siya sa labas upang magpahangin,. Nang isang kapitbahay nilang dalagita ang lumapit sa kalagitnaan ng kanyang pagmumuni-muni.
"Ate,kamusta na po si aling Martha?" Tanong nito sa kanya,sa tono nito ay tila naniniguro ito kung OK ba o Hindi ang kanyang Ina,dama niya sa tanong nito ang pag aalala,.
"Mabuti naman siya,bakit?"
"Kasi po,birthday ng nanay ko sa makalawa,tatanong ko lang po kung kaya po nya kayang gumawa ng dalawang bilao ng majablanca?"
"Kaya naman niya siguro.. Eh,teka nga muna,bakit ganyan ang tanong mo? Parang may Mali?" Duda niyang sabi.
"Ay, wala po pala kayo dito nun isugod ni kuyang pogi ang nanay ninyo sa hospital!"
Sa sinabing iyon ng dalagita,tila may mainit na bagay na dumaloy sa kanyang buong katawan,parang pakiwari niya ay kamuntik na siyang mawalan ng mahalagang gamit.
"A-ano? Kelan? A-at sinong... " mautal utal niyang tanong,hanggang sumagi sa kanyang isip ang araw na tumatawag si Vince ng sunod sunod ngunit di niya pinapansin. Sa halip ay pinatayan pa niya ng telepono.
Napailing siya at tila nakadama ng pagkaguilty,
"Sasabihin ko na lang kay nanay, sige papasok na ako sa loob.." Dagli siyang pumasok at pumanaog sa silid ng Ina, tamang tama naman at katatapos lang ni Martha uminom ng gamot, akma pa sanang itatago iyon ni Martha pero mabilis na nakuha iyon ni jenny,.
BINABASA MO ANG
Destined To Love You
RomanceVince Garcia, a happy go lucky bachelor yet responsible man, who found her so called "destiny" But, this girl who she claimed as her future Mrs. Garcia was very hard to get. Idagdag pa ang kapatid niyang spoiled brat,. Makuha pa kaya ni vince ang ti...