Chapter 36

45 11 0
                                    

Sam's Pov

Tatlong araw na ang nakalipas ng nagising si Zaxia at nakalabas naman na siya kahapon.

Hays nahihiya tuloy ako sa kanya. Sa mga ginawa ko. Bakit ba kasi pina iral ko pa ang kaselosan ko. Aish naiinis talaga ako sa sarili ko.

(Tinggg)

Kinuha ko 'yong phone ko sa bulsa ko ng may nag text.

Fr:Zaxia

Sam. I really want to talk to you. Please sana pumunta ka na. The same place.

Oh my!! Baka kakalbuhin na ako nito! Dahil sa nagawa ko. Jusko po alam ko naman na ako ang may kasalanan eh pero sana naman lord buhayin niyo pa ako sa mundong ito.

Oa na Sam. Gusto lang makipagkita. Malay natin kung may sasabihin lang 'yan importante. Pero pleaseeee lang wag niya lang hilingin sa akin na ibigay sa kanya si Aux dahil hindi ako papayag!

Kinuha ko ang susi ng kotse ko at nag drive pa punta sa park kung saan do'n ako hinihintay ni Zaxia pero 'di ako pumunta kasi nga naiinis ako sa kanya kaya 'yon na disgrasya siya dahil sa nagawa ko.

Sinisisi ko talaga ang sarili ko.

Andito na ako sa park hinahanap ko si Zaxia. Nakita ko naman na naka upo siya sa isa sa mga bench dito sa park.

Nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya. Saglit kaming walang imikan.

"Thank you for coming"nakangiting sabi niya.

Nginitian ko din siya this time hindi na Fake.

"Im really sorry. Sorry dahil hindi ako nakapunta no'n ng dahil sa akin na disgrasya ka sinadya ko kasing 'di pumunta talaga"nakayuko kong sabi.

"Dont say sorry. Its not your fault besides it was just an accident. Tanga ko kasi 'di ako tumitingin sa dinadaan ko"Sabi niya.

Napatawa naman kami konti.

"Thank you...so ano nga pala ang sasabihin mo?"Tanong ko.

"Mag sosorry sana ako pero mukhang inunahan mo ako eh"

"Hahaha sorry"Sabi ko at nag peace sign.

"Sorry sam kasi na offend ata kita sa sinabi ko no'n tungkol sa papa ni Aux. Actually mabait naman talaga si Tito eh. Gano'n lang siya sa mga nakakadate ni Aux na babae. 'Di kasi ito sineseryoso ni Aux. Pero sa tingin ko pag pinakilala ka na ni Aux sa papa niya magugustuhan ka no'n....."

"Pa'no mo naman na sabi?"Tanong ko kasi alam ko mapili talaga ang papa ni Aux pag dating sa mga nagiging Girlfriend ni Aux.

"Pa'no ko na sabi? Dahil nakikita ko sa galaw ni Aux na seryoso siya sayo at mahal na mahal ka niya. Alam mo ba 'yong gabing bigla ka na lang umalis dahil ang akala niya galit ka sa kanya kaya nag pakalasing siya no'n ilang beses pa nga niyang sinabi sa akin na mahal na mahal ka niya at 'di ka niya iiwan at isa pa napaka desente mong babae ikaw lang ang nakakaiba sa mga dinadate ni Aux. 'Yong iba kasi mga pa-flirt...."Binulong niya sa akin 'yong last na sentence niya.

Natawa naman ako do'n.

".....Kakaiba ka kasi Sam. Alam mo nga hangang hanga ako sainyo ni Aux at bagay pa kayong dalawa"Sabi ni Zaxia at nginitian ako.

Akala ko kasi aagawin niya sa 'kin si Aux 'yon pala botong boto pa siya sa akin sa'min dalawa ni Aux. Akala ko kasi aagawin niya sa akin akala ko plastik lang siya sa akin 'yon pala napakabait niyang tao.

'Di ko alam kung bakit? Pero niyakap ko si Zaxia.

"Thank you. Ang buong akala ko kasi umuwi ka dito ng dahil kay Aux. Akala ko kasi aagawin mo siya sa akin kaya inis na inis ako sayo. Im really sorry sa mga akala ko sayo. Iba ka pala.. napaka bait mong kaibigan"Sabi ko at kumawala sa yakap namin.

"Im really really sorry Zaxia"Sabi ko sa kanya.

"Its fine besides nandito talaga ako dahil Im engange."Sabi ni Zaxia.

"So my boyfriend ka pala. Sino siya?"tanong ko.

"Actually....Arrange marriage ako"Sabi niya.

"Pumayag ka naman?"tanong ko uli.

"Oo kasi nag iisang anak lang ako. Para naman kasi ito sa kompanya namin. Wala din naman akong magagawa dahil ayaw kong ma disappoint sa akin si Dad"Nakayukong sabi nito.

Parehas lang pala sila nila kuya.

"Pero sabi nga ng kuya always follow your heart"Sabi ko sa kanya.

"Wala din naman akong taong mahal eh. Ang gusto ko lang naman ienjoy ang teenage life ko. Gusto mo bang mag starbucks"Sabi niya.

"Sige ba"Sabi ko sa kanya.

'Andito kami ngayon sa Mall nag lalakad kami habang may hawak na starbucks.

Madaming kinwento sa akin Si Zaxia tungkol kay Aux about sa childhood nila. Madami naman nakakatuwang bagay na nang yari sa childhood niya.

"By the way Sam. Ano nga pala ang whole name mo?"Tanong sa akin ni Zaxia.

"Samantha Cruz"Simpleng sagot ko.

"Cruz?" Pag lilinaw niya

Ano bang meron sa cruz at lagi nila itong linilinaw. Una yung papa niya tapos ngayon siya.

Tumango naman ako.

(Kringgg)

'Yong phone ni Zaxia.

"Hello....yes Im with her.....yeah fine.....panira ka ng bonding....tsk"Sabi nito sa kausap.

"Mukhang hinahanap ka na sa akin ni Aux. Panira talaga 'yon sa girls bonding"Sabi nito sabay irap.

Napatawa naman ako.

"Dont worry babawi ako next. Pag sasabihan ko 'yong si Aux para 'di tayo maistorbo"Sabi ko at nakangiti

"Sure. Lets go baka magalit pa sa atin si Aux. Bakit mo daw 'di sinasagot ang mga tawag niya sayo?"Tanong ni Zaxia.

Tumawag ba siya? Ohh my gassssshhhhh. Nakalimutan kong naka silent ang phone ko.

Agad ko naman itong Inopen.

Oh my gassshhhh

55 missed calls
And
Three messenge.

Galing kay Aux lahat.

From: Aux

Where are you?

From: Aux

Why are you not answering my calls?

From: Aux

Damn! Sam! Where are you? Im so worried.

"Sam we really need to go. Baka galit na galit na sa akin si Aux dahil kunuha ko ang time mo sa kanya."

"Naku. Wag mong isipin 'yon. Iba lang gagawin no'n pag kasama ko 'yon"Sabi ko.

"What?! Ano naman ang ginagawa ng lokong 'yon he is really a pervert" Sabi ni Zaxia napatawa naman kaming dalawa.

"bye Zaxia. It was nice dahil nakilala na kita ng buo"

"You too. Sam. Bye"Sabi nito at nag lakad na pauwi.

Nag wave naman siya ng hands sa akin.

Akala ko talaga siya ang kontrabida eh. Pero nag kamali ako napakabait pala niyang tao.

We should be friends.


The Trouble Maker Queen (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon