Sam's Pov
Two days na rin ang nakalipas simula ng mag propose sa akin si Aux.
Nakakatawa dahil may pang blackmail na ako sa kanya tuwing inaatake nanaman siya ng kamanyakan niya.
Flashback
Umuwi na kami pag katapos ng proposal event ni Aux para sa akin andito kami ngayon sa harap ng pinto ng condo ko.
"Babe, pwede ba akong mag stay dito kahit one night lang"Sabi ni Aux at talagang naka puppy eyes pa.
"Tigilan mo nga ako. Gumagana nanaman ang kamanyakan mo eh"Sabi ko sa kanya.
"Sige na babe. Ngayon lang naman eh. Besides na eexcite tuloy ako sa honeymoon natin pwede bang mauna na muna yon kaisa sa kasal"Sabi niya. Sabi ko na nga ba eh gumagana nanaman ang kamanyakan ng isang to.
"Titigilan mo ba yang kamanyakan mo, Aux o gusto mong 'di na ako susulpot sa kasal natin"pag babanta ko.
Syempre 'di ko naman gagawin 'yon sa kasal ko. Ang tagal kong hinintay ang pag kakataon na ganito sa buhay ko. Ang papakasalan ko ang pinaka mamahal kong tao sa buong mundo, aatrad pa ba ako? Ayaw ko naman na mawala uli si Aux sa akin dahil mahal na mahal ko siya.
"Sabi ko nga babe, matutulog na ako. Sige, babe good night I love you"Sabi niya at hinalikan ako ng mabilis at tumakbo pa punta sa condo unit niya.
Napangiti na lang ako. He's still the same Aux that I knew and I love.
End of flashback
Andito ako ngayo sa parking lot dahil may meeting daw kami nila Dad.
Haist. Mahirap talaga pag nakapasok ka na sa business world.
Di na ako nakapag paalam kay Aux dahil nag mamadali ako. Nalate kasi ako ng gising dahil kagabi tinad tad ako ng text ni Aux kagabi hangang 3:00 ba naman ng madaling araw nag tetext at tumatawag pa. Tinatanong niya kasi kung mag babago pa ba daw ang isip ko.
Ang kulit talaga niya. Pero ang ending ay tinulugan ko na lang siya hahaha hinayaan ko siyang tumatawag hangang mapagod siya pero akalain niyo naka 112 missed calls ako galing sa kanya.
Andito na ako ngayon sa meeting place namin nila Dad.
"Hi, Ija"Sabi sa akin ng tita.
Andito rin pala sila. Nasaan kaya si Aux? Hmmf baka tulog pa yon kasi sa sobrang kulit niya di pa ako tinigilan.
"Ija, Kung hinahanap mo si Aux eh nauna na siya sa bahay. Ang aga kasi niya pumunta dito kanina sobrang excited kasi siya kaya nauna. By the way Ija Im so proud of you both"Sabi sa akin ni Tita at niyakap ako.
Ano? Bakit naman naexcited si Aux sa bahay nila? Anong meron at talagang ang aga pa niyang umalis?
"Let's sit"sabi ko kay Tita. Nakita ko naman sila Dad, Mom at Tito sa table.
"So Ija. Besides ikaw na lang ang hindi namin na inform eh we have a surprise for you. Alam kong engange na kayo ng anak ko and I'm very proud of you both. Finally ikakasal na din ang anak ko. Naka graduate na siya sa Playboy academy" Sabi ni tito na may halong biro
"Finally I have a son-in-law. Im proud too my dear"Sabi ni naman ni Mommy.
"Yeah Our lil daughter has grown up. So we decided you and your fiance are staying in the same house"Dad said.
O_O Na bigla naman ako sa surprise nila. Hindi naman sa against ako pero..... hindi ko kakayain ang kamanyakan ni Aux baka anytime may mang yari.
To be honest I'm really not ready.

BINABASA MO ANG
The Trouble Maker Queen (editing)
RomanceSamantha Cruz. Isang babaeng walang ginawa kundi gumawa ng kalokohan sa sariling school na pag mamay ari ng kanyang lolo. Isa siya sa pinaka sikat sa school nila. Hindi dahil maganda siya dahil sa mga kalokohan niya. Halos lahat na ata ng studyante...