Sam's Pov
"Urgh...." Hikab ko. Wait asan ako. Bumangon at wala ako sa kwarto ko. Asan ako?
Naalala ko kanina ay nasa kotse lang ako ni Lixen at bigla akong nahilo sa amoy ng kotse niya at bigla akong nahimatay.....
Processing.....
Wait. What happen? Kanina lang ay kasama ko si Lixen ah.
Fck! Did she trick me? Nakaramdam ulit ako ng galit sa kanya at nainis ako sa sarili ko! Napaniwala nanaman niya ako sa mga actingan niya! Fck! Ano nanaman ba ang balak niya sa akin?
Tumayo ako sa kama at pumunta sa pinto. Pilit ko itong buksan pero nakalock ito pati na rin ang mga bintana di ko mabuksan. Fck! Ano nanaman kaya ang plano niya sa akin?! Nakaramdam ako ng takot pero kakalabanin ko siya kahit mag kamatay pa kami.
Napatingin ako sa salamin tsaka ko lang napag tanto na naka suot pala ako ng color peach na cocktail dress.
Naguguluhan ako sa kung anong plano ng walang hiyang pugitang yon at may paganito ganito pa siya nalalaman.
Nagulat ako ng biglang may nag bukas ng pinto. Isang bakla na matangkad at blonde ang buhok.
"Hi MADAM!!"Sigaw niya sa akin habang may malaki na ngiti. Wait familyar sa akin ang isang to ah!
Saan ko nga ba siya nakita....Wait siya pala yung baklang magandang nag ayos sa akin sa parlor. Ano naman ginagawa niya dito?
"Anong ginagawa mo dito?"Tanong ko sa kanya at binigyan siya ng nag tataka look.
"Para pagandahin ka. Alam mo madam Idol nakita tignan mo oh ginaya kitey sa hair mo!"Sabi niya sa akin. Oo nga, kaya pala blonde na din siya ngayon.
"At bakit mo naman ako papagandahin?"Tanong ko uli sa kanya.
"Jusko Madam. Alam ko naman na maganda ka na. Dapat ikaw ang pinaka maganda sa event na to no!"Sabi niya sa akin at nilapitan niya ako at hinila pa upo sa harap ng salamin.
"Ano namang event to?"Nag tataka na talaga ako kung anong meron dito at anong balak ng pugitang yon!
"A-Ah eh. Sa wedding event nila Aux and Lixen. Jusko Idol hindi ka ba na inform"Sabi niya sa akin.
What?! Anong wedding? Sinasabi ko na nga ba eh! Niloko nanaman ako ng babaeng yon! Akala ko ba hindi siya buntis! Tapos ngayon malalaman ko na mag papakasal at talaga sapilitan pa nila akong ininvite! Talaga bang ginagago ako ng pugitang yon!
Akmang lalagyan na ako niya na ako ng make up ng umiling ako. Hindi ako papayag na makita ang mala impyernong kasalan nila! Ayaw ko makita ang kasal nila kasi baka maka gawa pa ako ng scene na makakasira ng event nila! Pero kung pwede ko naman talagang gawin ay gagawin ko!
"Ano ka ba Idol! Mag pa make up ka na kasi ang bilin sa akin eh kung ayaw mo daw mag paayos at pumunta sa kasal nila eh mamatay yung pinaka mamahal mong at pinaka gwapong lalaki sa mundo mo na si Aux"Sabi sa akin ng bading na to.
Jusko! Ano ba ang balak talaga ng babaeng yon! Kinakabahan na ako! Ayaw kong mamatay si Aux. Bwiset yung pugitang yon humanda talaga yon!
Wala na akong nagawa kundi mag pa make up. Sige kung gusto niya talagang makita ako sa wedding day nila. Sige mag papakita ako basta wag nilang pag sisihan na pumunta ako.
Pag katapos akong ayusin ni Britney ay tumayo na ako at isnuot ang heels na naka handa rin para sa akin. Natanong ko kasi sa kanya habang inaayusan niya ako ang pangalan niya. Dati daw ang pangalan niya ay Brando kaya simula daw ng naging bakla slash babaita daw siya ay pinangalan na daw niya sa sarili niya ang Britney.

BINABASA MO ANG
The Trouble Maker Queen (editing)
Roman d'amourSamantha Cruz. Isang babaeng walang ginawa kundi gumawa ng kalokohan sa sariling school na pag mamay ari ng kanyang lolo. Isa siya sa pinaka sikat sa school nila. Hindi dahil maganda siya dahil sa mga kalokohan niya. Halos lahat na ata ng studyante...