COULD WE BE CONNECTED?-chapter 4_CONFUSED

140 4 0
  • Dedicated kay Lizelle Galicia Carullo
                                    

COULD WE BE CONNECTED?-chapter 4_CONFUSED

(Sapphire’s POV)

TIME CHECK  6:30 AM

Kriiiiinngggg kriiinngg kriiingg…

Pinatay ko na ang alarm clock pag katapos ng tatlong magkasunod-sunod at nakakabinging ring.

“Agghhh…. Ang sakit ng ulo ko at ang bigat pa ng mga mata ko. AYOKO PANG PUMASOK. Wag nalang kaya ako pumasok total magpupulot lang naman ako ng mga basura at makikita ko lang ulit si Spinel. “

Si Spinel? Oo siya ang dahilan kung bakit puyat na puyat ako ngayon. Hindi kasi ako makatulog kagabi sa sobrang kakaisip sa kanya. Bakit kaya sa tuwing nakikita ko siya ay naaalala ko si Alex. Ang layo naman ng itsura at ugali nila.bakit kaya? Hindi kaya may certain CONNECTION itong si Spinel kay Alex o kaya nagugustuhan ko na si Spinel?

“NO!!! HINDI ITO MAARI, HINDI NA AKO KAHIT KAILAN MAN MAGMAMAHAL!”

Dahil tinatamad akong pumasok at ayaw ko din Makita ang geek kong kaklase baka matuluyan pa akong mainlove doon, manonood nalang ako ng  Maid Sama sa television.

Buti pa tuloy itong anime na lalake  kahit secret ang identity ng babae sa school nila ay natutunan parin niya itong mahalin at take note binabantayan pa niya ito ng palihim.

Bigla tuloy ako  nakaramdam ng lungkot.

“hay buhay. Bakit kasi sa dinami dami ng pwede kong mahalin ay yun lalake pang hindi ko naman pwedeng makapiling.”

Nag sesenti nanaman ako kaya, itinigil ko na ang panonood ng television at pinaliguan ko nalang ang aso kong si Ming-min. matanda na si Ming-min dahil male narin siya binigay siya saakin ni Alex. Sa totoo niyan si Ming-min ang kauna-unahang naging alaga kong hayop at higit sa lahat napaka memorable ng araw na nakuha ko siya.

*FLASHBACK*

Napakaganda ng mga bituin at bilog nabilog si Luna ang buwan. Para bang pinakikisamahan ako ng panahon. Eto rin kasi ang unang beses na nag-alok saakin ng date si Alex. Nandito ako ngayon sa loob ng isang expensive na restaurant sa Albay. Ang ganda dito kitang-kita ko ang mga ilaw sa parke at mga bituin, pero bakit ako lang ang customer? Masyado ba akong maaga?

Nagulat nalang ako nang makarinig ako tugtog at kumakanta ng Passenger Seat ni  Stephen Speaks. Hinanap ko kung saan nangagaling ang tunog at gulat na gulat a ko nang makita ko si Alex na nag pi-piano at kumakanta.

 I look at her and have to smile

As we go driving for a while

Looking nowhere in the open window of my car

And as we go the traffic lights

Watch them glimmer in her eyes

In the darkness of the evening…

Sabi ko dati na hindi talaga kagandahan ang boses niya, pero ngayong araw na ito nagbago ang lahat, kinakain ko na ang lahat ng sinabi ko noon..HE IS REALLY PERFECT .Ang boses na niya ata ang pinaka magandang boses na narinig ko.

…And I've got all that I need

Right here in the passenger seat

Oh and I can't keep my eyes on the road

Knowing that she's inches from me…

Habang kumakanta siya , tiningnan niya ako at nag senyas na lumapit ng konte sa kanya. Kaya dahan dahan ako nag lakad papunta sa pinakamalapit na lamesa sa kanya. Hindi ko alam kung bakit parang ang liwaliwang ng niya sa paningin ko sa mantalang puros dilaw at pulang ilaw lang naman ang nandito.

(CWBC) COULD WE BE CONNECTED? completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon