COULD WE BE CONNECTED-chapter 17- ALEX (GHOST)

56 1 0
                                    

COULD WE BE CONNECTED-chapter 17-ALEX (GHOST)

(Spinel’s POV)

Gumising ako ng maaga ngayon para siguraduhing hindi ako mataakasan ni kuya Alex. Dumeretso ako kaagad sa kwarto niya. Nakita kong  nakatalukbong siya ng kumot. Kaya dahan dahan akong naglakad papunta sakanya. May evil plan akong naiisip para makaganti sakanya.nyahahaha.

Pagkarating ko sa kanya ay pinag sisipa ko siya, pero hindi parin siya bumabangon.

“HOY BAKULAW GISING!’

Sinisipa ko parin siya hangang ngayon.hindi parin gumagalaw,eh.

“BAKULAW GISING!MARAMI KA PA IPAPALIWANAG SAAKIN!UNGAS GISING!”

Hindi parin siya bumabangon kaya nagtaka na ako at inalis ang kumot niya.

“BAKULAW ASAN KAaaaa?!”

Naisahan nanaman ako ni kuya. Unan lang pala ang laman ng kumot.saan kaya yun pumunta?

(Sapphire’s POV)

“Hi,Sapphire here.. I’m back”

Nagulat ang mga kaklase ko nang makita nila ako sa eskwelan…. Dalawang buwan na kasi akong hindi nakakapasok dahil sa aksidente, dalawang buwan nang nakakalipas...

Maayos na ang pakiramdam ko ngayon, maayos na din ang mga pilay  ko at nakakalakad na ako ng maayos. Dalawang buwan na ang nakakalipas simula nang huli kong makita si Spinel. Simula  kasi nang magising ako at pinag tabuyan ko siya ay hindi na siya bumalik at nagpakita saaakin.

Siguro tama na din ng naging desisyon niyang paglayo, kahit na minsan ay iniisip ko kung asan na ba siya at kung ano ang mga nangyayari sakanya. Hindi naman siguro maalis saakin na paminsan minsan ay mag-alala sakanya, dahil naging parte din siya ng buhay ko.

“asan na kaya ang lalakeng yun! Humanda siya saakin kapag nakita ko siya..hindi ko talaga siya papansinin!”

Break time na, kaya lumabas muna ako sa classroom, habang ang iba kong mga kaklase ay nagpaiwan sa loob, busy kasi sila..malapit na din kasi ang finals namin at kung hindi niyo natatanong malapit na din ang summer.yehey makakagala ako nito, wala kasi si mama ngayong summer pupunta siyang manila.

“ale, pabili po ng isang double cheese burger.”

Sabi ko sa tindera

After 5 minutes ay naluto na ang buger ko , kinuha ko ito at nanghanap ng pera, sakto naman at may small bill ako sa wallet ko.

“bayad ko po.”

Sabi ko sa tindera habang inaabot ang bayad ko sakanya.

Nakalimutan ko nakaka-uhaw pala itong burger kaya nag order ako  ng bottled water.

“ale, isang mineral water po.”

Sabi ko sakanya habang binubuksan ang wallet ko.

Naku lagot wala akong barya.

“ale, meron po ba kayong panukli sa one thousand?”

“naku, wala pa,eh..”

Pano yan wala kong ibang barya, nauuhaw pa naman ako.

Tapos may biglang may nag-abot ng pambayad sa tindera.

‘eto po, bayad niya sa mineral water.”

Sabi nung lalake. Tiningnan ko siya para mag pasalamat.

Nanglake ang mata ko sa nakita ko….gusto kong pumatay ng tao ngayon!

“S-spinel? Anong ginagawa mo dito?”

(CWBC) COULD WE BE CONNECTED? completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon