COULD WE BE CONNECTED?_chapter 19_The Surprise
Sapphire’s POV
Kung akala niyo tapos na ang storya ko ay nagkakamali kayo…haaays..mahaba habang kwentohan pa ito. Paano ba naman itong Spinel na ito ay walang ibang ginawa kungdi asar-asarin ako buong araw. Bumabawi daw kasi siya saakin.
YAN BA ANG BUMABAWI???!
Simula nung naging magkabati kame ng kanyang kapatid at siya. Ay araw-araw na ata niya ako tinatawagan at kinukumusta. Araw araw pang may text saakin..araw-araw din ako nakaka receive ng chocolates sa may labas ng bahay namin..at higit sa lahat may mga “pang-asar pang love letters” siya na hinuhulog sa mail box namin,ah.
NAKAAKASAR! At nakakainLOOOOVVVE.. <3
Grabe ako na talaga ako na talaga ang may pinakamahabang straight hair sa balat ng lupa.
Ngayong araw na ito ay lalabas daw kami…hindi ko naman alam kung saang lupalok ng Bicol niya ako dadalhin.pero okay lang basta siya ang kasama ko.
Yaksss nahahawa na ako sa pagiging chessy niya,ah..nakakadiri naman,haha..pagpasensyahan niyo na inlove ang tao,eh
Malapit na akong sunduin ni Spinel, kaya ligo muna ako,ah.
after 15 minutes sa CR….
AHHHHH! Brown out!
Okay lang sana kung brown out kasi umaga naman,eh…kaso hindi ko pa naplaplantsa ang dress na isusuot ko! T_T
Ano ang gagawin ko..may 30 minutes na lang bago dumating si Spinel.
(light bulb) Aha!
May naisip ako.
Kinuha ko yung mailiit na shovel “yung kasing liit lang ng garden shovel”..naiimagine niyo ba?
Basta yun na yun…kinuha ko yun tapos sinindihan ko yung uling na natira sa likuran ng bahay…
Ininit ko doon yung shovel…gaya sa mga Korean nobela.
Aba, may silbi din pala ang panonood ko ng mga Korean nobelas..napanood ko kasi nung isang arw na gumagamit sila ng parang shovel na mailiit para gawing plantsa…ginaya ko lang..baka kasi effective.
“ayan maiinit na.” J
Dali dali ako umakyat ng bahay at pumunta sa kwarto dala ang maliit na shovel na ininit ko. Tapos yung ang ginamit ko para plantsahin ang damit ko.
KASO…anak nga naman ng kamalasan! Natanggal nga ang gusot ng damit ko umitim naman! Hindi ko kasi napansin na may nakalagay palang uling sa shovel…kung minamalas ka nga naman talaga,oh.
Time check: 15 minutes before Spinel’s arrival.
Naku wala na wala na talaga..sana magunaw na ang mundo!
(totoot totoot totoot) may nag text.
Message from: Spinel
Nasalabas na ako ng bahay niyo…dali na…ay, wag mo nga pala kalimutan na suotin yung damit na binili ko para saiyo,ah…no matter what, isuot mo yun…143..mwauah
“ano?no matter what? Kailangan ko isuot ang damit?” paano na ito? Kailanagan ko ba talaga isuot ito? At nasalabas na siya ng bahay.
AY BAHALA NA NGA SI BATMAN.
Sinuot ko ang damit na binili niya paras saakin, bahala na eto ang gusto niya,eh at saka wala naman akong ibang magandang damit bukod sa binili niya saakin,eh.
Pinagbukasan ko na ng pinto si Spinel at humarap ako sakanya ng napakaganda ng make up ko..pero napaka dungis naman ng suot ko.
“ano ang nangyari saiyo?” tanong saakin ni Spinel na halos manlaki ang mata sa gulat.
BINABASA MO ANG
(CWBC) COULD WE BE CONNECTED? completed
Teen FictionFILIPINO What if escaping your problem and not facing them, would be the best decision you had ever made? What if everyone is connected to your past, would you still face it or back off? This is a story of a girl who is trying to escape her past an...