CWBC -chapter 2.1_ELECTION DAY

139 4 3
                                    

COULD WE BE CONNECTED?-chapter 2.1_ELECTION DAY

Day two

ELECTION DAY

( Sapphire’s POV)

Grabe hindi parin ako maka get over sa nangyari saakin kahapon sa University.

parang ayaw ko parin pumasok sa classroom kasi feeling ko isang hakbang ko lang ay mahuhulog na ako sa paing ng mga kablockmates ko.

AYSUS! nababaliw na ako.

Paano ba naman sa lahat ng course na pwede kong pasukan ay dito pa ako napadpad.

At sa lahat lahat ng mga professor na pwede mag turo saakin ay yun pang wirdong si prof Neck tie at sa lahat lahat ba naman ng magiging itsura ng napaka talinong estudyante sa buong CS department ay si Spinel pa. natalo pa niya si Budoy sa kawirdohan ng outfit.

I think I made a wrong decision.

KRIIIIINNNNNG…

Hays ayan nanaman ang bell. Sa lahat ng ayaw ko marinig dito sa university na ito ay ang bell na yan.

Which signals the start of my freaky day…ano kaya ang magiging katapusan ng araw na ito?

KRIIIIIIIINNNNNG….

Second bell na, kailangan ko na talagang pumasok baka maunahan pa ako ni prof Neck tie.

Pagpasok na pagpasok ko sa room ay nakita kong may pinag kakaabalahan ang mga kablockmates ko para yatang may pinag-uusapan sila. Ano kaya? Bakit parang natahimik sila nung pumasok ako at halos lahat sila nag smile saakin.

Take note: evil and freaky smile.

/"OH NO! lahat ng santo sa buong mundo. Iligtas niyo ako sa kapahamakan. Please lang hindi ko alam kung ano ang binabalak ng mga ito.huhuhu"/ mahina kong sabi habang naka facepalm

After five minutes ay dumating din Prof Neck Tie.

outfit niya: longsleeves na kulay dilaw na naka buttons hanggang sa dulo ng leeg, itim at bitin ang pantalon, naka-gray na medyas at black shoes.

Teka bakit wala siyang neck tie ngayon? hahaha..kulang ang outfit niya.hahaha

“okay class take your seat.” Ang sabi ni prof Neck tie

Dali dali naman silang nagsi-upuan at nanahimik.

“Ngayon sisimulan na natin ang pag-elect ng bagong floor manager at board manager for the whole month”

“NOOO!!!!”

Sabay saby nilang sinabi yun habang tinitingnan nila ako.

 Ano ba sila bakit umaayaw na maging manager,eh experience naman yun.

“floor manager at board manager? Maganda naman yun, ah” pabulong na sabi ko sa sarili ko.

“ yan ang inaayawan na position dito sa klase, kaya every month kami kung mag palit ng mga managers."

Ang sabi ni Spinel habang hawak hawak ang eyeglasses niya. &-)

Ano  ba naman itong lalakeng ito ang talas ng pandinig at bigla bigla ba naman umepal sa usapan ng may usapan.

WAIT..usapan ng may-usapan? Don’t get me wrong may kausap talaga ako..yun sarili ko , sino pa nga ba?hahaha..may pagka psycho na ata ako. Wag kayong mag-alala wala naman talaga akong sayad. Ang boring lang talaga nitong katabi ko.HMP

(CWBC) COULD WE BE CONNECTED? completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon