COULD WE BE CONNECTED?-chapter 16-ICU AND THE BWISITA
(Spinel’s POV)
Pangatlong araw na ni Sapphire sa ICU .
Inilipat na siya sa isang ordinaryong kwarto. Bumubuti na rin ang lagay niya. Himala ngang masasabi dahil maliit lang ang fractures na tamo niya, kaya hindi rin magtatagal ay gagaling din ito. Hindi pa masabi ng mga doctor kung makakayanan niya agad mag lakad at kung hanngang kalian ang kailangan niyang theraphy.
Hanggang ngayon kasi hindi pa siya nagigising.
araw at gabi ay hindi ko siya iniwan sa kwarto , lagi akong nakabantay sa kanya. Hindi narin ako pumapasok ng eskwelahan para lang bantayan siya. Ang nanay naman niya sa gabi lang dumadating dito sa ospital kasi busy sa trabaho. Sina Emerald at Topaz naman ay tuwing hapon lang dumadalaw. Kaya ako nalang ang nag volunteer na maiwan dito sa ospital para bantayan si siya.
Masasabi ko na hindi ako nahihirapan na bantayan siya. Dahil, sa tuwing nakikita ko na mahimbing ang natutulog niya ay gumagaan ang pakiramdam ko. Sa tuwing nakikita ko ang napaka innocente niyang mukha ay napapangiti ako. Hindi ko napapansin ang takbo ng oras, dahil sa tuwing hahawakan ko ang mga kamay niya at hahalikan ay parang bumibilis ang oras.
“Sapphire, sana nararamdaman mo na nandito lang ako lagi para saiyo. Sorry baby loves. Kung hindi sana kita niyayang pumunta sa bahay hindin sana saiyo ito mangyayari.”
Naramdaman kong gumalaw ang daliri niya, dahil hawak hawak ko ito.
“baby loves, alam kong naririnig mo ako. Mahal na mahal kita walang katapusan.”
”ma-ma?”
Narinig ko na nagsalita si Sapphire.
Kung alam niyo lang kung gaano ako kasaya sa mga sandaling to. Gusto kong lumundag lundag a tuwa, dahil naring ko ulit ang boses ng babaeng mahal ko , kahit na hindi pangalan ko ang binanngit niya.
“baby loves, si Spinel ito…”
Sabi ko sa kanya .
Hinawakan ko ulit ang kamay niya at hahalikan ko sana kaso tinanggal niya ito.
“umalis ka dito.”
Narinig kong sabi niya. Hindi siya tumitingin sa akin pero nararamdaman ko ang galit sa tono ng boses niya.
“Sa-sapphire, si Spinel ito?” hindi mo na ba ako natatandaan? Ako ng boyfriend mo.”
Sabi ko sakanya. Nagbabasakali ako na hindi niya ako nakilala kaagad kaya niya ako pinapaalis.
“kilala kita. Ikaw ang anak ng pumatay sa tatay ko. Kaya umalis ka na.”
Hindi parin siya tumitingin saakin.
“nagkakamali ka nagpakakintindi sa mga nangyayari noon. hindi ang----“
Hindi na niya ako pinatapos sa pagsasalita.
“hindi ko kailangan ang paliwanag mo kaya umalis ka na. iwanan mo na ako dito, hindi kita kailangan!”
Sa mga oras na ito ay naakatingin na siya sa mga mata ko. Alam ko na hanggnag ngayon ay nasasaktan parin siya sa mga nangyari. Alam ko na hindi makaksbuti sa kanya ang magalit kaya lumabas nalang ako sa kwarto.
Habang sinasaraduhan ko ang pintuan ay nariring ko ang paghikbi niya. Gusto ko siyang damayan at pagaanin ang loob niya, kaso alam kong hindi ito ang tamang panahon para gawin iyon.
“kung kailangan mo ng masasandigan nandito lang ang balikat ko. Kung kailangan mo ng maiiyakan nandito may extra akong damit, kahit mapuno pa ito ng luha at sipon okay lang. kung kailangan mo ng tulong, may mga kamay ako, handang paglinkoran ka. Nandito lang ako baby loves, kahit hindi ako ang kailangan mo.”
BINABASA MO ANG
(CWBC) COULD WE BE CONNECTED? completed
Teen FictionFILIPINO What if escaping your problem and not facing them, would be the best decision you had ever made? What if everyone is connected to your past, would you still face it or back off? This is a story of a girl who is trying to escape her past an...