COULD WE BE CONNECTED?-chapter 14-KITCHEN

74 3 0
                                    

COULD WE BE CONNECTED?-chapter 14-KITCHEN

(Sapphire’s POV)

Para sa mga readers si Sapphire Lee na po ito. Dahil gising na ako ako naman ang mag kukwento sainyo. Di hamak na mas magaling ako magkwento kaysa kay Spinel. Siguro sinisiraan niya ako sainyo? Wag kayo maniniwala dun good girl kaya ako.

Simulan natin ang kwento sa isang recall. Kanina lang ay pumunta kami ni Spinel sa Angels’ center at doon nakilala namin si Sheila, may sakit siyang Dyspepsia. Pagkatapos ng community service ay dumeretso na kami sa grocery store para mamili ng mga gagamitin sa pagluluto. Dadating kasi ang tatay ni Spinel galing abroad. Tapos ….tapos na wala na akong maalala..nakatulog na ako,eh.hehe pasenya na.

6:00 PM na nang nagising ako ang lameg dito sa kwarto.

“ sandali, kalian pa nagkaroon ng aircon ang kwarto ko?” tanong ko sa sarili pagkagising ko.

Tiningnan ko ang hawak kong pillow at nang makita ko si hearty yung kaparehas ng ibinigay ko kay Spinel na unan ay nahimas masan ako.

“ ay nasa bahay lang pala ako.” Sabi ko sa sarili ko.

Dahil nakatalukbong ang unan sa mukha ko at balot na balot ako ng kumot ay hindi ko na pinansin ang lugar kung saan ako nakahiga.

“ YAWN…grabe may bagyo ata ang lameg talaga…hayyss..makatulog nga ulit.” Sabi ko habang ginagawang sandayan si hearty.

Mga sampong minuto na ang nakalilipas mula ng magising ako pero ,tinatamad parin ako bumangon hanggang sa may marinig akong boses ng lalake.

“baby loves, gising ka na ba? Kain na tayo.”

Narinig ko ang boses ni Spinel,ah. Bakit nandito siya sa bahay? Anong ginagawa niya dito? Hindi naman kaya-----?

Napabangon ako sa kama at gulat na gulat ako nang makita ko na wala ako sa bahay, nasa ibang kama at kwarto ako. Nag panic ako, hindi ko alam ang gagawin ko. Tiningnan ko ang paligid ko.

“baby loves…tulog ka pa ba? Kain na tayo.”

 Narinig ko nanaman ang boses ni Spinel nagiging malakas na ang boses niya ang ibig sabihin lang nun ay malapit na siya sa kwarto. Dali-dali akong pumunta sa gilid ng pinto at kinuha ko ang payong na nakita ko.

Binuksan niya ang pintuan.

“ahhhhhhhhhH!!!! Sinong may sabi saiyo na dalhin mo ako dito?”

Pinalo ko si Spinel ng sobrang lakas. Mga lamapas sa sampung beses ko ata siya napalo. Masakit din yun.hahaha.buti nga sakanya. Bleh.

“OUCH OUCH ARraay! Baby loves tama ba..awat na.”

Sabi ni Spinel habang nagmamakaawa na tigilan ko na siyang paluin.

“ouch ouch ka diyan? Manyakis!”

Sabi ko habang pinapalo ko pa siya ng payong.

(CWBC) COULD WE BE CONNECTED? completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon