COULD WE BE CONNECTED?-chapter 13-ANGELS' CENTER

124 3 0
                                    

COULD WE BE CONNECTED?-chapter 13-ANGELS’ CENTER

(Spinel’s POV)

“Hi I’m Spinel Cruz, on your service” sabi ko habang nakikipaglaro sa mga bata dito sa Albay Angels’ Center. Nandito kami ngayon ng mga kaklase ko para sa isang community service.

Ang Albay Angels center ay isang eskwelahan at clinic para sa mga batang may sakit na cancer at iba pang malulubhang sakit.

Eto ang napili namin na puntahan , dahil narin sa nerequest ko ito. Naaalala ko kasi si mommy sa kanila. Maliit pa kami ni Kuya Alex nang namatay si mommy dahil sa sakit na breast cancer. Marami ang mga bata dito sa center, bawat isa saamin ay may ka partner na bata.

Sheila ang pangalan ng kapartner ko. 10 years old pa lang siya ngayon pero nakikilaban na siya sa sakit na Progeria. Ang sakit na Progeria ay isang sakit na walang lunas o gamot. Ito ay isang kondisyon na kung saan ang isang bata ay mas mabilis na tumatanda ang itsura pati narin ang mga organs sa katawan niya. Sa buong mundo ay may na italang 45 na katao ang may sakit na Progeria isa na dito si Sheila. Ang isang taon sa edad ng isang pankaraniwang tao kay katumbas ng 9 o higit pang taon sa mga batang may sakit nito.

 Napansin kong masayahing bata si Sheila sa kabila ng lahat ng kanyang pinag dadaanan. Habang kami ay naglalaro ay may mga naitanong ako sa kanya na dahilan ng paghanga ko sakanya, dahil sa murang edad pa lamang ay namulat na siya sa katotohanang walang pernamente dito sa mundo.

Spinel: Kailan ka huling nag pa check-up sa doctor?

Sheila: matagal na po, nung isang taon pa po.

Spinel: hindi na ba nasundan ang check-up mo?

Sheila: hindi na po wala po kasi pera sina mama at papa pero po sabi ni mama meron daw pong mas mabisang gamot bukod doon.

Spinel: ano yun?

Sheila: prayers po.

Spinel:  ipag dadasal din kita. Pero, okay lang ba saiyo na may sakit ka, alam mo ba ang sakit mo?

Sheila: okay lang po saakin hindi ko po alam ang kung ano ang sakit ko, pero po sabi ni mama, pag 15 years old na po ako ay may makikita ko na po ulit sina lola at lolo.

Nung una ay hindi ko pa naiintindihan kung ano ang ibig sabihin ni Sheila, per mas naintindihan ko ito nang nagsimula na ulit siyang mag-salita.

Shiela: kapag isang araw may nakita akong napakaliwanag na lugar at may lalakeng maliwanag ako nakita at sinasabayan ako sa paglalakad wag daw po ako matakot, kasi ihahatid niya po ako  kung asan sina lola at lolo ko.

Spinel: lola at lolo mo, asan ba sila?

 

Sheila: hindi ko po alam kung saan sila pumunta, pero huling kita ko po sakanila, eh yung nakahiga sila at natutulog sa isang kahon. Tapos sabi ni mama sa heaven daw sila pumunta. Siguro doon din ako dadalhin nang lalakeng sinasabi ni mama.

(CWBC) COULD WE BE CONNECTED? completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon