COULD WE BE CONNECTED?-chapter 9_ Find me a boyfriend
(Sapphire’s POV)
Dumaan ang mga araw na hindi kami nag-kikibuan ni Spinel, kahit magkaklase kami hindi pa rin ako magkaroon ng panahon na makausap siya o makasama man lang ng isang Segundo. Iniiwasan kaya niya ako? Wala naman siguro siya dapat iwasan dahil simula nang naging sila ni Pearl ay sabay kong kinalimutan ang nakaraan naming dalawa. Kahit masakit ay pinilit ko itong kinalimutan . sa totoo niyan naghahanap na nga ako ng boyfriend. Tinutulungan din ako ni nina bestie at ng kanyang boyfriend sa paghahanap ng jowa.
Maraming ginamit na mga strategies ang dalawa para lang mahanapan ako ng jowa. Halos oras oras kung mag post sila sa twitter at facebook ng mga updates tungkol sa mga qualifications ng guy na pwede kong maging jowa. Sila pa talaga ng desperado ma hamapan ako ng boyfriend.
Para daw kasi ako namatayan sa kakaisip ko kay Spinel. Gusto ko na talaga makalimutan siya, his not a good investment.
Marami narin ang nagka-interest na makipagblind date saakin, pero syempre hindi nila alam na ako yun kablind date nila.kaya ng blind date, eh. Walang thrill kapag nalaman nila kung sino ako. Surprise nalang.
Nung una ay naiilang pa ako na sa mga pinag-gagawa nina bestie, pero nakasanayan ko narin na makipag blind date, siguro eto lang ang paraan para mahanap ko talaga ang taong para saakin.
Blind date-day 1
Mukhang galante at may pinag-aralan ang guy, pero okay naman kaya siya? Hmmm...let’s see.
Boy: hi miss, ano pangalan mo?
ako: ano sa tingin mo?
Boy: sa tingin ko, okay ka naman ,eh.
Ako: may mapapala ba ako saiyo?
Boy: oo naman.
Ako: ano yun?
Boy: laman at sabaw ko.
Ako: bastos! ( sabay walk out)
Blind date-day 2
Masyadong makata , nakakanose bleed…siguro papasa naman eto sa taste ko.
Boy: is your name summer?
Ako: huh?hindi,ah.
Boy: cause you’re hot.
Ako: Sapphire ang pangalan ko, noh
Boy: oh Sapphire? But, why is the color of your eyes brown? I think God took a brown topaz gem and made your eyes out of it.
Ako: (nosebleed) really? Thank you.
Boy: hmmm. (lumapit sa mukha ko)Either those are your eyes, or you managed to make a contact lens made out of gem stones.
Ako: (itunulak ko siya palayo) Hmmm, I am not sure that I want to do this anymore.
Boy: why, are you not enjoying my company?
Ako: (ang hirap mag-isip , engleshero pa kasi ito,eh,hmp)cause, You’re an investment with no return.”
Boy: wait!
Nagwalk out ulit ako. Infairness ang galing ko sa mag-isip ng break-up lines.hahaha
BINABASA MO ANG
(CWBC) COULD WE BE CONNECTED? completed
Novela JuvenilFILIPINO What if escaping your problem and not facing them, would be the best decision you had ever made? What if everyone is connected to your past, would you still face it or back off? This is a story of a girl who is trying to escape her past an...