COULD WE BE CONNECTED?-chapter 18- REASONS reasons REASONS

84 2 0
                                    

COULD WE BE CONNECTED-chapter 18-  REASONS reasons REASONS

(Sapphire’s POV)

Hindi ko parin maintindihan ang mga nangyayari. Kahit sino naman siguro maguguluhan sa mga nangyayari saakin.

Una ang kaklase ko na si Alex Cruz na crush ng buong kababihan na inakala kong naging boyfriend ko ay hindi naman pala  siya ,kasi si Spinel Cruz nakakambal niya ay nagpanggap na Alex sa harapan ko, na naging boyfriend ko at naging girlfriend si Pearl Sanchez na naging girlfriend ni Spinel na bago ko naging boyfriend siya nang totoohan at naging ex girlfriend ng kakambal niyang si Alex na inakala kong matagal na patay at ngayon ay nagpakita saakin na buhay nabuhay…gets?

Hindi ko rin ma gets,eh..ang gulo kaya!hay buhay parang life.

Sino naman ang hindi maloloka at maprapraning sa sitwasyon ko ngayon. Ano pa kayang nakakabulabog na koneksyon ng bawat isa sa mga taong nakilala ko at naging parte ng buhay ko ang hindi ko pa nalalaman…nakakapraning na talaga.

*Ding dong ding dong ding dong..*

May bisita ako. Sino naman kaya yun? Binuksan ko ang pintuan kaagad. Nakita kong yung dalawang kambal ay nag-aaway sa labas. Tsk. Ibang klase, sila na nga ang bisita sila pa ang may ganang mag-away sa harapan ko. Mga bwisita talaga..amph

“arrraay ko!” sigaw ni ni Spinel, dahil hawak hawak ni Alex ang tengga niya habang pinipilit na pumasok ng bahay.

“aray ka diyan.. kanina pa kita pinipilit na pumunta dito..gusto mo pa daanin sa dahas ang lahat ng bagay.” Sabi ni Alex habang hawak hawak padin ang tenga ni Spinel.

“ano ba—aaaraay! Bitiwan mo na nga kasi ako..papasok na ako, okay?” pag mamakaawang sabi ni Spinel

“papaya ka din pala , pinahirapan mo pa ako.hmp.” sabi ni Alex at sabay bitaw sa tenga ni Spinel.

“ako kaya ang pinahihirapan mo! Biruin mo kinaladkad mo ako pamunta dito na hawak hawak ang tennga ko!” sabi ni Spinel na naghahamon na ata ng sabunutan.

Hindi ata nila ako nakikita, kanina pa sila nag-aaway sa harapan ko,eh.

“hoy kayong dalawang kambal! Kung mag-aaway lang naman kayo sa harapan ng bahay namin,eh mabuti pang umalis na kayo.” Pag tataray ko sa kanilang dalawa. Bigla silang napatigil sa pag-aaway at tumingin saaakin.

“he-hello. Kanina ka pa nandyan?”

Sabay nilang sinabi habang sabay na napakamot sa ulo.

“obvious ba? Bakit kayo nandito?” pagtataray ko sakanila.

“eh, eto kasing gunggong na ito pinilit akong pinapunta dito..” sabi ni Spinel na parang naghahamon nanaman ng sabunutan.

“shut your mouth!” bintukan ni  Alex si Spinel at napahawak naman siya sa batok, masakit ata,eh..hahaha..buti nga.

“nandito kame,..i mean, ako para ipaliwanag sainyong dalawa ang mga nangyari.”

Pag-papaliwanag ni Alex saaming dalawa.

“yun lang ang sasabihin mo? Matapos mo akong kaladkarin papunta dito tapos yun lang ang sasabihin mo? Bro, pwede mo naman akong sabihan,ah?

Pagrereklamo ni Spinel sa kuya Alex niya.

“tanga ka pala,eh..kung hindi kita hinila papunta dito, hanggang ngayon naglalaway ka padin sa kama mo.” Sabi ni Alex

“shut up bro, wag mo akong pinapahiya.” namula si Spinel sa kahihiyan.

Mukhang nakalimutan nanaman nilang dalawa na nandito ako.hmp. makasingit nga sa usapan nila.

“ehem..gusto niyo mag-agahan?”

(CWBC) COULD WE BE CONNECTED? completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon