Page 7

475 22 1
                                    

Chapter 3
(Elysse POV)

"Bourbon Chicken, Creamy Burrito Casserole, Oven-Roasted Greek Potatoes, and Parsley Salad! No rice, no drinks! Tubig lang!"

"Ang dami naman ng in-order mo. Hindi natin yan kayang ubusin!"

"Sino ba ang may sabi sayo na tayong dalawa ang uubos nito? Yung multo bang nagparinig sayo sa loob ng elevator? Ako ang lalamon ng lahat ng mga ito!"

"Basta hindi na ako sasakay pa sa elevator dito! May sa maligno ang eskwelahan na ito!" Hindi ko na sinagot pa ang unang katanungan ni Blaire kasi mapapahiya lang ako kapag ginawa ko. "Ayoko na dito!"

"You know what, I believe you!"

"Totoo? Naniniwala ka talaga sa akin? Paano?" Hindi ako makapaniwalang hindi iniisip ni Blaire na nag iimbeto lang ako ng kuwento!

Huminto siya sa paglalakad at sumeryoso ang mukha niya. "Yesterday, napasilip ako sa loob ng school theater and I thought I saw Van on stage. Kumurap lang ako ng isang beses, wala na siya."

Hinila ko ang kamay ni Blaire at saka umupo sa pwesto namin. "What if mag imbestiga tayong dalawa? At kapag nalaman na natin at nakakuha tayo ng isang matibay na ebidensiya tungkol sa bagay bagay na nangyayari rito, ibubunyag natin sa social medias ang baho na tinatago ng paaralang ito!"

"You mean know the dark secrets of this sch — "

"Exactly."

"Paano mo naman ma po-post sa social media ang ebidensiya, eh diba nga wala ka ng social media! Haha!"

"E di ikaw ang magpost! Mas mapapadali ang pagkalat ng video kapag ikaw ang nag upload kasi famous ka!"

Blaire gave me a stare na parang nagugustuhan niya ang plano ko. "I love this."

"Game."

"Gerry Rolon got twenty nine over thirty!" Sabi ni professor Hudson at nag-palakpakan ang mga kaklase ko.

"Bridget McCall. Thirty!" Mas lumakas ang palakpakan ng mga studyante.

"Fely Buena also got a perfect score!"

"Blaire Chandler Medina and Elysse Afable. Both got three over thirty." Ang palakpak na naririnig ko ay naging halakhak! Bakit ba kasi kailangan pang mag-announce ng scores, trip ba nitong magpahiya ni professor.

Napatingin si Blaire sa akin at napahawak ng mahigpit sa kamay ko. Over all kami lang ang bumagsak sa quiz.

"God, why must I be such an air-headed dweeb!" Ani Blaire.

Professor Hudson droned on for hours lecturing about our country's history. I stole a glance at the clock without turning my head, only my eyes. Would this class ever end? Maybe not.

"―to the library?" Napahawak ito sa kanyang eyeglasses.

Tumango kami ni Blaire. Anything would be better kaysa sa makinig sa kanyang discussion na nakaka-antok!

"All right, the two of you may go to the library. Just make sure you came there to study, not to chitchat. Everyone else, let me explain to you about the Spanish Control." This is what I love about college! Maaari kang mag skip class kung nanaisin mo! Hindi ka papapagalitan, hindi ka isusumbong, hindi ka papansinin, mema lang!

We stepped into the library to get some interesting reading material. As expected the room is big, with high ceilings and huge windows. Shelves loaded with books fill every inch of the place. "Ang daming students na nag skip class ngayon ah! Mauubos na ang notebook ko sa kakasulat ng mga pangalan ninyo!" Sigaw ng librarian.

Dumirecho si Blaire sa romance section. Ako naman ay pumasok dito sa sci-fi para maghanap ng libro tungkol sa planet Moon! "Glimpses of the Moon?"

Kukunin ko na sana yung libro ngunit biglang may umagaw nito. Nagulat ako dahil isa siya sa mga miyembro ng tres marias angas! Tinignan niya ako ng patalim.

Tumalikod nako upang hindi niya ako makilala ngunit — "Elysse Afable." Kilala niya na pala ako!

Nilingon ko siya at hindi ko ma-explain kung paano siya tumingin sa akin. At bigla akong napaisip kung bakit niya ako kilala. "Excuse me, are you stalking me?"

Napabuhakhak siya at napatabon sa bibig niyang kasing laki ng alarm clock kong angry bird. "Me? Stalking you? You wish!"

"Anong alam mo sa mga wishlist ko aber?"

She just stared at me with the seriousness on her face. Itinaas niya yung book na gusto ko sanang kunin kanina. "Sorry, nauna ako!"

"Okay lang."

Tatalikuran ko na sana siya ngunit nagsalita siya ulit. "Why would you read this kind of book? Are you somehow interested — "

"Ano bang pake mo?"

"Well," Napakibit' balikat siya. "It doesn't suit you."

"Nakausap mo si Keira Mizuno!" Napangiwi ako saka ko tinakpan ang palasigaw na bibig ni Blaire.

"Hindi lang nakausap! Nakaaway pa!"

"Elysse," Ipinatong niya ang kanang kamay niya sa balikat ko. "Bilib na talaga ako sayo! Itaas ang bandera para sa aking bestie!" Tinakpan ko ulit ang bibig niya upang siyay tumahimik na.

Habang nagbabasa ako ng libro, hindi ko maiwasang isipin ang nangyari kanina. Naaalala ko pa rin kung gaano niya ako kinausap kanina. "Pero alam mo, kanina habang nagsasalita siya hindi ko talaga maiwasang tumingin sa ibang direksyon! Sobrang nahahanga ako sa kanya, sobrang nagagandahan talaga ako sa kanya! Ang talino niyang magsalita? Siya na yung girl crush ko actually!"

Ibinaba ni Blaire ang kanyang libro saka lumingon sa akin. "Alam mo sa tanang buhay ko, ngayon ko lang ito sasabihin sa'yo," Hindi usual na makita ko siyang seryoso ang mukha. Pagkatapos ay niyakap niya ako ng mahigpit. "Na mahal na mahal kita, kahit aminin mo mang tomboy ka —"

"Hindi!" Tinulak ko siya palayo sa akin.

" — tatanggapin pa rin kita with all my heart! That's what bffs are for, diba?"

"Huy hindi! Eh kasi ang cool niya lang talagang magsalita! Ang ganda niya pa!" Sabay turo sa mukha ko, "At ang angas ng dating ng aura niya! Alam mo yun, parang wala siyang kinatatakutan, ganun!"

"So ano ba talaga ito Elysse. Its either you hate her or you love her!"

"Wala akong sagot! I just — you know," napakibi't balikat ako at napa-I-don't-know-pose. "don't care!"

Ilang minuto na kami ni Blaire paikot-ikot dito sa sci-fi section dahil naghahanap ng mga librong maaaring may kuwento tungkol sa Moon. Ngunit wala talaga!

"Ano na ang gagawin mo ngayon?" Tanong niya.

"Hindi ko talaga alam! Itigil na kaya natin ito, nagmumukha lang tayong baliw sa kapapaniwala na may connection nga ako sa buwan, kahit wala naman talaga — "

"Alam ko na! What if isa kang alien at malapit ka na nilang kunin! Mars needs a mommy bay-beh!"

"Gaga! Akala ko ba moon 'tong pinag-uusapan natin paano ka naabot sa mars!"

"E di nag spaceship!"

"Itigil na natin ito! Baka guni-guni ko lang ang mga yun! Ilaan na lang natin ang ating atensiyon sa pag i-investigate dito."

Ibinalik ni Blaire ang kanyang hawak na libro sa estanto. "Sigurado ka?"

Naalala ko muli yung prinsesa at prinsipeng palagi kong napapanaginipan. Kahit alam kong hindi normal na paulit ulit ko silang napapanaginipan, hindi ko na lang papansinin. Hindi naman siguro ako maaapektuhan doon. "Sigurado ako."

#CBTSFateToMeet

Chosen by the Stars [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon