Page 16

348 19 1
                                    

"Left!"

     Andito parin kami sa napakalumang mansion at alam niyo kung ano ang ginagawa namin dito? "Right!" Takbo dito takbo doon ang trip naming gawin ngayon! Tingin kasi ni Devi na pag magti-teleport pa kami malamang maaabutan na kami ng Lupús na iyon. Hindi raw kasi ganoon kadaling mag teleport lalong lalo na at mga baguhan pa lang sila. Hindi pa talaga sila kabisado sa mga kapangyarihan nila.

     Sinabi na rin nila sa amin ni Blaire kung ano talaga sila, na hindi rin sila mga ordinaryong tao kagaya ko. Ang tawag sa kanila ay mga Fatas. Isa rin akong Fata! Kauri ko sila.

     "Kaliwa pa!" Ang hayop sa laki pala ng mansion na ito! Maraming pasikot sikot! Natatakot ako dahil baka pagliko namin agad naming matagpuan ang sinabing halimaw. Ano kaya ang hitsura ng halimaw in real life?

      Mahirap paniwalaan kung paano ako naging isang Fata.  Totoong anak naman ako ng mga magulang ko. Hindi naman ako ampon! Ibig bang sabihin nito, mga Fata rin sila?

Nakabuntot ako kay Keira ngayon, kami na lang kasi ang magkasamang tumatakbo. Sinunod kasi namin ang utos ni Devi na maghiwa-hiwalay kami upang malito ang Lupús na humahabol sa amin. Kasama niya si Blaire ngayon. Mag-isa naman si Sophia ngayon kasi hindi naman daw siya natatakot sa halimaw na 'yun.

"Bumaba tayo!" Sinunod ko ulit ang utos ni Keira kasi malaki ang tiwala ko sa kanya. Habang tumatakbo, inisip ko na agad ang mangyayari kapag hindi ako nakalabas ng buhay sa mansiong ito. Siyempre, malulungkot ang mga magulang ko sa bigla-biglang paglaho ko. Sisisihin nila si Devi kaya ipapakulong nila ito.  Ang dami ko pang kailangang maranasan sa mundong ito. Nanglilimos pa nga ako sa mga magulang ko eh! At saka hindi ko pa naaamin kay Tristan na mahal na mahal ko siya! Mahal? Mahal ang kabaong ngayon! Na maari kong maging higaan kung sakaling ma-dedo ako!

Habang kumakaripas kami ng takbo sa hallway, isang higanteng nilalang ang biglang sumalubong sa amin! Muntik na akong mahimatay sa nakita ko dahil talagang nakakatakot naman talaga itong titigan. In my whole life ngayon pa talaga ako nakakita ng isang halimaw!

     "AAAHHH!!!" Nagulat ako sa nakita ko. Hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko na talaga ang tinatawag nilang Lupús! Gusto kong mahimatay pero wag na lang! Totoo nga ang sinabi nila na nakakatakot talaga ang hitsura nito.

     "Shit." Ang tanging nasabi ni Keira nang makita ang halimaw. Halatang natatakot din siya pero pinipigilan niya lang ito. Napatingin siya sa akin nang nakakunot ang noo, "Kahit tumakbo man tayo ngayon, mahahabol at mahahabol parin tayo nito."

     Agad akong nawalan ng pag-asa nang marinig ko ang sinabi niya, hahayaan niya na lang na mamatay kami as in ngayon na? "A — anong gagawin natin keira!!!" Mangiyak ngiyak na ako sa takot.

     "Isa na lang ang paraan."

     Medyo na lunasan ang pagkataranta ko. At least may isang paraan pa siyang naiisip! Idol ko na talaga itong si partner ko! "Ano?"

     Kinuha ni Kira ang kanyang kulay silver na belt mula sa kanyang red plaid skirt. Napamangha ako sa nangyari sa kanyang sinturon. The belt turned into a sword! "Ang lumaban!" Tama ba itong nakikita ko?

     Tumakbo patungo sa aming direksyon ang Lupús. Pumikit naman si Kira at hindi umimik. "Keira!!!" Wala akong ideya kung ano ang ginagawa niya! Gusto ko pang mabuhay kaya wala akong ibang nagawa kung hindi maglakad ng dahan dahan paatras kasi kung makakain man ng halimaw si Keira, madi-destruct ang Lupús at makakatakas pa ako. Maliban na lang kung lamunin agad ng buo si Keira!

     "Keira! Ano ang ginagawa mo? Palapit na siya!" Naiiyak kong sigaw, naglalakad parin paatras. Malapit na malapit nang maabutan ng halimaw si Keira kaya wala akong ibang ginawa kung hindi sumigaw ng napakalakas. "KEIRA!!!"

Chosen by the Stars [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon