Page 13

306 19 1
                                    

"Devi?" Tumayo si Blaire at ganoon na din ako.

Mabilis namang tumakbo si mama malapit sa gate, basang basa na ito. "Bakit ka sumisigaw iha? May aso bang humahabol sayo?" She started opening the gate pero dahil sa pagmamadali niya, nahulog tuloy ang mga susi sa sahig.

At ikinagalit naman ito ni Devi. "Ano ba? Ang bagal mo naman!"

Nagsuntukan bigla ang mga kilay ni mama sa sinabi ni Devi. "Pwede bang tumahimik ka?! Sino ka ba upang utusan akong buksan ang gate ng mismong pamamahay ko! Lumayo ka rito! Che!"

Mukhang nagsisi naman si Devi sa ginawa niyang pagsigaw kanina. "Sorry po sa nasabi ko. Emergency lang po talaga ito! Kaya po bilisan niyo, please."

Emergency? Nagtinginan kami ni Blaire, nalilito. Si mama naman lumingon sa amin ng nakapamewang, basang basa na ito sa ulan. "Kilala niyo ang babaeng ito?"

"Nope!" si Blaire.

"Oo," Ako.

Sabay namin itong sinabi saka nalito si mama. "Ano ba talaga?"

"Kilala namin siya ngunit hindi naman kami magkaibigan niyan! Kaya hayaan mo siya diyan sa labas!" Muntik na nga nila kaming ipagahasa! Bakit ko siya ipapapasok sa pamamahay ko?

"Oy hindi naman pala kayo magkaibigan ng anak ko iha! Kailangan mo talaga ng tulong ngayon?" tanong ni mama.

"Opo super." Pagmamakaawa naman nito.

Binuksan na ni mama ang gate, at kahit labag man ito sa kalooban ko hindi na lang ako umimik. Nagmadali siyang pumasok sa pamamahay namin saka tumakbo patungo sa direksiyon ko. Hinihingak siya ng sobra pero ang bilis pa rin niyang nakahawak sa balikat ko.

"Afable, you have to follow me! This is an emergency!" Hinila niya ang kamay ko ngunit pinigilan ko ito. "Do you wanna live?!"

Naguguluhan na ako sa mga kinikilos niya! Alam kong may mali dito eh! "Anong emergency ang pinagsasabi mo? Pinlano niyo naman ito ni Sophia!"

"This isn't like that!" Bumitiw na siya sa kamay ko saka napakamot sa buhok. "Ganito na lang! Importante ba sa'yo ang buhay mo at ang buhay ng mama at papa mo?"

"Oo naman." Mabilis kong sagot.

"Then what are you waiting for? Come on!" Hahawakan niya na sana ulit ang kamay ko but I restrained.

Hindi ko siya maintindihan ngunit may kutob akong dapat ko siyang sundin ngayon. "I explain mo muna kung bakit dapat akong sumama sa iyo!"

May isang malakas na kidlat ang biglang tumama sa malayo at nabalin ang aming atensiyon doon. "It's coming." Narinig kong bulong ni Devi sa sarili niya.

Hinila niya ako at pilit ko pa rin siyang pinipigilan. "A–aray! Tama na―Ano ba!" Lumingon ako kay Blaire, na ngayon malamang ay nalilito na rin! "Blaire tulungan mo ako!" Ang lakas ni Devi hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko!

"Hoy ano yang ginagawa mo sa anak ko!" Ngayon pa talaga natapos si mama sa pag-lock ng gate. "Jusko maryosep kidnapper ka noh?" Nagpapanic na si mama sa nakikita niya.

"Ma tulungan mo ako!" Lumingon naman ako ulit kay Blaire. "Blaire huwag kang tumanganga diyan! Tulungan ninyo ako!"

"Sabi kong sumama ka sa akin!" Pagmamatigas ni Devi habang hinihila ako, ngayon ay nababasa na rin ako sa ulan.

Tumakbo sina mama at Blaire patungo sa amin at saka tinulungan nila ako. Nabitawan ako ni Devi at bahagyang nadapa siya sa sahig. "Ikaw! Pwede kitang idemanda sa ginagawa mo sa anak ko! Lumayas ka!" Galit na galit si mama.

Bumukas bigla ang pintuan at saka lumabas si papa. "Ano ang nangyayari dito? Ikaw sino ka at bakit ka nanggugulo dito?!"

"Tito, kinikidnap niya si Elysse!" bulyaw ni Blaire.

"ANO?!" si papa.

Tumayo si Devi at saka sumigaw na rin. "Hindi totoo yan! I am trying to save you all from danger tapos ganito pa ang igaganti niyo sa akin?!"

"Ano ba kasi ang pinagsasabi mo iha? Ipaliwanag mo nga nang maliwanagan naman kami." Medyo kalmado na si mama sa pagsasalita.

"Nanganganib ang mga buhay ninyo! Kailangan ko munang ilayo si Elysse dito upang maligtas kayong lahat. Please trust me on this!"

Hindi kami umimik. Hindi namin siya maintindihan! Nagtinginan lang kaming lahat.

"UGH!" Sa pagsigaw niya sabay nabasag ang tasa ng kape ko. Ano yung nakita ko? Magic ba yun?

Nagtinginan ulit kami ni Blaire. Samantalang sina mama at papa ay walang ideya sa nangyari. "Naku! Anong nangyari at biglang nabasag ang tasa!" Lumapit siya dito.

Medyo nakukutuban na ako sa mga kinikilos ni Devi. At sa tasang bigla na lang nabasag noong sumigaw siya. Upang matapos na ang gulo, gumawa na ako ng decision. Batid kong nagsasabi si Devi ng totoo. "Sige! Sasama na ako upang matapos na rin ang gulo!"

"Ilalayo kita mula sa lugar na ito." ani niya.

"Teka―teka muna! Hindi mo ba talaga ki-kidnapin itong anak ko?" si Mama.

"I'm saving her." si Devi.

"Siguraduhin mo lang na ililigtas mo siya kasi kung hindi, yari ka sa akin." Matapang na sinabi ni papa. "Siya lang ang nag-iisa naming anak! Alagaan mo yan!"

Paalis na sana kami ngunit napahinto ulit nang magsalita si Blaire. "Sasama ako upang ma-siguradong wala ka talagang gagawing masama sa best friend ko."

Tumingin si Devi sa akin at saka ngumiti. "Sige."

End of Chapter 5
#CBTSSavingElysse

Chosen by the Stars [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon