Page 36

321 15 7
                                    

Chapter 14
(Blaire POV)

I had to go back home to prepare my stuffs for the trip. My room was such a mess! My clothes were all over the place. I didn't have time to clean my room. In fact, I don't even sleep here! Magkatabi kasi ang mga room namin ni mom kaya ayokong matulog dito. Sa guest room lang ako palaging nagtatambay kasi malayo sa kanya at nasa rooftop pa.

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko habang nag-aayos ako ng mga gamit. "Where are you going?"

"Somewhere basta malayo sayo." Walang gana kong sabi at hinawi na rin ang kurtina para dumilim at hindi niya ako makita ng maigi.

"Don't tell me kasama mo na naman si Elysse?" Mapagbantang tanong nito habang patalim akong tinititigan.

"Huwag kang mag-alala mommy. Si Tristan ulit 'tong kasama ko sa lakad. And bakit ba binabalik mo lagi si Elysse sa usapan? Matagal na kaming hindi nagkikita o nag-uusap ng babaeng yun!" Lingid sa kaalaman niya ang araw-araw naming pagkikita.

Noon kasi, binalak niyang ipapatay si Elysse sa mga tauhan niya kaya bilang kapalit sa pag-urong ng plano nito, sinabihan ko siyang lalayuan ko na ang bestfriend ko.

But of course, I told a lie.

Hindi ko pa rin kayang tiisin si Elysse kahit isang linggo ko siyang iniwasan noon. Sister na rin ang turing ko sa kanya, it may not be by blood but by heart.

"What time will you be back home?"

"I won't be going back home—" Pananakot ko sa kanya. "—tonight. Kasi overnight ang kinuha ni Tristan para sa amin."

"You mean to say magsasama kayong dalawa buong gabi—"

"Dalawang kwarto ang kinuha ni Tristan! Please mum, get out of my sight! Hindi ako makakaprepare ng maayos sayo eh!"

     "Sure. Sinunod mo naman ang utos kong layuan na si Elysse, di ba? Susundin ko rin ang gusto mo." And she gently closed the door.

(Elysse POV)

"ELYYSSSEEE!!!"

Nagsiliparan ang mga uwak na naglulungga sa kisame. Napalinga ako sa paligid matapos magising sa mala-sigaw na boses ni mama. Harujusko! Ang aga-aga pa bakit sumisigaw na siya?

Nagulat ako sa biglang pagbukas ng pintuan ng kwarto na parang sinipa ng isang petrang kabayo. "Mama naman! Ano ba ang nangyayari sayo?"

"May—may ano—" Hindi niya ma-diretso ang gusto niyang sabihin. "Yung si— si ano! Ti–ti—" Anong titi ang pinagsasabi niya?

"Ma, huminahon ka!" Bumangon ako sa kama at hinaplos ang mga likuran niya. "Wag kang ma-utal. Relax! Ang aga-aga eh!"

"Yung tisoy na inimbeta ni Blaire sa debut mo, andito at hinahanap ka!"

Napaisip ako sa sinabi ni mama. Marami na mang mga guwapo ang inimbeta ni Blaire sa debut ko! Sino ang ibig niyang sabihin?

  "Sino?"

"Basta yung grabe ka-gwapong binata na umattend sa debut mo! Ano nga ba ang ngalan nun, nakalimutan ko eh!" Hinihingak pa rin ito.

Chosen by the Stars [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon