Page 24

280 17 0
                                    

Nandito ako sa aking kwarto ngayon, nagmumukmok at umiiyak dahil hindi pa rin ako maka-get over sa mga nangyayari sa aking buhay lately! Kinuha ko ang picture naming dalawa ni papa mula sa bedside table ko at inakap ko ito ng napakahigpit at pinatuloy lang ang pag-iyak. "Miss na miss na kita pa!" Nag-flashback ulit ang mga happy memories namin ni papa. Naaalala kong siya lang ang laging nagpapatawa sa amin ni mama kasi siya lang naman sa aming tatlo ang hindi seryoso. Ngayong wala na siya, hindi ko na talaga siya masisilayan, mayayakap pati makakausap. It breaks my heart so much.

     May kumatok ng dalawang beses sa pintuan. Pinunasan ko ang mga luha ko, "Pasok!" At agad binalik ang litrato namin ni papa sa lamesa at tinabunan ko ang mukha ko ng kumot.

     "Anak, ayos ka lang ba?" tanong ni mama.

     Nahirapan talaga akong sumagot ng oo kaya nilunok ko na muna ito. Ang sakit pala sa dibdib kapag hindi mo sinasabi ang tunay na nararamdaman mo lalong lalo na sa sarili mong mama. "Oo ma, ayos lang ako! Inaantok na rin ako ma eh!"

     I heard the door closed. Tumulo ulit ang luha ko. Inalis ko ang kumot sa mukha ko at nagulat ako ng bigla kong nakita si mama sa loob ng kwarto ko, nakatingin sa akin at umiiyak ito. Nakita niya akong umiiyak kaya agad siyang lumapit sa akin, "Anak!" saka niyakap ako ng mahigpit.

     Dahil sobrang naging emosyonal ako, naamin ko na rin sa kanya ang tunay na nararamdaman ko. Na hindi pa talaga ako okay, at ang hina hina ko! Niyakap ko siya ng sobrang higpit. "Sorry ma!" Sobra din ang patak ng luha ko, "Sorry dahil sinabi ko sa iyong okay na ako ngunit ang totoo ang sakit sakit pa rin sa dibdib, ma! Hindi ko pa rin matanggap na wala na si papa!"

     Hinaplos ni mama ang likuran ko. "Ako rin anak, parang sasabog natong dibdib ko sa sobrang sakit pero pilit ko itong nilalabanan." Tumingin siya sa akin saka hinawakan ang mukha ko, "Alam mo kung bakit? Dahil may anak pa naman ako eh! May saysay pa 'tong buhay ko! At lalaban ako para sayo, Elysse. Pangako!" Panay ang pagpatak ng mga luha ni mama.

     "I love you ma!" Humagulgol ang boses ko.

     "I love you too, Elysse!"

     Iniwan na ako ni mama sa kwarto at medyo gumaan na ang loob ko. Pakiramdam ko para akong nabunutan ng tinik sa dibdib nang maamin ko ang totoo sa aking mama.

#CBTSHappyPill

Chosen by the Stars [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon