Page 15

341 18 0
                                    

Andito na kami sa loob ng lumang mansion. As expected, madilim, madumi at maraming agiw ang ceiling. Parang salas tong dinadaanan namin, bawat sofa ay may mga butas. Maraming ipis at gagamba rito kaya nakahawak pa rin si Blaire sa akin at ako naman kay Devi na. Lumilingon-lingon ako sa paligid kasi baka may biglang sumaksak sa amin.

Tumingin si Blaire sa akin at nagbitiw ng isang ngiti. "Nakakatakot naman 'tong lumang bahay na pinasukan natin. Bakit kaya dito tayo dinala — wala bang hotel? Ang cheap naman!"

Sa lakas ng boses ni Blaire, narinig ito ni Devi. "Dito tayo magtatago."

Magtatago? Hindi naman ako gumawa ng krimen ah! Habang naglalakad kami, isang mataas at carpeted na hagdan ang bumungad sa amin. Siguro pag sumigaw ako dito mag e-echo?

Umakyat kami sa hagdan at hindi ko pa rin maiwasang maka-encounter ng mga ipis at gagamba kaya hanggang ngayon ay nakakapit parin ako sa braso ni Devi. Feeling close lang te?

     Nasa pangalawang palapag ng bahay kami ngayon. Ang daming pintuan sa pasilyo! Parang eskwelahan lang ang dating! A school for ghosts?

     Huminto kami sa gitna ng hallway. Sa kaliwa namin, may isang napakalaking picture frame ang nakatabon ng isang puting tela kaya hindi ko maklaro kung sino yung nasa larawan. Sa kabilang gilid naman, sa kanan, ay isang pintuan.

     Pumasok kami sa pintuang iyon at dalawang babae ang bumungad sa amin. Si Keira. At ang demonyitang babae na si Sophia!

     I was like a deer caught on the headlights and with my mouth agape, I wouldn't even be surprised if they thought I looked stupid. Because I really did. Sino nga ba ang hindi magugulat kung may mga goddess sa harapan mo?

     "Anyone would kill just to be in our position right now!" Natatawang bulong ni Blaire.

     "Of course!" Biglang sabi ni Sophia habang nakaupo sa isang sila na naka cross-legged. "So be thankful na kami na mismo ang sumundo sa iyo Elysse. This is our first time to do this. Feeling blessed?"

     "Feeling blessed?" Napikon ako sa sinabi ni Sophia kaya nilapitan ko siya upang sana ay sampalin ng napakalakas sa pag-utos niyang ipagahasa kami ngunit pinigilan ako ni Blaire at hinila palayo. "Ayaw ko nga sanang sumama eh!" Pikon na pikon na ang tono ng pananalita ko, "Napilitan lang ako! Pasalamat nga kayo at pumunta pa ako rito!"

     Biglang sumabat si Blaire. "Now," Nakatingin siya kay Sophia. "Feeling blessed?"

     "Whatever." Ang tanging sinabi nito.

     "Stop it, you guys!" Sumabat naman bigla si Keira. "May mas importante pa tayong kailangang pagtuunan ng pansin!" Napatingin siya kay Blaire saka tinuro niya ito. "At hindi ka kasali dito so you better get out from here now!"

     Tinignan ako ni Blaire at sa tingin pa lang niya ay alam ko ng nagmamakaawa siya sa aking huwag ko siyang hayaang palabasin. "Elysse.."

     "What are you waiting for?" si Sophia. "Shoo!"

     Hinawakan ko ang kamay ni Blaire. "No! Dito lang siya! Dito lang ang best friend ko! Kung palalabasin niyo siya, lalabas din ako."

     "Tomboy." Pagpaparinig ni Sophia at hindi ko na ito pinansin dahil sabi nga ni Keira, may mas importante kaming dapat pag-usapan ngayon. Ano kaya iyon?

     "Let's talk about Elysse first." Ako? Anong pag-uusapan nila tungkol sa akin?

     "Not interested." Pagpaparinig ulit ni Sophia. Napipikon na talaga ako sa loob ngunit hindi ko pa rin siya papansinin! Patatapusin ko lang itong usapan nato at makikipag one on one ako sa kanya!

      Lumingon si Devi sa akin at magsasalita na sana siya kaso, "So Elysse — " Isang napakalakas na sigaw mula sa ibaba ang gumulat sa aming lahat.

  "ROAR!!!"

     Napayakap agad ako kay Devi kasi akala ko multo na yun. "Ano yun?" Nanginginig kong tanong.

     Agad naman akong hinila ni Blaire saka niya ako niyakap ng mahigpit. "What was that?"

     Binigyan kami ng isang seryosong expression ni Keira. "Lupús."

     Hindi ko masyadong na-process sa isipan ko ang sinabi niya. Kaya tinanong ko siya muli. "Lup — ano ulit?"

     "It's Lupús. Ang simple simple lang i-pronounce ng salita. Boba!" Pagpaparinig ulit ng demonyitang babae.

     "Ano ang gagawin ng Lu — Lupús na yun sa atin? Akala ko ba safety dito sa lugar na 'to?!" nanginginig kong tanong.

     "Akala rin namin." si Devi.

     "Patay ka sa papa ni Elysse! Responsibilidad mo kami ngayon Devi!" bulyaw ni Blaire.

     "So ano na ang mangyayari sa atin ngayon? Mamamatay na ba tayo?!" tanong ko.

     "Kayong dalawa lang." si Sophia. "Ipapakain ka namin sa halimaw na yun!"

     "Sophia, don't scare them. Baka mag panic pa silang dalawa." Panic?! Eh sobrang natataranta na nga kami ngayon kasi palakas naming naririnig ang sigaw ng Lupús! "Huwag tayong maingay, mag ti-teleport tayo!" saad ni Keira.

     "Maiwan sana ang dalawa at malamon ng buo." si Sophia ulit.

     "Wait! Teleport?!" si Blaire.

     Yung totoo, nung narinig kong nagsabi si Keira na magti-teleport kami hindi na masyado akong nagulat. Hindi ko nga alam kung bakit eh, basta ang gusto ko lang ay makatakas mula sa lugar na ito! "Ano ba kasi yang Lupús na iyan?!"

     "Huge bear-like, hairless beast with spikes. Lupús lust for fatas, often bite them in their necks, and then drink their blood. They suck the blood through through their teeth like a reverse snake! They run immensely fast, and can cover long distances in short amount of time." Nakakatinding balahibong paliwanag ni Keira.

     "Fatas? Ano naman pala ang kinatatakutan natin? Mga Fatas naman pala ang sinisipsip nila." tanong ko ulit.

     Nagkatinginan ang tatlong babae. Ngumiti ang mga ito maliban kay Sophia at sabay silang lumingon sa akin.

     "But you are, Elysse."

#CBTSFatas

Chosen by the Stars [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon