Page 17

306 18 0
                                    

Chapter 7
(Elysse POV)

Dinala ako ni Blaire sa pinakamalapit na hospital, sa St. Clare Hospital. Buti na lang may access ang mommy ni Blaire dito kaya agad akong dinala sa emergency room. Pinahintay lang siya ng doctor sa labas kasi bawal siyang makapasok dito sa loob. Marami silang ginawa sa katawan ko hanggang sa bigla akong napangiwi nang tusukan nila ako ng karayom para sa dextrose.

Dahan dahan kong binuksan ang aking mga mata dahil naririnig ko ang boses ni Blaire. "Kamusta na po ang lagay niya doc?"

"Okay na naman siya. Kailangan niya lang magpahinga ng ilang oras dito sa hospital upang bumalik ang tamang lakas niya."

"Thank you so much doc!"

Isinantabi ni doc ang kurtina upang lumabas at lumitaw naman sa paningin ko sina mama at papa. "Anak!" Tumakbo si mama patungo sa akin at saka niyakap ako ng mahigpit habang umiiyak. "Sino ang may gawa sa iyo nito?"

"Si Devi ba?" Biglang lumabas ang galit ni papa at napasuntok sa kurtina sa gilid nito. "Lintek na Devi iyan! Anong ginawa niya sayo? Teka," Kinuha niya ang cellphone niya mula sa kanyang bulsa, "Ipapademanda ko ang babaeng iyan!"

Agad naman akong bumangon upang pigilan siya, "Huwag!"

"Anak?" si mama, "Bakit ayaw mo?"

     "Ka — kasi," Tumingin ako kay Blaire saka kay papa. "Isa siya sa mga nagligtas sa amin ni Blaire."

     Bigla namang sumingit si Blaire, "If it weren't for them we would be dead."

     "Tunay ba itong mga sinasabi ninyo?" tanong ni papa.

     "Opo pa!"

      "Gusto kong makita si Devi? Nasaan siya?" tanong ulit ni papa.

     "Nagluluksa pa siya ngayon pa," Diniretso ko na siya upang matahimik na siya at huwag na ring gambalahin pa si Devi. "Namatay ang dalawang pinakamamahal niyang kaibigan dahil sa amin."

     "They sacrificed themselves for us." ani Blaire.

      Nagkatinginan sina mama at papa, nalilito. "Paano nangyari ito — sino ang nagtangka sa buhay ninyo?"

     Kami naman ni Blaire ang nagkatinginan sa isa't isa. Hindi ko maaaring sabihin sa kanila ang totoo na isang halimaw ang umatake sa amin dahil hindi lang sila maniniwala. "Hindi namin nakilala ma," Maliban na lang kung mga fatas din sila.

     "Kahit ganun, malaki pa rin ang galit ko sa Devi na iyan! Hindi ka naman mao-ospital ngayon kung hindi ka niya sinama eh!" Panunumbat ni papa.

     "Blaire, maraming salamat sa pagdala mo kay Elysse dito sa ospital." ani mama.

     "Wala po yun tita." sagot naman ni Blaire.

     "Naku paano ba yan Elysse," Biglang natauhan si papa at binago ang topic namin, "Ilang araw na lang, kaarawan mo na tapos ganito pa ang kalagayan mo ngayon."

     "Okay naman na ako pa eh," Napa-thumbs up ako sa kanya.

     "Siguraduhin mo lang anak kasi," Lumingon siya kay mama tapos kinindatan ito, "magkakaroon ka ng Debut Party."

     Nagulat ako ng todong todo sa narinig ko. "Ako? Mag de-debut party?"

     Na-hyper si Elysse nang marinig niya iyon, "Yay! Ako ang mag-aayos sayo Elysse ha! I'll make sure na ikaw ang pinakamagandang babae sa birthday mo!"

     "Te — teka! Ang mahal mahal ng magagastos natin pa, ma," Nag-aalala ako para sa kanila, "Kaya huwag na lang! Let's just save the money."

     Napasampal naman ng mahinhin si mama sa akin, "Ano ka ba! Once in a lifetime lang kaya mangyayari sa'yo to at saka hindi kasi ako nakapag-debut party noong labing walong taong gulang ako eh, kaya gusto ko sana na at least yung anak ko maka-experience ng bonggang debut party! Ininvite ko na nga mga kapatid ko, mga pinsan mo, mga kaibigan ko, at marami pang iba."

     "Saan tayo kukuha ng pera?" tanong ko.

     Napasampal ulit si mama sa balikat ko saka ang saya-saya nito, "Nanalo kaya ang papa mo sa lotto! Ang laki-laki ng napanalunan niya!"

     "Talaga?!" Ang saya ko nang marinig ang tungkol doon ngunit lumungkot din agad nang mapansin ko si Blaire. Malungkot siya. "Blaire?"

     Bigla naman siyang napatingin sa akin, "Yes?" At kahit ngumingita pa siya nakikita ko pa rin ang pagkadismaya sa mukha niya.

     Sumapaw bigla si mama, "Teka! Diba sabay kayo ng birthday ni Elysse, Blaire?"

     "Ah — opo!" Ngumingiti pa rin ito.

     "Saang venue isi-celebrate ang debut party mo? Siguro bonggang event iyan —" Kinuhit ko agad si mama upang tumahimik. Na-gets niya naman agad ang pagtingin ko sa kanya kaya napatakim siya sa kanyang bibig. "Pasensiya na iha."

      Tumawa naman si Blaire saka lumapit sa gilid ko. "It's okay! Basta makita ko lang si Elysse na nakasuot ng isang fabulous ball gown, happy na masyado ako dun!"

     Hindi ako naniniwala sa sinasabi niya. Bata pa lang kasi siya ay iyon na ang pangarap niya, ang magkaroon ng engrandeng debut party — na gaganapin daw sa isang 5-star hotel at may eighteen roses, eighteen candles, eighteen treasures, higanteng cake at iba pa. Ako naman hindi ko talaga pinangarap ang magkaroon ng isang debut party kasi nahihiya akong humarap sa maraming tao. At ano 'tong nangyayari ngayon? Ako tuloy ang magkakaroon ng engrandeng debut party samantalang siya ang hindi magsi-celebrate?

     Masakit isipin! Nakakakirot ng damdamin! Naaawa tuloy ako kay Blaire.

#CBTSMoveOnAndForget

Chosen by the Stars [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon