Page 12

383 18 0
                                    

Chapter 5
(Elysse POV)

Sa pagbuhos ng ulan kasabay nito ang pagbuhos ng sari-saring emosyon na minsan mo lang naramdaman.

Pinagmamasdan ko ang mga bata na nagtatampisaw sa ulan sa kalsada sa tapat ng bahay namin. Nandito ako ngayon sa terrace ng aming bahay habang umiinom ng mainit na kape. Malamig kasi ang simoy ng hangin!

Hindi parin talaga ako makapaniwala sa nangyari. Hindi ako ordinaryo! Nagawa kong mapatalsik ang mga lalakeng muntik ng gumahasa sa amin nang hindi ginagamit ang aking lakas. Halos mapatay ko na sila sa lakas ng pagbagsak nila! Isa akong halimaw!

Sa labas ng gate, may isang babaeng nakatayo na may dalang pulang payong. Binuksan ni mama ang gate saka pinapasok si Blaire. Muntik na nga akong pumasok sa loob ng bahay upang iwasan siya ngunit hindi ko nagawa! Bakit ko naman siya iiwasan? Hindi ko naman siya masisi kung bakit natakot siya sa akin kasi katakot-takot naman talaga ako. Dahan dahang lumapit si Blaire sa akin, na para bang medyo natatakot pa rin siya. Umupo siya sa gilid ko saka ipinatong ang kanyang kamay sa kamay ko.

"How are you feeling?" tanong niya.

"Great." sagot ko habang nakatanaw sa mga ulap. Lumingon ako sa kanya at napatitig sa kanyang kamay na nakapatong sa akin. I rolled my eyes at her. "Huwag ka ngang magpanggap na hindi ka natatakot sa akin."

Blaire looked at me with disappointed etched onto her face. Nangunot ang noo niya at biglang ibinaba ang kanyang kamay. "You're being a real idiot right now.  Ano ka ba? Kung ganyan lang pala yung sasabihin mo sa akin ngayon, I shouldn't have come!"

Hindi ko siya kinausap. Tahimik ang paligid. Sabay naming pinagmasdan ang mga bata sa labas ng gate na naglalaro sa ulan. I secretly glanced at her, nahuli ko rin siyang napasilip sa akin ng sandali.

Awkward.

"Umimik ka naman diyan!" Napamaang ako sa biglang
pagsalita ni Blaire. Ngumiti siya at sinuklian ko ang ngiting iyon.

"Sorry," Nanlulumong sabi ko. "Hindi ko lang kasi naiintindihan 'tong mga bagay na nangyayari sa akin! Ang mga panaginip ko na hindi matigil-tigil at ang hindi ko maintindihang bagay na bigla na lang lumabas mula sa palad ko! Pabigat pa ng ulo 'tong mga Tres Marias angas! Dumagdag naman sina Van at Tristan!" Bigla siyang nagtaka nang masambit ko ang mga pangalan nina Tristan. "Nandito sila Blaire! All this time niloko lang nila tayo para sa kanilang ginagawang prank video!"

Hindi makapaniwala si Blaire sa narinig niya, "WHAT!"

"Kahit ako nga gulat na gulat!" Hindi pa rin siya makapaniwala base sa reaksyon niya! "Paano ba nila nagagawa yun?"

"I will literally slap those bastards in the face!"

Bigla naman akong nagtaka kung bakit hindi niya alam ang tungkol dito whereas she was there when he caught me. "Teka, paano mong hindi alam ang tungkol kina Tristan? Hindi mo ba siya nakita kahapon na sinalo ako?"

She smiled pleasantly, "Hindi si Tristan ang sumalo sa'yo Elysse!"

Bigla naman akong nagtaka kung, "Sino?"

"Si Seth!" Tama nga ang hinala ko noon na siya nga yung sumalo sa akin! Nang mahimatay ako, nakakatawa man ito ngunit naamoy ko talaga siya! Oo, hindi ko nakalimutan ang amoy niya.

"Bakit niya ba ako parating nililigtas?" Nagtataka na talaga ako sa mga nangyayari sa akin ngayon. "Nasa paligid ko lang siya tuwing napapahamak ako."

"Well, maybe you guys are destined for each other?" Kami ang nakatadhana para sa isa't isa? Ganoon ba yun?

     "Sa dami ng mga iniisip ko ngayon," Sabay tingin sa kanya. "Times up muna ako sa love love na 'yan." Wow! As if naman mahuhulog din si Seth sa akin! In my dreams!

     Matapos ang isang oras na seryosong pag-uusap, bumalik ulit ang tunay na ugali ni Blaire. Nakangisi siya sa akin at hindi ko alam kung bakit. "Bakit ganyan ka makatitig sa akin?" Nakangisi pa rin siya sa akin na tila bang may nakakatawang dumadaloy sa kanyang isipan. "Alam kong may gusto kang sabihin sa akin, ano yun?"

     Tumingin siya bigla sa mga kamay ko. Batay sa klase ng pagtutok niya, alam kong mayroon siyang ibig ipahiwatig. At sa ngiti pa lang isang Blaire, alam na alam ko na. "Gusto kong ulitin mo 'yon ulit."

     Freeze. May bumara yata sa tainga at lalamunan ko.  "Are you crazy?!"

     "Am I not?" Ang hindi ko inaasahang sagot niya.

     Hindi ko nagawang ngumiti pabalik. Isa ito sa pinakakinatatakutan kong bagay na gawin after noong nangyari ang moment na iyon. Ang magawa ko yun ulit. Gusto ko na ngang makalimutan na may taglay akong kapangyarihan tapos ito? Gagawin ko 'yun ulit? "No."

     "Ayaw mo talagang gawin?" May bahid na pagkadismaya sa tono ng boses niya.

     Umiling ako. "No. Never." Umiling ako ulit. "Never ko ng gagawin yun kahit ano mang mangyari! At simula ngayon ay kakalimutan ko na rin yun so please, huwag mo ng ipaalala pa sa akin ang nangyari." Kinuha ko yung tasa ng kape ko saka uminom pagkatapos ay nilagay ko ito pabalik sa lamesa. "Ang bigat sa kalooban Blaire. Tuwing humaharap ako sa salamin, naiisip kong isa na akong halimaw. l AM NO ORDINARY BLAIRE. I'M A WITCH."

     "How can you be so sure na isa ka talagang witch? Malay mo, isa ka pa lang fairy." At dinaan niya pa talaga sa joke.

     "Blaire, this isn't a fairytale."

     "Suppose you mean this is a witchtale?"

     "No!"

     "Then what do you call this?" Hindi na ako sumagot sa tanong niya kaya't napabuntong hininga na lang siya. "This is a gift. Elysse. Anyone would kill just to be in your shoes right now! Who doesn't want a power?"

     Napakibit-balikat ako at saka napatingin ulit sa mga ulap."May kutob ako Blaire."

     "May kutob na ano?"

     "Na konektado ang pagkakaroon ng kapangyarihan ko sa mga napapanaginipan ko!"

     "You're right!" Nanlaki ang kanyang mga mata at saka napatayo agad. "I have the same feeling as well," Lumakad siya ng dahan dahan habang nag-iisip, dumaan sa likuran ko saka umupo ulit sa harapan ko na. "And that's what you need to find out!"

     Napatitig lang ako sa kanya na para bang sinasabi kong paano ko gagawin yun? Gagamitin ko ba ang kapangyarihan ko? Napadismaya ang mukha ko sapagkat hindi ko na alam kung anong gagawin. "Diba sinabi ko na sa'yo ayaw ko na ngang gamitin ito!" Mangingiyak-ngiyak na sabi ko.

     Inirapan niya lang ako. "Dear, you told me na gusto mo ng malaman kung bakit ka parating nananaginip ng paulit-ulit tungkol dun sa isang prinsesa at prinsipe. Now, kung magiging isnobera ka lang naman sa powers mo, never — As in never! mo talaga mahahanap ang sagot. Pilit mong tinatalikuran kung ano ka talaga kaya kung ganyan ka, wag mo na lang alamin ang katotohanan baka mas manlumo ka pa sa sarili mo!"

     Napaisip ako ng malalim sa sinabi niya. Napatingin ulit ako sa dalawang kamay ko.  Dapat ko nga bang harapin kung ano nga ba talaga ako? Dapat ba itong katakutan o ipagmayabang?

     Hindi pa rin nagbabago ang isip ko. "Ah basta ayaw ko! Ayaw kong may mapahamak."

     "Is your decision final?"

     Sasagutin ko na sana siya ngunit biglang may umagaw ng atensiyon namin. "Buksan ninyo ang gate!" May babae na namang nakatayo sa labas ng gate, nagwawala. Nagulat ako nang makita kung sino iyon dahil hindi ko inasahang bibisita siya. "Open the gate! Fast!"

"Devi?"

#CBTSSavingElysse

Chosen by the Stars [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon