Page 31

261 15 3
                                    

{Play the music later when I say so. You're gonna have fun!}

(Elysse POV)

Sinubukan kong lumapit kay Blaire pero pinigilan ako ni Devi. "Wag na muna!"

     "Pero nanganganib ang buhay ni Blaire!"

"Subukan niyo lang lumapit sa alaga kong fata, kakainin ko kayo ng buhay!" Aba! Ginawa niya pang pet si Blaire!

"Aw! Aw!" Powtek din 'tong si Blaire! Naniwala naman siya agad sa psycho na ito!

"I'm sure my Queen will be very pleased kapag nakahuli pa ako ng isa pang fata!" Veruska started attacking us. Nag prepare naman ako lalong lalo na ako ang nasa gitna ngunit agad akong tinulak sa gilid ni Devi dahil gusto niyang siya ang bumida.

      Sumuntok ang kalaban ngunit nahuli ni Devi ang kamao nito kaya hindi siya natamaan. Si Devi naman ang sumuntok sa tiyan ni Veruska gamit ang isa pa niyang kamay. "Ugh!" Napaungol ito at napaatras.

     Hindi pa tapos si Devi. Siya na mismo ang sumugod sa kanya upang sakalin ito sa leeg. "Sa tingin mo ba masasaktan mo talaga ako!"

     Nag backflip bigla si Veruska at saka natamaan ng kanyang red heels ang baba ni Devi. Siya naman ngayon ang napaungol at napaatras.

     Si Keira ang sunod na sumugod. Mabilis siyang nag frontward roll siya at habang ginagawa niya ito, nakuha niya agad ang belt niya saka ito agad ginawang espada. She strikes but Veruska quickly bends down kaya naman hindi ito natamaan. Naswertehan lang si Veruska kay Keira! Hmp!

     Tumalon naman ng napakataas si Devi mula sa likuran nila at saka siya nagposisyon upang sipain si Veruska ngunit naswertehan pa rin ang kalaban! Powtek!

     Nag-aaway na sila ngayon at napakabilis ng movements nila. Yung tipong makikita mo lang sa mga chinese movies? Ganun ang peg nila ngayon eh!

     I swear mas maganda pa ito sa 5D!

     Nagtaka ako kung bakit unti-unting umiinit itong kaliwang kamay ko kaya naman tinignan ko na.

     Nagulat ako nang makita kong magsimula na naman itong umilaw na parang mga flashlights. Kinumkom ko ito dahil natakot ako na baka makadisgrasya ulit.

     Habang nagkakarate sila, lumapit na ako kay Blaire upang pakawalan siya sa mga lubid na nakagapos sa mga kamay at paa niya ngunit agad akong sinipa ng isang nilalang na nakabalot sa isang black cloak at kaya ako natumba sa sahig.

     "Sino ka?"

     "Whatever your planning to do, don't."

     Madalian kong sinilip ang kamay ko at napangiti ako nang umilaw ulit ito. Ito na siguro ang tamang oras na gamitin ko siya, ano naman ang pake ko kung mapahamak siya? Eh tinulak nga niya ako ng walang pasintabi!

     Agad akong tumayo at matapang na hinarap siya. "Hindi ako natatakot sayo!" Ikinumpas ko ang umiilaw kong kamay saka ito itinutok sa kanya hanggang sa may ice spikes na lumabas galing dito at napatilapon naman ang lalake palayo dahil sa ginawa ko.

     Oh Em Ji! Ito na ba yung power ko?

     Kumumpas ulit ako ngunit sa pagkakataong ito, mga daliri ko naman! Parang mga flashlights na sumasayaw lang habang minamasdan ko ito.

     Dahil siguro sa pagkumpas ko ng mga daliri ko kaya biglang napalibutan ng yelo ang lalakeng naka black cloak kaya hindi na ito makagalawa pa.

Chosen by the Stars [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon